Ara:
   We're here sa cafeteria nila Kate, Nova. Magdala ka nga raw ng 6 pesos, sabi ni Kenji.
 

As I walk to the cafeteria, I decided to text my friends that I finally got my month off and we can now have our 1 month vacation.


Me :
    Just got my go signal. Tara na talaga?

Calli:
   Wow! Let's celebrate this, then! Just got my month off earlier also!

Ara:
  Bilis ah!

Aika:
   May connections yan. Hahaha!

"Nova, dito!" rinig kong sigaw ni Ara na rason para mahanap ko yung table na inuupuan nila.

"Anong meron sa 6 pesos?" 


Nilingon ko ang mga kaibigan ko ngayon na sabay tinitugan si Kenji.

"Eto kasing si Kenji, pasabi sabi pa ng manlilibre raw eh iiwan din pala yung wallet," reklamo ni Ara.


"Parang tanga lang."


  "Bigyang pahinga rin minsan ang pagiging bobo ha, Kenji?" tuloy ni Kate. Umirap na lamang si Kenji at tumayo na para umorder. Natawa na lamang ako sa nakita dahil siguro sanay na asaran ng mga ito.

"Ano nga pala sabi ni Chief?" tanong ni Kate na rason para maalala ko kung ano talaga ang sadya ko.

"He said yes," sabi ko at hinintay ang reaksyon ng dalawa. Though, hindi na ako magugulat sa magiging reaction ni Ara dahil nga matagal na talaga naming hinihintay makakuha ng go signal galing sa daddy niya.

"Sa wakas! Pinayagan ka na ni daddy!" sigaw nito at tumayo upang bigyan ako ng mahigpit na yakap.

Nakatitig lang naman saamin si Kate na para bang hindi tanggap ang nakalap na balita.


"Sorry, Kate, iwan ka muna namin ni Ara ng isang buwan, ha?" pagpapaalam ko ulit sakanya. Malungkot naman itong ngumit saakin at lumapit na rin saamin ni Ara upang sumali sa yakap.


"Kapag kayo, bumalik nang walang pasalubong, kukutusan ko kayong dalawa, promise," biro ni Kate.


We spent our remaining hours together talking about Kate's patient until nagpaalam na si Kenji dahil may operation pa raw ito, at si Kate dahil mag o-off na siya at dahil pagod na raw ito. Nagpaiwan naman muna kami sandali ni Ara dahil medyo tinatamad pa raw itong umuwi.


"Alam mo, Nova, sabi ni daddy sa'kin may nag offer nanaman daw sayo," sabi ni Ara sa'kin at maigi akong tinitigan.


"Nova, may sarili ka nang buhay ngayon. Your parents don't bother you anymore. It's a good idea to transfer hospitals now. You're already great at your field that nobody can touch you anymore." 


Hindi na muna ako sumagot at inisip na siguro nga, mabuting lumipat na ako. The offer was kind of big. They raised the pay to lure me on accepting their offer. And I might get a higher position after a year. This is not a once in a lifetime opportunity, though. But the hospitals that offer me big might get tired and eventually take back their offers. And I might regret that anytime soon.

Under These SkiesOnde histórias criam vida. Descubra agora