“Wala! Kalimutan ninyo na lang! P-pasensya na!” Paghingi ng tawad nito sabay agad na kumaripas ng takbo paalis. Bumagsak ang aking ngiti.

Still, mark my words..


















THAT’s what I said but its been three days na wala akong ginagawa. Nakakaasar.. Bakit ba kasi bigla na lang akong pina-break ni Zeid? Hindi ko na rin siya muling nakita ever since noong umagang ‘yon. Pati ang balita tungkol sa potion para kay Lara ay wala pa rin. Well, one week sabi no'ng matanda pero atat na ako.

Napalingon ako kay Lara na natutulog. Nag-aalala na ako dahil napapadalas na ang tulog nito. Gusto kong tanungin si Hellos pero hindi naman ako pupwedeng pumasok sa imperial palace nang walang imbitasyon. Napagulong-gulong ako sa kama habang yakap ang aking unan.

It’s so boring.. Wala akong maisip na gawin. Or should I take a walk around the town? Naii-stress lang ako dito eh.

(=____=)



Doon na ako nagsimulang lumabas sa Inn at naglakad-lakad. Hapon na kaya medyo marami ang mga tao sa paligid. It’s really nice to see this town so lively. Natandaan ko tuloy ang mga tao sa Styria. Though hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang pumunta sa pamumuno ng Aragon, hindi ko pa rin matigilang mapaisip kung kamusta na sila. Ugh, Alam ba nilang ayaw kong maging Reyna? Pansin naman eh kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagpapakita sa kanila.

Bigla akong napatigil nang makita sa 'di kalayuan ang bahay namin ni Lara at nagkalat ang mga imperial knights sa paligid nito.

(O___ O) ??

Oh? Si Zeid ‘yon ah..

Nakita ko itong seryosong kausap ang isang lalake. Now, that I looked at it, pamilyar 'yung matandang lalakeng 'yon.

Sh*t! Iyon yung lalakeng pinagbilhan ko ng bahay!

Agad akong nagtago sa sulok. Huwag mo sabihing in-e-explain niya ang mukha ko?! Buwiset.. Nakalimutan ko ang bagay na ‘yon!

Kapag nakuha ang sketch ko, malamang ay kakalat na sa buong empire ang mukha ko. Napakagat ako sa ‘king nail thumb. Hindi naman ako pwedeng basta magpalit na lang ng wig at baka magtaka si Zeid pero… hindi rin niya naman siguro ako pagsususpetsahan ng basta-basta?

Ah! Ewan!



Basta mag-iiba na lang ako ng hairstyle kaysa naman sa makilala ako ng iba. Dumiretso na ako agad pabalik sa Inn para mag-iba ng hairstyle.

At pagkatapos ng ilang oras na pag-iisip, I decided to have a little bangs and shorten my wig a little. Napatingin ako sa mirror at saka napailing-iling.

Parang walang nagbago

(==_______==)

“Grrr…” Angil ni Lara kaya nilingon ko ito at nagtaka nang makitang nakatingin siya sa bintana.  Ano 'yon? Lumapit ako rito at tinignan ang bintana. Doon, nakita ko ang isang white dove.

Bakit may white dove dito?

Sinimulan na nitong tukain ang bintana kaya binuksan ko ito. Lumipad naman na ito papasok sa kuwarto at lumapag sa ‘king kama kung saan napansin ko kaagad ang kulay violet na papel na nakasabit sa kaniyang leeg.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Where stories live. Discover now