Akala ko ako lang ang any karapatang magselos sa aming dalawa pero hindi ko akalain na mas nagseselos pala siya. Napatigil ako sa pagtawa at tiningnan siya mg seryoso sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Mahal na narin kita." Sabi ko at hinalikan ulit siya sa mga labi niya.

Mygosh feeling ko naadik na ako sa mga halik niya! Malala na ito.

Hindi ko akalain na maamin ko rin sa kaniya na mahal ko na siya. Isang bagay na kinatatakutan baka kasi pinag lalaruan niya lang ako.

Bahala na nasabi ko na e babawiin ko pa ba? Huwag na.


Bahala na!



"Tecia saan ka galing?"bungad sa akin ni Dailyn ng makapasok na ako sa last subject namin na Entrepreneurship. Binigyan ko lang siya ng isang magandang ngiti.

"Nagka usap kayo?"agad niyang tanong kaya napatango nalang ako. Hindi lang usap ang ginawa namin nag HALIKAN kami! Pero syempre amin lang iyon ni Jose.

Umupo nalang ako sa upuan ko at nakinig sa teacher namin tapos na pala ang meeting ng mga teachers mabuti nalang at nakaabot ako.

Habang nag di-discusd si Miss Devera ay napatingin ako kay Tristan na ngayon ay naka tingin rin pala sa akin.

Nginitian ko agad siya pero agad siyang nag iwas ng tingin. Bakit ganon? Pangit ba ako kapag ngumingiti? Noon naman sinusuklian niya ang ngiti ko sa kaniya.

Kung itatanong niyo ko kung nasaan si Jose ayon nandon na sa kaniyang classroom akala ko nga uuwi na kami mabuti nalang at napapayag ko siyang pumasok sa last subject.

Ng matapos na si miss na mag discuss ay agad kong inayos ang mga gamit ko. pero nagulat ako ng biglang may kumuha ng bag ko!

Mabilis akong napatingin sa lalaking nasa gilid ko, shet ang gwapo!

"Uyy, lumelevel up na kayong dalawa. Ano na insan sobrang mahal muna ano? Sinasabi ko na nga ba the more you hate the more you love hayst." Sabi ni Dailyn kaya nag tawanan ang mga kaklase namin.

Mygoodness hindi ako sanay na may maraming nakakaalam na may boyfie na ako! Mabuti nalang at hindi gaanong chismo at chismosa ang mga kaklase ko.

"Lets go?" Agad na sabi niya sa akin. Napatingin ako kina Dailyn at Jenny na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Sabay nalang tayo sa kanila." Sabi ko akala ko aangal siya pero sumang ayon lang siya sa akin.

"Aba'y may bago na naman tayong tropa. Hi dude i'm Ethan." Agad na pakilala ni Ethan kay Jose.

"Vaincious." Sagot ni Jose at inilagay sa balikat niya ang bag ko. How cute.

"Ito nga pala si Gino boyfriend ni Jenny," akbay ni Ethan kay Gino. "Ito naman si Marcos ang kuripot sa aning apat at ito si Tristan bagong kaibigan rin namin gaya mo laking manila ito. Kay manila boy ang tawag ko sa kaniya." Natatawang sabi ni Ethan at nginisihan lang si Tristan.

Tumango lang si Jose sa kanila at hinawakan na nag kamay ko napatingin agad ako sa kaniya then he gave me a small smile.

Damn it nakakahawa ang ngiti niya!

"Hayst ang sweet." Biro ni Dailyn kaya nag tawanan kami.

Naramdaman ko ang tingin ni Tristan sa amin gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil kasama ko si Jose.

Nang makarating kami sa parking lot ay nagpaalam na kami sa mga kaibigan ko.

"Insan, huwag mong kalimutang pumunta mamaya baka makalimutang kailangan mong magpatingin sa--"hindi natapos ni Dailyn ang sasabihin niya dahil nag salit agad si Jose.

"I will later. Maybe tomorrow" Sabi ni Jose at pinag buksan na ako ng pinto sa front seat.
Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Dailyn dahil agad na isinara ni Jose ang pinto.

Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Dailyn habang nag-uusap sila ni Jose samantalang si Jose naman ay panay lang ang tango at iling.

Nang matapos mag salita si Dailyn ay agad na siyang tinalikuran ni Jose hindi mo basa ang emotion sa mukha ni Jose samantalang Lungkot naman ang nasa mukha ni Dailyn.

Kaya ng makapasok na si Jose sa kotse ay agad ko siyang tinanong kong ano ang sinabi ni Dailyn sa kaniya.

"Nothing, she wants me to go to their house. Ayaw kong pumunta may date tayo ngayon diba?" Sabi niya sa akin.

Nanalaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na may date pala kaminh dalawa.

He chuckles dahil sa naging reaction ko kaya inirapan ko nalang siya.

"Iwan ko sayo. Ngayon ko lang nalaman na may date pala tayo." Sabi ko.

"Busy ka kasi sa labi ko kanina--"hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang mag tainga ko!

Damn you Jose, alam an alam mo talaga kong paano ako patatahimikin!




____________________________________ ;)

Mr. Hugutera meets Mr. Pikon (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon