Chapter 8: Ship Party

5.9K 298 5
                                    

"Rawr..." kanina pa gumagalaw galaw si Lunar sa may leegan ko.

"Pasensya kana Lunar, hindi talaga pwede sumama. Ang bilis mo kasing lumaki, look at you. You can't fit in my purse too." sabi ko sa maliit na dragon.

Thank God my father agreed na pumunta ako kaso mukhang hindi din siya masaya sa decision niya.

As usual hindi ako lumabas sa room ko but I noticed that my place is getting a lot of people.

"Ellie, bakit andaming guard sa labas?" I don't have a single guard sa place ko pero bakit parang may napapansin na akong mga guard sa paligid?

"Ah the King ordered them to guard here, princess. Actually, galit nga ang hari kung bakit wala masyadong tao dito." nag-shrug nalang ako.

Napansin ko din ang pagpunta nina Leo or Cavin sa garden ground ko. Duh, may terrace ako kaya kitang kita ko sila.

Basta napaka crowded ng lugar ngayon, also mamaya na ang party na iheheld ng Hydra Empire. The problem is that hindi sa sariling lugar nila iheheld ang party.

"Ano ba naman yan, bakit ship themed ang party?" that's right, the party will be held in a ship by the sea. Malapit din kasi sa dagat ang Hydra Empire kaya siguro nila napag-decisionan yon.

Or they don't want people on their property. Nag-gather din ako ng mga impormasyon tungkol sa party.

Bakit kaya sila nagpaparty after all these years? The ruler there doesn't like parties' pero nagpaheld siya ngayon? Anong rason?

"Princess buti nalang talaga at pumunta tayo sa town noong nakaraan."

Hindi na ako sumagot at nagbasa basa nalang. Malapit nang gumabi kaya inayusan na ako ni Ellie, I never knew she was this talented in make-ups.

"I did a simple make-up Princess, bagay na bagay talaga sayo." Napatitig ako sa sarili ko sa salamin, ang haba ng buhok ko.

Minsan napaka-panget tingnan, hays I will be judged again mamaya sa party. Naghanap ako ng gunting...

It's now or never. "PRINCESS?!"

I cut my hair short, wala lang. I just feel like gusto ko ng change sa appearance ko. mukha kasi akong mangkukulam pag mahaba ang buhok ko.

The dragon roared, si Ellie lang ang may alam na dragon pala ang laman ng itlog. She even freaked out.

Lunar's fond of Ellie naman kaya I trust Ellie to handle Lunar.

"This looks fresh and better." nakangiting kumento ko nalang, Ellie just sighed at inayos na ang buhok ko. mukhang ok din naman siya sa decision ko.

I wore a light blue dress, nagsuot din ako ng gloves kasi alam kong malamig sa ships. Bumagay naman sakin dahil nag-match siya sa kulay ng buhok ko.

Bukod sa ship themed ang party, you also need to wear a mask. Hayss buti nalang talaga para di makikita ang mukha ko.

"May pupuntahan ka ba Princess?" may ilang oras pa naman ako para sa party kaya tumango nalang ako sa tanong ni Ellie.

"Pupunta lang ako sa library saglit." Lumabas na ako and I let Ellie stayed in my room.

Malayo layo din ang library dito, basta dadaan pa ako ng garden pathway patungo don.

While I was walking ay parang may napansin akong tao sa pathway. The person looks familiar... "Huh? Prince Mael?"

Napalingon naman yung lalaking may kulay blue na buhok, he was smiling at the flowers like he usually does.

Palangiti kasi tong taong to, nginingitian ata lahat ng bagay.

His hybrid features are showing, nakalabas ang pakpak niya. I think eagle hybrids show their claws when they're mad?

"Oh do I know you...?" as expected, I just shrugged nalang as an answer. Bahala na nga siya- "Wait... my lady. Ano ang pangalan mo? You look stunning."

Hindi niya ba ako namumukhaan? "Prince Mael- oh sister?! Hiii~ you look beautiful, pupunta ka na ba sa party?"

"Sister?" gulat na tanong ni Mael, I forced a smile nalang para makaalis na ako dito.

Grabe, naalala ko yung mga pinagagawa ko dati para lang mapansin ni Mael.

"Greetings to Prince Maelstrom, I'm Princess Eclipse Caelum." Bati ko sabay bow, I saw my sister na dumikit agad kay Mael.

"Aalis na kami, sister ha? We're going to study in the town. Alam na ni ama na magagabihan akong umuwi so... ta-ta~" I sighed at tumango nalang as a response.

Nagbow na ako sabay alis doon, nagmamadali pa nga ako eh.

Jusko grabe ang titig ni Mael sakin, para bang may kasalanan ako or something.

Baka nakilala na nga niya ako? Well whatever, past is past and never discuss, tsk tsk nakakahiyang pangyayari.

~~~~~~~~~~~~~'

Ito ang first time na pupunta ako ng mag-isa sa isang party. Sinuot ko na yung mask ko bago lumabas ng carriage.

Ewan ko kung ilang beses ako napalunok, kinakabahan ako, paano ba to?

'Nakita mo ba yung ruler sa Hydra Empire?'

'Oo, ang ganda ng katawan kahit hindi kita ang mukha.'

'Kaso may rumors daw galing doon na pinatay niya daw ang pamilya niya?'

'talaga? Nako naman, he's not called the 'villainous prince' for nothing.'

Nanlamig bigla ang buong katawan ko ng marinig ko ang sinabi nila. Teka, tama kaya tong gagawin ko? paano kung... ikakamatay ko to?

Marriage Contract with the Villainous PrinceWhere stories live. Discover now