Chapter 21

46 1 0
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 21
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Wystan's POV
Nasasabik na akong makita si Denver ngayon dahil ilang araw na lang ay pupunta na ako sa US kasama si mom. Siguro nakarating na ako doon bago yung Liberal Arts and Science Academy Day na event na mangyayari sa kanilang campus. Gusto ko na siyang makita. Miss ko na siya.

Hinanda ko na yung mga gamit na kailangan ko kahit ilang araw pa bago kami aalis pero atleast ready na diba? Magdadala din ako ng mga gusto ni Denver. Gusto ko siyang surpresahin sapagkat di niya alam na talagang pupunta ako sa US pero kailangan ko munang makapasok sa top 15 para naman matuwa siya. Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko ay pumunta na ako sa baba at doon nadatnan ko si Myron habang kausap niya si Kirsten sa phone.

Tignan mo tong taong to, ni hindi man lang niya hinahanap ang kanyang kaibigan. Parang wala lang sa kanya ang lahat, paano kung malaman niyang may gusto sa kanya si Denver ano kaya ang kanyang gagawin? Palibhasa kasi wala siyang pake sa nararamdaman ibang tao dahil ang mas mahalaga sa kanya ay kung ano ang makakapag pasaya sa kanya.

Pagkatapos niyang makipag usap kay Kirsten ay agad siyang napatingin sakin na ikinagulat niya.

"Woah!!! Andiyan ka pala kuya, may kailangan ka ba?" Tanong niya at napa cross arm na lang ako.
"K-kung wala kang sasabihin sakin aakyat na ako sa kwarto." Sambit niya at bago niya ako lampasan ay nagsalita na ako.
"Wala ka ba talagang balak na sumama samin ni mom sa US?" Tanong ko tsaka ko siya nilingon.
"Hindi talaga kuya, gusto kong makasama si Kirsten sa darating na sem break natin." Sagot niya.
"Okay pero panigurado hahanapin ka dun ni lola." Sambit ko.
"Tatawagan ko na lang siya at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya kung bakit di ako sasama sa inyo ni mom." Pagpapaliwanag niya at tumango-tango na lang ako.
Okay narin yung hindi siya sasama para hindi siya makita ni Denver.
"May gagawin ka ba?" Tanong ko at dahan-dahan naman siyang umiling.
"Uhmm... Pwede mo ba akong tulungan mag recall sa mga lessons natin para sa darating na exam?" Tanong ko at napangiti naman siya.
"Sige ba kuya!!! Saan mo gusto kong mag review?" Tanong niya at napaisip naman ako.
"Sa kwarto mo na lang." Malumanay kong sambit.
"Sige kuya, uhm... Kuya alam mo may napansin akong pagbabago sayo." Sambit niya at napakunot naman ang aking noo tsaka ko siya tinanong kung ano yun.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Uhm.... Napansing kong sinisipag ka ng mag-aral ngayon at mabuti naman para sayo iyon." Sambit niya kaya diretsahan ko siyang sinagot.
"Gusto kong makapasok sa top 15 dahil gusto yun ni Denver." Sambit ko at napatahimik naman siya sa sinabi ko.
"At isa pa kaya gusto kong sumama kay mom sa US baka sakaling makita ko siya doon." Sambit ko at unti-unti naman siyang nagsalita.
"U-uhmmm... S-so ibig sabihin tinatawagan ka niya? Nakakapag usap kayong dalawa?" Nauutal niyang tanong at tumango naman ako.
"K-kuya pwede mo ba siyang tawagan ngayon gusto ko lang siyang makausap di niya kasi ako tinatawagan." Paki usap niya pero tumanggi ako.
"Gagawin ko lang yun kapag tapos na tayo sa pagrereview." Sambit ko tsaka ako naglakad papunta sa taas.
"Kuya promise mo yan ah!!!" Sigaw niya at kumaway-kaway naman ako.
"Yes!!!" Rinig kong sambit pa niya.

Nauna siyang pumasok sa kanyang kwarto at sumunod naman ako.

"Kuya dito ka na maupo sa tabi ko." Sambit niya at agad naman akong umupo sa tabi niya.
"Kuya kapag natapos na tayong magreview tuparin mo yung sinabi mo sakin ahh!" Pangungulit niya at pagtango lang ang aking ginagawa.
"Sige mag umpisa na tayo.. anong gusto mong unahin natin?" Tanong niya.
"Mathematics." Tanging sambit ko at napansin ko yung reaksyon niya na medyo alangan.
"Bakit may problema ba?" Tanong ko.
"Uhm.. ano kasi kuya... Uhmm.. Di ako masyadong magaling sa math pero huwag ka mag alala kaya naman kitang turuan." Sambit niya at naalala ko tuloy si Denver.
"Tsk.. okay lang as long as kaya mong ipaliwanag lahat sakin kasi si Denver parang sisiw lang sa kanya lahat ng mga lessons natin. Siguro kahit nakapikit yun alam niya yung mga isasagot niya." Sambit ko at napagtanto kong marami akong nasasabi tungkol kay Denver. Urghh!!!
"Talagang okay na kayo ni Denver." Sambit ni Myron at tumahimik na lang ako hanggang sa nagsimula na kaming magreview...
.
2 HOURS LATER
.
Natapos na kaming magreview bandang 10 pm at lalabas na sana ako ng kwarto ni Myron ng bigla niya akong tinawag.

Wish You Were Here Where stories live. Discover now