❝ Alright. Call me what you prefer. ❞
Muli ko siyang sinulyapan, hindi pa rin mawala wala ang ngiti nito sa labi.

❝ I’ll call you, Kosmos. ❞

❝ Well then, call me Kosmos. ❞

---

25th of December year 2019. Two years had passed before he came back.

Kosmos is twenty and I am eighteen.

❝ Lola Feli, I want you to meet Lia. ❞

❝ Napaka gandang dalaga. Naku, maupo kayo at maglalabas ako ng pagkain. ❞

Nanatiling nakadikit ang mga paa ko sa sahig na para bang nakalimutan ko na rin kung paano magsalita.

I was stunned and above all, I felt my heart twinged as if I was being stab. My excitement had blown away; my expectation rived into pieces.

❝ Hello po lola. Palagi niya po kayong kinukuwento sa’kin.❞
Her voice sounded like an angel.

❝ I suddenly want to buy an ice cream outside. Nice to meet you ate Lia. ❞
Beige interrupted.

Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko nang magtama ang paningin namin ni Kosmos. I tried my best to smile before Beige dragged me away from them.

❝ Are you alright?  ❞
Puno ng pag-aalala ang mukha ni Beige.

❝ Am I alright? ❞
Mariin kong iniyukom ang kamao ko.

❝ Wala namang sinabi si Kuya Kosmos na girlfriend niya ‘yon.❞

❝ He wouldn’t take her here if she is not. ❞

❝ But you told me it’s just a crush, right? ❞

Kusang nagbara ang lalamunan ko. I cannot understand myself either.
Ipinagsiklop ko ang mga palad ko at malalim na humugot ng hininga.

❝ Let’s go back inside, Beige. Kosmos will leave soon and after that it will take a year again or maybe two? I can’t afford to waste time.❞

---

❝ How old are you, Bleux? ❞
Nakangiting kuwestiyon ni ate Lia habang magkakasalo kami sa lamesa.

❝ She’s eighteen, Lia. ❞

Naudlot ang pagbuka ng bibig ko nang mauna nang magsalita si Kosmos.

❝ Ah.❞
Napansin ko ang pagkawala ng ngiti nito ngunit hindi ko na lamang pinansin pa.

❝ Ahm ate Lia, how long have you been dating? ❞
Natigil ako sa pagnguya nang magsalita si Beige.

Napansin ko rin ang pagtigil nilang dalawa.

Magsasalita pa sana si Beige ngunit agad ko na itong pinutol. I'm sure she'll just dig up even more.

❝ Our place has beautiful spots to offer. We can walk you two around. ❞
Mabilis na litanya ko.

❝ You’ll do that? ❞

Nalaglag sa kamay ko ang hawak kong kutsara nang matiim niya akong tinitigan. Mabilis akong tumaliwas ng tingin.

❝ O-oo naman Kuya Kosmos. ❞
Nangangatal na sambit ko.

❝ May food court ba na malapit dito? ❞
Pagod na tanong ni ate Lia habang naglalakad. Tahimik lamang ako sa likod at pinagmamasdan sila.

❝ Oo ate. Tara puntahan natin. Gutom na rin ako eh. ❞
Natutuwang suhestiyon ni Beige rito.

❝ Dito nalang muna ako. I want to rest. ❞
Mahinang sambit ko.

❝ Sige, i’ll buy you a drink. ❞
Nakangiting saad ni Beige kaya naman tumango nalang ako at nagtungo sa lumang upuan na siyang nakapako sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

Tales in the JarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon