35

33.7K 927 379
                                    

AGNELLA TELESE


"What are you doing here?" Iyon agad ang unang tinanong ni Ales nang makalapit si Sienna sa table namin.

Umangat pa ang isa kong kilay nang tingnan ko ang babaeng 'to mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay itim na maiksing dress at high heels na sobrang taas ng takong. Hapit pa sa kanya ang suot niya kaya litaw ang kurba ng kanyang katawan. Infairness, sexy siya.

"Sino 'to? Anak ba ni pennywise 'to?" d
rinig kong tanong ni Renesmee kaya natawa ako ng mahina. Maski sina Thorn ay impit lang ang kanilang tawa.

"At sino ka namang bubwit ka? Don't talk to me, okay?" maarteng sagot ni Sienna bago bumaling ang atensyon niya sa amin ni Ales.

"I'm here para makausap ka. Our parents have agreed that we will get married! Bakit ka pa nakikipaglandian sa ibang babae?" inis niyang tanong. Talagang pinukulan pa niya ako ng masamang tingin.

"Naku, Kuya Ales! Huwag kang magpakasal sa anak ng pennywise. Gwapo ka at magiging kawawa ka lang. Huwag mo pong sayangin ang buhay mo sa isang tulad niya," sabat ni Renesmee kaya lihim ko siyang nakurot dahil malapit lang siya sa pwesto ko.

Tuluyang tumawa ang mga kasama namin na pinapangunahan ni Thorn at Perseus. Sige, magpalakasan sila ng tawa.

"Can you stop talking?!" Sienna hissed. Halatang naiinis na.

"Ipokrita ka at eskandalosa. Buti na lang ako ay diyosa," mahinang saad ni Renesmee kaya sinenyasan ko siyang huwag na sumabat. Mabuti na lang ay sumunod siya sa akin pero 'yong iba naming kasama ay tumatawa pa rin ng mahina.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayokong magpakasal sa 'yi? Hindi kita mahal, Sienna. I only want to marry Agnella and be with her for the rest of my life. Siya lang, wala nang iba," seryosong sabi ni Alessandro kaya napangiti ako.

"Anong ngitingiti-ngiti mo riyan?!" sikmat sa akin ni Sienna.

"Isang ngiting tagumpay na may kasamang kilig. Bakit? Inggit ka? Eh 'di maghanap ka ng ibang lalaking gusto kang pakasalan," mataray kong sagot at nginisian siya.

"Boom panes! Agnella lang sakalam!" sigaw ni Renesmee at pumalakpak pa ang loka. Buti na lang ay katabi niya si Zeev kaya tinakpan nito ang kanyang bibig. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Ales.

"That's my girl," bulong niya na halatang namamangha pero narinig ko pa rin iyon. Mas lalo tuloy akong kinikilig. Hinayaan ko na lang din siya ng mabilis niyang hinalikan ang balikat ko.

"I will tell this to your parents. Isusumbong kita na may kinakalantaran kang babae kahit na pinagkasundo na tayong dalawa. Sa akin ka lang dapat ikasal!" singhal ni Sienna. Nagmamadali pa siyang nagkalkal sa mamahalin niyang bag.

"Shit, anong amoy iyon? Bakit may mabaho?" tanong ni Renesmee.

Napahawak pa siya sa kanyang ilong. Nakangiwi siya at hinahanap kung saan ang naaamoy niyang mabaho.

"Hindi ako umutot, ha!" agad na depensa ni Perseus.

"Bakit? Sinabi ko bang utot ang naaamoy ko?" pagtataray ni Renesmee kaya napanguso si Perseus.

"Alessandro, I'm telling you! Your parents will be angry when they find out that you are going to marry a woman like her!" Sienna at galit pa niya akong tinuro.

"Sure, tell them Sienna. I also have a plan to tell them that this beautiful girl, Agnella Telese is the one I love the most and she is the only one I want to marry. For pete's sake! I'm already at the right age kaya ako ang magde-desisyon para sa sarili ko!" maangas na sagot ni Ales kaya mas lalo akong napangiti.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now