I wandered my vision drastically until my eyes settled on a man who is standing amid the disheveled mat.
His hair is completely unkempt but it is not displeasing to witness, his sweat is streaming down his face as he freed his breath heavily while furnishing me with keen and harsh stares.

❝ Love—

His eyes turned faint and austere. His expression is vague that I cannot delineate what’s running in his mind right now.

❝ Can we talk? ❞
Mahinang tanong ko.

Animo’y sasabog sa kaba ang dibdib ko. Minsan ayoko nalang magsalita dahil kung ano-anong katangahan ang lumalabas sa bibig ko.

Kahit papaano ay nawala ang ilang na nararamdaman ko nang magsimula ulit na bumalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa loob.

Tinapunan ako nito ng tingin bago naglakad patungo sa isang bakanteng upuan kung saan nakalapag ang sports bag niya.

Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko upang abutin ang tuwalya at iabot sakanya. Napansin ko ang pag-awang ng bibig nito dahil sa ginawa ko.

It was my hand that moved abruptly. Maybe because I used to do this back then.

❝ What do you want? ❞
Malamig na tanong niya na nagpasikip sa puso ko.

❝ P-please, let me have an interview with you. ❞
Tuloy-tuloy na usal ko.

Umurong ang dila ko nang kunot noo niya akong lingunin. Ngunit mas napukaw ang atensyon ko nang ngumisi ito kasabay nang marahang pag wasiwas ng tuwalya sa basa niyang buhok.

❝ You want to interview your ex? ❞
Sarkastikong kuwestiyon niya na nakapag patigil sa’kin.

❝ We’re still in the middle of the practice. Wait or leave, you decide.❞

Hindi na ako naka-angal pa nang lampasan ako nito. Ako ang may kailangan sakanya kaya ako dapat ang mag-adjust. Tahimik akong naupo at isinentro ang mga mata sakanya.

"Dwi-chagi or Spinning back kick"

I jotted while focusing my gaze onto him. That is one of his most mastered technique. People are addressing him as a taekwondo maven for his profound expertise in his field.

Natigil sa ere ang panulat na hawak ko nang pumasok ang isang babaeng may hawak na isang energy drink. Mahinhin nitong hinawi ang buhok niya nang matanaw ang saktong kinatatayuan ni Atlas. Awtomatikong umarko ang kilay ko nang sumibol ang ngiti sa mukha nilang dalawa at sabay nilang pag-kaway sa isa’t-isa.

❝ I got you a drink. ❞
Masayang turan ng babae.

Ngunit nawala ang ngiti nito nang lumipat sa’kin ang atensyon niya.

❝ Calli. I thought you’re going back to France today? ❞

Muling naglakad si Atlas pabalik sa bench upang salubungin ang babaeng tinawag niyang Calli.

His voice sounds so calmed and relaxed unlike the way he approached me awhile ago.

❝ Tomorrow is my flight not today. ❞
Sagot nito kasabay nang pag-abot kay Atlas ng energy drink.

❝ Ah I forgot. ❞
Natatawang saad naman ni Atlas na lalong nagpatahimik sa’kin.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon sa papel at panulat na nasa kamay ko. Seeing how Atlas acts towards Calli is bringing me a huge discomfort. I don’t like it.

❝ Are you done with your practice today? Let’s eat. ❞
Masayang sambit ni Calli.

❝ Aalis ako bukas. You can’t say no to me. ❞
Pag papaalala pa nito.

Tales in the JarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon