The one and only Enemy

165 1 1
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
(BOOK 1)
.
CHAPTER 2
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Every recess namin ay kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Si Myron palaging siya ang nanlilibre; siya kasi pinakamayan saming tatlo dahilan kaya hindi ko masyadong nababawasan ang perang binibigay sakin ng magulang ko.
Kasalukuyan kaming papunta ngayon sa canteen pero bigla na lang humarang sa daan namin si Wystan.

"Excuse me may dadaan." Sambit ko pero umiwas lang siya ng tingin sakin.
"Bingi ka ba? Sabing dadaan kami eh." Sambit ko ulit pero tinignan niya lang ako with his poker face.
"Haysst. Mauna na ako. Alam mo naman ako di ko yan pinapatulan." Sambit ni Irene na ikinalaki ng mata.
What the heck! Kung sino pa ang alam kong magtatanggol sakin ay bigla na lang mang-iiwan. Sa bagay kahit basagolera si Irene hindi niya parin kinakalaban si Wystan kasi nga magka vibes daw sila at pareho silang mahilig sa gulo.
"Halika na Denver maluwang naman daan." Sambit ni Myron tsaka niya ako hinila paside pero hinawakan bigla ni Wystan ang kabila kong kamay.
"Baka nakakalimutan mo may atraso ka sakin pero huwag ka mag alala di naman ako gaganti." Sambit niya tsaka niya ako binigyan ng isang makabuluhang ngiti.
Gosh sure akong may ginawang kalokohan to.
"Denver enjoy your break time." Bulong niya sakin tsaka niya tinapik-tapik ang aking likuran.
"Kuya tumigil ka na." Sambit ni Myron sa kanyang kapatid pero tinignan lang siya ni  Wystan na parang walang pakialam.
Agad namang umalis si Wystan pero napapaisip ako kung ano ang ginawa niya para lang makaganti siya sakin.
"Denver pag pasensyahan mo na lang si Kuya ha. Ako na tuloy ang nahihiya sayo." Sambit ni Myron sakin habang napipilitang ngumiti.
"Nahh! Ayos lang ako. Parang di ka naman sanay.. labin dalawang taon na niya kaya akong binubully at nasanay na ako sa kanya." Sambit ko pero ngiti na lang ang naisagot ni Myron sakin.
"Siya nga pala, ano gusto mong pagkain?" Pag iiba niya ng usapan.
"Tapos ikaw na naman magbabayad ng kakainin ko? Naku huwag na may pera naman ako." Pagtatanggi ko. Nahihiya na talaga ako sa kanya eh.
"Siyempre gusto ko nakikita kong kumakain ng maayos yung matalik kong kaibigan." Sambit niya at nasaktan talaga ako sa part na sinabi niya na matalik kong kaibigan. Haysst.. ako lang naman kasi ang umaasa na pwedeng maging kami.
"Huwag na Myron.. nakakahiya na eh." Sambit ko pero bigla niya na lang hinawakan yung kamay ko dahilan para tumibok ng mabilis ang aking puso. Shocks! Naririnig ko talaga bawat pagtibok ng aking puso.
"Tinatanggihan mo ba ako?" Tanong nito habang nakanguso.. Heto na ako.. nafall na.
"Haysst. Sige na nga! Gusto ko ng fries, burger tapos water, yun lang." Sambit ko at nakita ko naman ang pag ngiti niya. Matapos niyang hawakan ang aking kamay ay bigla na lang siyang umakbay sakin.
"Yowwnn! Ako bahala sa kakainin ng aking best friend!" Sambit niya habang nakangiti at napangiti narin ako.

Ganyan talaga si Myron sakin. Minsan nga napagkamalan kaming mag jowa dahil sobrang sweet niya sakin pero agad kaming tumatanggi ni Myron dahil mag kaibigan lang talaga kami.

