"Kukuha nalang ak--"

"Ako na ang kukuha para sayo, aking reyna." Saad ni Klien, naupo ako sa tabi ni Charles.

"Wag mong sabihin na kayo na." Biro ni Mia.

"Bakit ko naman sasabihin sa inyo?" Pagpaparinig ko kay Charles. Wag mong ituloy ang binabalak mo Charles. Kawawa ka kapag nagkataon. "Just kidd--" inilapag ni Klien ang dalawang plato sa harapan ko

"Kainin mo lahat yan." Saad ni Klien habang nakaturo sa plato.

"Lahat ba ng nandoon nilagay mo sa plat--"

"Yup. Kaya ubusin mo ang lahat ng yan."

"Hindi ako kumakain nito." Itinuro ko ang may Shrimp. "Nito." Itinuro ko ang may crab. "Inshort hindi ako kumakain ng mga ito." Deretso kong sabi. Tumingin sa akin si Klien. "Hindi sa ayaw ko, pero hindi talaga ako kumakain ni--"

"Why?"

"Hindi ako kumakain ng mga yan." Nakangiti kong sabi, tumayo ako at kumuha ng wine sa table. Tiningnan ko ang lahat ng iyon at doon ko nakita na may mga shellfish ang bawat putahe. Wala manlang bang desert?. Tss. "Umiiling ako bumalik sa table namin."

"So, Kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Mia. Nilaro ko ang wine glass sa kamay ko.

"Hindi pa namin napag-uusapa--" naputol ang sasabihin ni Irish.

"2-3months, bago kami ikasal." Umangat ako nang tingin at ngumiti.

"Ang bilis naman. Kailangan niyong mag-ingat." Nakangiti pero may pagbabantang sabi ko. "What?!" Tanong ko nang makitang nakatingin sa akin sina Ziel.

"Sam, wag mo namang takutin." Saad ni Mark.

"Bakit? Natakot ba sila?" Tiningnan ko si Irish at Charles. "Kahit libo libo pa ang na pagbabanta ang bitiwan ko sa harap nila, itutuloy at itutuloy parin naman ng dalawang yan ang kasal. Lalo na si Charles."Tumitig ako kay Charles. "Ipaglalaban niya yan, Mahal niya e. Anong magagawa ng salita ko?"

"S-Sam, a-ayaw mo ban--" Irish

"Ayaw kong umiyak ka." Sarkastiko kong sabi. "Pag ako nasaktan okay lang pero pag ako ang nanakit hindi lang katawan ang sasakit pati ang dibdib niyo maninikip." Pabulong kong sabi.

"Sam, try mo it--"

"Hindi ako niyan kumakain Irish."

"Isa lang, Masarap ito promise. Kahit ito nalang ang birthday gift mo sa aki--"

"Irish. Hindi siya kumakain niyan." Pigil ni Charles.

"Bakit hindi ka nito kumakain? Tikma--" tumikim ako nang shrimp na nasa plato ko.

"Yea. M-masarap." Pilit ang ngiting sabi ko.

CHARLES POV

Tiningnan ko si Sam. Kinagat nito ang labi niya. "Sam." Tawag ko rito, hindi ito nagsalita. Yumuko siya. "Sam?" Kinapitan ko ang baba nito at iniharap sa akin. "Damn!!!" Sigaw ko nang makita ko ang dugo sa ilong nito.

"Oh my gosh!!! Sam!!" Sigaw ni Chlea at agad na lumapit kay Sam nagsilapitan din ang ilan niyang mga kaibigan.

"Malamig na tubig!!!" Sigaw ni Mia.

"A-ayos lang a-ako." Hirap na sabi nito. Kumapit ito sa dibdib niya na animo'y nahihirapan huminga.

"Dadalahin na kita sa hospital." Saad ko at agad na binuhat siya. Hindi ito nagsalita pero kita ko ang hirap niya sa paghinga. Nakuha namin ang atensyon ng mga bisita, sumunod sa amin ang mga kaibigan ni Sam. Binuksan ni Li ang pinto ng kotse ko, isinakay ko agad roon si Sam.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant