The Beginning

478 12 3
                                    

Wish You Were Here

Chapter 1

Plagiarism is a crime.

#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Horrrraaaayyyyy!!!! Isang magandang umaga para sa lahat! Hello everyone my name is Denver Margallo and I'm from Quezon City Philippines!!! Lumaki ako dito sa Quezon kasama ang aking mga magulang. Normal lang ang pamumuhay namin at hindi kami mayaman ngunit kahit na ganun ay masaya naman kaming lahat. Tatlo kaming magkakapatid at pangalawa ako sa aming magkakapatid. Si Kuya Dj ang panganay at first year college na siya. Si Darlene naman ang bunso namin grade 6 student pa lang siya. Kasama naman namin ang pinakamamahal naming nanay at tatay. Senior High na ako this year... Ewan ko ba sa gobyerno! Ang dami na ngang naghihirap tapos dinagdagan pa nila yung taon ng pag-aaral. By the I'm 18 years old, Di masyadong attractive kasi di naman ako gaya ng ibang silahis o beke na cute at gwapo, makinis, clear skin, etcetera. Ewan ko ba sa mukhang to... Sabi nila werdo daw ako pero di ko yun pinapansin because I am confidently beautiful with a heart... Char! For you information I am bisexual pero mas naatract ako sa mga lalaki... Okay lang ba yun? Hahaha... So eto na..
Simulan na natin..
.
"Denden!!! Bilisan mo diyan mahuhuli ka na sa klase!!" Sigaw ng aking nanay na parang nakalunok ng microphone.
Ewan ko ba kay Mama ang lakas lakas ng bunganga parang alarm clock.
"Five minutes pa!!!" Sigaw ko habang nakahiga parin ako sa aking kama. Wala naman akong narinig na sinambit niya kaya pumikit muna ako.
Ilang saglit lang ay may narinig akong malakas na tambol ng planggana dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras.
"Ma! Ma! Ma! Lindol! Sunog! Arghhh! Potcha Ma may sunog!!!" Sigaw ko habang patalon-talon ako sa aking kama ngunit napanganga na lang ako dahil kaharap ko pala si mama habang may hawak siyang planggana at sandok.
"Ma naman natutulog pa yung anak niyo eh!" Pagrereklamo ko sabay higa at nakita ko naman si kuya Dj at Darlene habang nagtatawanan sila ng mahina sa gilid ng aking pintuan.
"Aber mag-aalas otso na Di ka pa nakaligo. Tignan mo yung mga kapatid mo nakaligo samantalang ikaw tulog mantika ka parin diyan." Pagsesermon sakin ni mama.
"Tsk. Dapat pala may padlock yung pintuan ko para walang makapasok na maingay na balyena." Mahina kong sambit pero narinig yun ni mama kaya panay palo siya sakin gamit ang sandok na hawak niya.
"Aray ko Ma! Aray! Aray! Ito m-maliligo na ako..." Sambit ko tsaka ako kumaripas ng takbo papunta sa banyo.
"Bilisan mo maligo! Talo mo pa babae kapag naliligo! Ang tagal!" Pahabol na sambit ni Mama at napatawa na lang ako.
Ganito talaga kami dito sa bahay. Maaga pa lang ay Boses na namin ni mama ang naririnig.. Gusto ko talaga yung ganitong pamilya na kahit hindi kami masyadong mayaman ay puno naman ng saya ang loob ng aming bahay.
"Good morning papa!" Masigla kong bati sa kanya habang nagbabasa siya ng magazine at humihigop ng kape.
"O siya Denden! Umupo kana dito para makakain ka na." Tawag sakin ni mama sabay hila ng upuan para makaupo ako.
"Naks! Ang sweet talaga ng mama koooo!!" Paglalambing ko sa kanya pero isang kurot sa tagiliran ang aking natanggap.
"Mama naman ako na nga tong naglalambing tapos kurot lang?" Pagmamaktol ko sabay upo at kuha ng kanin.
"Gusto mo bang kutusan kita ah. Tignan mo oh tapos na yung mga kapatid mo kumain samantalang ikaw ang dami mo pang daldal!" Pagsesermon sakin ni mama ulit. Napatingin naman ako sa dalawa at nakangiti lang sila sakin pero tinarayan ko lang sila.
"Mama o si kuya Denden mataray!" Pagsusumbong sakin ni Darlene at napapikit na lang ako.
"Denden tumigil ka. Kumain ka na diyan." Sambit sakin ni mama tsaka siya pumunta sa lababo.
