PROLOGUE

76 2 0
                                    


PROLOGUE

Halos tumatakbo na ako marating lang ang terminal ng bus pauwi sa bahay! Ang maputi kong medyas ay puno na ng putik at 'kung tutuusin ay hindi na yata maaninag dahil sa sobrang dumi. Sa sobrang lakas kasi ng ulan nag aagawan na ang mga kasamahan ko 'ring estudyante para lang makauwi!

Dapat ay nakauwi na ako sa ganitong oras. Hindi ko naman kasi akalain na aabutin kami ng mga kagrupo ko sa research ng dapit hapon makagawa lang ng thesis at magandang conclusion! Kailangan naming pagbutihin 'yun dahil may pagka terror ang teacher namin sa Practical research.

Sa tuwing may nakikita akong bus na may bakanteng upuan hindi ako makasiksik sa dami ng nag uunahan. Hanggang saan ba naman aabot ang payat kong katawan? I mean, I'm not that skinny but their bodies are obviously bigger than mine.

"Trich!" Kaagad akong limingon. Si Cristina na kumakaway sa akin malapit sa isang kanto. Nasakay siya sa kanilang saksakyan. Sa palagay ko parang araw araw yata siyang sinusundo. May kaya 'rin kasi ang isang 'to.

"Sumabay kana!" Nabuhayan ako sa sinabi niya. Sa dami ng estudyanteng kasama ko na wala 'ring masakyan sigurado akong aabutin ako ng gabi. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking palda at itinali sa ulo. Pagkatapos saka ko sinulong ang ulan.

"Salamat!" Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"Naku! Buti at nakilala kita!" She said while fixing her uniform. Medyo nahiya ako ng kaunti. Paano ba naman ang linis linis niya tapos ako na makikisakay lang ang dumi dumi! Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos. Gumilid nalang ako malapit sa pinto.

"Manong pakibabaan po 'yung aircon." Tinignan kami ni Manong Pedro sa front mirror at mabilis na tumango. Sabagay ang lamig nga naman.

Si Cristina ay nakatira mga dalawang kanto ang layo sa amin. Nasa unahan 'yung sa kanila habang nasa pinaka hulian na kami. Malapit na kasi sa squatter area 'yung sa amin, siya naman ay 'dun sa subdivision. So obviously, maglalakad pa ako mamaya. Masyado naman yatang nakakahiya 'kung mag papahatid pa ako!

I saw her getting busy on her phone. Nakatingin lang ako sa labas but I can see her through my peripheral view at isa pa nakikita ko 'rin sa bintana ang repleksyon.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas. Mukhang wala naman yata siyang balak maki pag usap. It's alright, I'm tired enough to construct a words to say. My brain got drained of thinking too much this day! Bwiset na research!

Naalimpungatan ako sa byahe at nagising dahil sa lakas ng tapik sa aking pisngi.

"Trich! Trich! Sunog!" Halos yugyugin na ako ni Cristina para magising pero parang humiwalay yata ang kaluluwa ko sa kaniyang sinabi.

"Trich, the whole village is on fire!" Kaagad na bumalik ang aking ulirat. Mabilis kong tinignan ang labas ng bintana.

"Si Lola!" Nag iisa lang si Lola sa bahay! Halos buong kabahayan sa magkaka sunod sunod na kanto ang kinakain ng apoy! Kahit pa umuulan ay malakas parin dahil sa hangin! Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Cristina, Salamat!" Sabi ko at mabilis na tumalikod. Alam kong pati ang kanilang subdivision ay ganoon narin. The whole place is on fire!

"Call me afterwards!" She yelled.

"I will!" Sagot ko at tuluyan na akong lumisan. Tinakbo ko ang layo ng dalawang kanto patungo sa amin. Nagkakagulo na ang lahat at sigawan. Hindi pa dumarating ang bumbero kaya't mas lalong kumakalat ang apoy. Wala na akong pakialam 'kung naliligo na ako sa ulan.

Nakakagulat lang 'kung bakit malaki parin ang sunog kahit sobrang lakas nang buhos ng ulan. Pagdating ko sa harapan ng aming bahay sa tingin ko ay tuluyan na akong nahuli ng dating!

SHAMANSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα