A letter?

Hinawakan ko muna ang dove bago kinuha ito. There are two envelopes— violet and white. Inuna ko muna ang puti and started to read.

************************************

Good day, little Miss! Nais ko lang na ipaalam na natapos ko na ang potion para maibalik ang iyong kaibigan sa dati. Pumunta ka sa palasyo bukas at aantayin kita.

-Archmage Hellos

***********************************

Napangiti ako bigla sa balita nito.

Talaga?! Waaah!! Akala ko next week pa!

Sinunod kong binuksan ang kulay violet na envelope and it was just an invitation in the imperial palace. A thing that I would be using para makapasok ako. I really thought na aabutin pa siya ng isang linggo.

Magaling nga siya.










Umagang umaga ay umalis na ako sa Inn kasama si Lara. I was planning to walk pero nasa harapan pa lamang ako ng Inn nang napansin ko ang karwahe— isang sosyaling karwahe.

Para kanino naman ito?

"Miss!" Biglang tawag sa 'kin ng isang butler. Wait.. ako ba? Napaturo ako sa 'king sarili dahil hindi lang ako ang nandoon.

Lumapit ito sa 'kin. "Dito po kayo sasakay.." Sabi niya.

Napataas ako ng kilay.
"Huh? Pero hindi naman ako nagpatawag ng karwahe eh." Takang sabi ko.

"Si Duke Zeid po ang nagpahanda nito para sa inyo." Sagot niya. Si Zeid? Alam niyang pupunta ako sa imperial palace ngayon? Tapos nagpahanda pa siya ng isang karwahe para sa 'kin?

Aba'y sinong anghel kaya ang sumanib sa lalakeng 'yon?




Anyway, sumakay na rin ako sa karwahe and after a while ay dumating na rin kami sa palasyo. Ipinakita ko lang ang imbitasyon sa mga guards at agad naman nila akong pinapasok. Pagkatapat ko sa pintuan ni Archmage Hellos ay napaisip ako bigla.

Sasabihin ko rin kayang 'Open the door old man' gaya nung ginawa ni Zeid or kakatok na lang ako?

I was about to knock nang biglang naglaho ang pintuan na parang bula.
"Magandang umaga, litte Miss.." Bati ni Hellos habang nakaupo at umiinom ng tsaa. "I never thought you'd go this early.." Ngiting sabi nito.

"Magandang umaga din po.. Hindi ko rin inakalang mas maaga n'yo natapos ang potion." Sagot ko sabay ngumiti rin dito pabalik.

"Ah.. Well, someone made the process faster.." Sabi nito at saka uminom ng tsaa. Someone? "Anyway, pwede mo nang kunin ang potion.." Itinuro niya ang isang maliit at kulay green na bottle na nakalapag sa lamesahan kaya agad akong lumapit at kinuha ito.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant