Chapter 08 - The Prophecy (March 14, 2015)

Start from the beginning
                                    

"Voltaire." Tumikhim ang prinsipe. "Hindi mo na ba natatandaan ang sinabi ko sa'yo tungkol sa magiging ina ng bayang ito?"

Tumango si Voltaire.

"Si Lady Juliya. Kaya 'diba't hindi ka naniniwala sa mga oracle sa Bahay ng mga Bituin noon pero simula ng makilala mo si Lady Juliya ay bigla kang naniwala."

"Dahil inaakala ko dati na para sa akin ang hula. Una akong pumasok sa loob ng Bahay ng mga Bituin noon at akala sinabing ang para sa akin ay si Lady Julia."

"Pero hindi nga kasi ikaw 'yung hinuhulaan. Hindi ba't para sa crown prince ang hula na 'yun. At ang sabi, magiging reyna ng bansa. At nagkatotoo naman hindi ba? Mas pinili ng Lady Juliya si Ice."

Tumayo si Fire.

"Pero makinig ka Voltaire! Alam mo ba kung bakit ko niligtas 'yang babae na 'yan sa mga royal guard?" turo nito sa kwarto kung saan naroroon si Dew Lia.

"Bakit? Anong koneksyon? Naawa ka sa Vinayagan na apelyido niya hindi ba?"

Umiling ang prinsipe.

"Dahil siya si Dew Lia."

"Ha?" Hindi pa maintindihan ni Voltaire.

"Dew Lia, Voltaire. Dew Lia."

"What?!" 'Tska lang naintindihan ni Voltaire. "Shet! Mindblown."

"Iniisip ko. Baka siya?"

"Siya? 'Yung jellyfish ang mapapangasawa ng kapatid mo? Siya pala 'yung tinutukoy? Parang hindi ko naman yata mapaniwalaan 'yun? Nako ha Jas. Baka naman coincidence lang. Baka naman gusto mo lang kasing isipin na hindi si Lady Juliya ang tinutukoy ng Seer. Na hindi sila magkakatuluyan ng kapatid mo dahil siya ay para sa'yo."

"Bakit hindi?!"

"Kasi unang-una. Hindi naman magkakilala 'yang si Jellyfish at ang kuya mo. At imposible silang maging magkakilala."

"Tama ka." Huminga ng malalim si Fire.

"Alam mo ang gawin mo na lang. Hwag mo na lang paniwalaan ang mga sinasabi ng Royal Family Seer dahil kahit nagkatotoo ang iba, may mga iba pa namang hindi nagkatotoo."

"Tama ka. Hindi na lang ako maniniwala."

"Kaya matulog na lang tayo ulit. Madaling araw pa lang oh!"

Bumalik na si Voltaire sa pagkakahiga sa sahig.

"Talagang hindi ka aalis?"

"No, Your Grace. Hindi ako aalis hanggang hindi pa nagiging safe ang paligid."

Fire grunts. Hindi siya makakaangal dahil alam niya ang tungkol sa bomba sa kwarto niya sa palasyo.


~~~

Nagising si Dew Lia na magang-maga ang mga mata. Hindi siya madalas umiiyak pero hiyang-hiya talaga siya sa mga nangyari kagabi.

"Ang pinaka-iingatingatan kong katawan. Ngayon, wala na."

Naisip niya na naman ang nangyari kagabi. Halos nakabuka pa siya ng pumasok si Jasper at naiiyak na naman siya sa kahihiyan at helplessness.

"No Dew. Sabi ni tatay, ang pag-iyak ay para sa mga mayayaman lang. Walang luxury para umiyak ang mga dukha at katulong na katulad ko."

Tumayo siya at tumungo ng pintuan. Alam niyang doon siya pinatulog sa kwarto ni Fire at natutulog ang dalawa sa sofa. Hindi na sila nagpansinan kagabi matapos ang lahat ng nangyari.

"Okay. Lalabas ka lang na parang walang nangyari." Pinipilit niya ang sarili niya na kumalma. "Pero shet. Nakita niya ang kaluluwa ko!" Bumalik siya sa kama ni Fire.

Fire and Ice (Revamping)Where stories live. Discover now