"Bakit ang tagal niyo? Kanina pa ako naghihintay?" Tanong ni Irene habang nakatingin siya samin. Si Irene siya yung tipong babae na kung titignan mo siya sa mata ay titignan ka din niya ng pabalik pero ang mga mata niya, tamad tignan at ang mukha niya seryoso palagi kaya lahat ng madadaanan namin ay umiiwas dahil natatakot sila kay Irene. Kahit ganyan siya, ang astig niyang tignan para sakin.
"So ano? Titignan niyo na lang ako? Mag order na kayo ng pagkain niyo para makaupo na tayo." Sambit niya.
"Opo ma'am." Sambit ni Myron tsaka siya nag order ng pagkain namin.
"Irene doon na lang tayo sa labas kumain, mukhang puno na kasi dito sa loob." Sambit ko.
"Tsk. Problema ba yun?" Tanong niya tsaka siya pumunta sa mga nakaupong studyante.
Agad namang tumayo yung tatlong babae at lumabas ng canteen.
"Hoy anong ginawa mo? Naka upo sila diyan tapos pinaalis mo!" Sambit ko kay Irene pero umupo muna siya habang hawak niya yung mga pagkain niya bago siya sumagot.
"Wala naman akong ginawa ha! Tumingin lang naman ako sa kanila tapos sila ang kusang umalis." Sambit ni Irene.
"Si Irene talaga! Alam mo namang maraming natatakot sayo diba?" Sambit ko tsaka ko siya tinabihan.
"Wala akong pake basta para sakin wala lang yun. Ano ngayon kung takot sila sakin?" Sambit niya.
"Ewan ko sayo." Tanging sambit ko.
"Pakisabi sa kaibigan natin na siya narin ang magbayad sa inorder ko." Sambit niya kaya pinalo ko siya ng mahina sa kanyang braso.
"Hoy mahiya ka naman! Mayaman ka naman at may pera ka kaya ikaw ang magbayad." Sambit ko pero napakamot na lang siya.
"Eh ikaw? Di kaba nahihiya sa crush mo na palaging nanlilibre sayo?" Tanong niya kaya agad kong tinakpan yung bunganga niya.
"Tumahimik ka nga mamaya may makarinig sayo dito!" Pagsasaway ko sa kanya pero umirap lang siya sakin.
"Hay! Bakit ba kasi di mo pa aminin sa kanya na may gusto ka sa kanya." Sumbat niya kaya tinakpan ko ulit yung bunganga niya.
"Isa pang maruming salita ang lumabas diyan sa bibig mo, pagduduguin ko yan." Pagbabanta ko pero umakto lang siya na parang wala at kumain na lang ulit.
"Ewan ko ba kasi kay Myron, ang tagal na niyang ganyan sakin." Sambit ko habang nakatingin ako kay Myron habang nasa pila.
"Baka may gusto siya sayo." Sambit ni Irene.
"Imposible! Siya magkakagusto sakin? Haysst kahit nga sa panaginip ko di pa yun nangyayari what if pa kaya sa reality diba?" Tanong ko.
"Malay mo? Iba naman kasi ang panaginip sa reyalidad! Aminin mo na lang kasi, malay mo may feelings din siya para sayo." Sambit niya pero di ko yun pinapaniwalaan.
"Malabong mangyari yun! First of all straight siya at sinabi niya sakin na sa babae lang daw siya magkakagusto." Sambit ko naman.
"Susubukan mo lang naman na aminin." Sambit niya.
"Ang kulit mo rin no? Ayoko ngang aminin sa kanya dahil..." Pagpuputol ko.
"Dahil natatakot ka." Pagpapatuloy ni Irene.
"Oo. Baka kasi masira yung friendship naming dalawa dahil lang sa nararamdaman ko." Sambit ko.
"Ewan ko talaga sayo Denver! Basta ako binalaan na kita na dapat aminin mo na yang nararamdaman mo para sa kanya malay mo pareho kayo ng feelings di niyo lang pinapahalata sa isa't isa." Sambit niya kaya napaisip naman ako.
"Galing mo talaga mag advice! What if yung sarili mo rin yang bigyan mo ng advice diba? Look! Kahit isang lalaki man lang walang nanliligaw sayo. Malapit na tayo mag graduate pero single since birth ka parin." Sambit ko at bigla namang sumama ang tingin niya sakin.
"Huwag ka nga! Pareho lang tayo! Pero mas okay naman ang kalagayan ko ngayon kaysa sa iyo na umaasa na magustuhan ni Myron." Sambit niya kaya nakaramdam din ako ng inis.
"Grabe ka ah! Parang di kita kaibigan." Sambit ko.
"Bakit totoo naman ah! Pareho lang tayong single since birth." Seryoso niyang sambit pero ako natawa na lang.
"Oo na! huwag mo ng ipagdiinan." Natatawa kong sambit at nakita ko naman siyang ngumiti sabay irap.

Wish You Were Here Where stories live. Discover now