"Papa may isusumbong pala ako sa inyo." Sambit ni kuya Dj at nagtaka naman ako.
"Ano yun?" Seryosong tanong ni Papa tsaka niya binaba yung magazine na binabasa niya.
"Si Denden po kasi...." Pagsisimula ni Kuya Dj na ikinalaki ng aking mata.
"Luh? Kuya! Ano na naman trip mo! Wala naman akong ginagawa ah!" Sumbat ko pero ngumisi lang siya sakin.
"Ano yun Dj?" Tanong ulit ni mama.
"Si Denden po kasi may boyfriend na!" Sambit ni kuya kaya napaubo na lang ako habang may kanin sa aking bunganga.
"Hoy! Ano ulit yun? Pakiulit!" Sambit ni mama.
"Yung anak niyong lambotin may jowa na Sabi ko..." Pag uulit ni kuya Dj kaya lumapit sakin si mama at kinurot ako sa tagiliran.
"Ma naman eh! Masakit!" Pag aangal ko.
"Masakit pala ah... Diba may usapan tayo ng tatay mo na college ka lang pwedeng mag boyfriend diba." Sambit ni mama tsaka niya ako kinurot ulit.
"Ma naman naniniwala kayo diyan sa anak niyong yan? Eh nakita ko nga siyang may kalandian sa daan tapos minsan naririnig kong may kausap siyang babae sa phone and then take note mama, babe! babe ang tawagan nila!" Pagsusumbong ko kaya napatigil si mama sa pagkurot sakin at lumapit siya kay kuya.
"Dj? Ano yung sinasabi ng kapatid mo sakin?" Napaka creepy na tanong ni mama kay kuya Dj kaya napangisi na lang ako at the same time napapahawak ako sa aking tagiliran dahil sa mga kurot ni mama.
"Ma! Huwag kayo maniwala sa kanya! Wala akong nilalandi promise." Sambit ni kuya.
"Asawa ko hayaan mo na si Dj kung may girlfriend na nasa tamang edad naman na siya." Pagsisingit ni papa.
"O! Narinig niyo sinabi ni papa! Huwag niyo na ako pagalitan." Sambit ni kuya..
Haysst parang di makukurot si kuya! Ang unfair samantalang ako ang sasakit ng mga kurot.
"Ikaw konsintidor ka din kaya lumalaki yang ulo ng mga anak natin." Sambit ni mama kay papa.
Hayss. Pati na naman si papa walang laban kay mama.
"Paano kung may Hindi magandang mangyari tapos mabuntis ni Dj yang girlfriend niya? Anong gagawin mo?" Tanong ni mama kay papa.
"Asawa ko high blood ka na kasi... Iwasan mo yang pag iisip ng ganyan. Matalino ang mga anak natin at napalaki naman natin sila ng maayos eh." Sambit ni papa kay mama tsaka niya pinakandong ni papa si mama sa hita niya.
"Nag aalala lang naman ako sa mga anak natin eh." Sambit ni mama.
"Mama alam ko po kung ano yung pinasok at huwag po kayo mag alala dahil Hindi po ako gagawa ng kahit na ano na ikakasira ng aking kinabukasan." Sambit ni kuya.
"Siguraduhin mo lang at isa pa ipakilala mo na yan samin." Sambit ni mama dahilan para mapangiti si kuya at papa.
"Paano ako ma? Mag iingat naman ako. Di naman po ako magpapabuntis agad." Pagsisingit ko kaya sinigawan ako ni mama.
"Aber! Huwag kang umasang mabubuntis ka at usapan natin na college ka lang pwedeng mag boyfriend." Sambit ni mama.
"Denden... Pakinggan mo na lang si mama ah... Huwag kayong magmadali kusang may darating sa inyo." Sambit sakin ni papa.
"Alam ko naman yun Papa! Kahit naman college na ako Di parin ako magbo-boyfriend! Nagjo-joke lang naman ako kanina eh." Sambit ko.
"Kahit huwag ka na lang mag boyfriend Den mas maganda pa." Sambit ni mama kaya napasimangot ako.
"Si mama talaga!" Sambit ko.
"Hays kumain na kayo malalate na kayo sa klase." Sambit ulit ni mama.
"Sige na kumain na kayo at si papa ang maghahatid sa inyo." Sambit ni papa.
"Mama, papa ako kailan ako pwedeng mag boyfriend?" Tanong ng bunso namin kaya napatahimik kami.
"Ikaw Darlene huwag kang makisabay sa mga kapatid mo.. baka gusto mong makurot gaya ng kuya Denden mo." Sambit ni mama.
"Hehehe nagjo-joke lang naman eh!" Natatawang sambit ni Darlene kaya kahit kaming tatlo ay napatawa pwera lang kay mama.

Wish You Were Here Where stories live. Discover now