Vexed

14 3 1
                                    

Vexed
Fall and Cadmus

❝ Happy 20th birthday, Fall. ❞

Awtomatikong rumagasa ang dugo sa magkabilang pisngi ko nang sa wakas ay lumapit si Cadmus sa’kin at iniabot ang isang maliit na regalo.

❝ Thank you, Cadmus.❞
Mahina kong nakagat ang ibabang labi ko nang sumilay sa mukha nito ang isang tipid na ngiti bago tumalikod at nakapamulsang naglakad pabalik sa lamesa nila kuya. Isang maliit na handaan lang naman ito na ginanap sa garden namin pero mas naging espesyal dahil sakanya.

Cadmus Flauven, twenty five years old, an attorney. He is six years older than me— but he is my first love.

Pinilit ko munang aliwin at kausapin ang ibang mga bisita hanggang sa nagpaalam na ang mga kaibigan ko upang umuwi ng maaga. Malawak ang ngiti akong tumakbo sa pwesto kung nasa’n si Cadmus at ang iba pa nilang kaibigan kabilang na si kuya, bitbit ang regalong ibinigay niya sa’kin.

❝ Hi, Cadmus! ❞
Masiglang bati ko rito kasabay ng pag-okupa sa isang bakanteng upuan sa tabi ni kuya Spring. Tinapunan niya lamang ako ng tingin bago nilagok ang natitirang alak sa baso niya.

❝ So, how do you feel about your party? ❞
Nakangiting kuwestiyon ni kuya habang naka-akbay sa girlfriend niya.

❝ Awesome, especially because Cadmus is here. ❞

Lumawak ang ngisi ng ilang taong kasama namin sa lamesa nang marinig ang sinabi ko. Taas noo kong tinignan ang reaksyon ni Cadmus ngunit simpleng ismid lamang ang ginawa nito na para bang nakarinig ng isang biro.

❝ How cute, your sister is having a crush, Spring.❞
Umarko ng husto ang kilay ko nang magsalita si Prances.

Cadmus’ ex-girlfriend.

❝ I don’t have a crush on him. That’s eminently rubbish. ❞
I frowned.

❝ I love him.❞
I stated defiantly.

Umawang ang bibig ko nang makita ang pagbabago ng timpla sa mga itsura nila. Lukot ang mga mukha at halos hindi mabasa ang reaksyon ng mga mata nila. Nakita ko ang pag-iling ni kuya Spring, higit sa sino man siya ang may alam na mahal ko si Cadmus.

❝ That’s absurd, my head is already messed up for having a little sister and having another one? no way.❞

Napako ang titig ko kay Cadmus, umurong ang dila ko at halos hindi ko maramdaman ang sariling katawan nang pumasok sa magkabilang tainga ko ang mga salitang walang pag-aalinlangan niyang binitiwan.

❝ Little sister? Cadmus, i’m a grown-up woman now! ❞
Nangangatal ang mga labing turan ko.

❝ Stop it, fall.❞

Nag-iba ang tono ng boses nito, dumilim ang mukha nito at binigyan ako ng isang nagyeyelong tingin na para bang gusto niyang manahimik na ako.

❝ How can I? I’m in love with you. ❞
Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil sa pamamaos nito.

Sumilay ang isang pilit na ngisi sa labi niya.

❝ You’re just a kid. ❞

‘Yong kaninang pagkawala ng pakiramdam sa buo kong katawan ay para bang tripleng bumalik na animo’y tinutusok at binabato ng karayom at bubog ang bawat parte nito.

❝ Bawiin mo ‘yon. ❞
Tuluyan nang lumabo ang paningin ko nang tuluyang kumawala ang mga luhang pilit kong ikinukubli.

Naramdaman ko ang paghawak ni kuya Spring sa pulsuhan ko ngunit marahas ko itong hinawi.

❝ Bawiin mo ‘yon, Cadmus! ❞

Nasaksihan ko ang paulit-ulit na paglunok nito at ang pag-ungos ng mga ugat nito sa leeg habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

Tales in the JarWhere stories live. Discover now