Alee anong nangyayari sa'yo? B-Bakit parang nagugustuhan mo na siya?

Tumingin sya sa akin, napaiwas naman ako ng tingin.

"Nagustuhan mo ba?"

Napalunok ako ulit.

"Ahm okay lang."- sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Hindi ko inexpect na ganito kaganda ang kalalabasan ng ipinaset-up ko."- he said

Tumingin ako ng marahan sa kamay nya na hinahawakan nya ulit ng marahan ang kamay ko, grabe yung kaba sa dibdib ko. Hanggang sa nahawakan nya na ang kamay ko, automatic na naglakad kami palapit sa lamesa.

Inayos ni Rayden yung upuan at tsaka ako pinaupo. Hindi na ako nagsalita at umupo nalang. Bawat galaw, napapahinga ako ng malalim. Hays!

Pagkaupo nya sa tapat ko, hindi maalis ang mga ngiti nya.

Tsk!

"Bakit mo ba ginagawa 'to?"- diretso kong tanong sa kanya.

"Ang alin?"

"Rayden hindi ako nakikipag-lokohan, ano 'to? Bakit may mga paganito?"

Dahil ayokong mag-assume.

"Mamaya na ako mag-eexplain, kumain na muna tayo."- he said, then inayos nya yung pagkain ko.

Hindi na ako nakapag-salita, tsk naman Rayden!

"Pagkatapos natin kumain may sasabihin ako sa'yo."

Napalunok ako.

"A-Ano ba 'yan? Bakit kailangan mamaya pa?"

"Eh baka iwan mo kong mag-isa dito eh, kawawa naman ako kapag nagkataon hindi ba?"- he said sabay tawa nya ng slight.

Napahinga nalang ako ng malalim at hindi na siya pinansin, then kumain nalang ako gaya ng sabi nya. Ayoko ng patagalin pa 'to, gusto ko ng malaman kung ano yung sasabihin nya.

AFTER THAT!

Pagkalapag ko ng kutsara tumingin ako sa kanya ng mabuti, sakto din at tapos na siyang kumain.

"Wow, ang bilis ha?"- he said and laugh

"Now, sabihin mo na sa akin."

Tumingin sya sa akin ng seryoso habang may kaunting ngise sa mga labi nya. Dyusko! Bakit nakakaakit 'tong lalaking 'to ngayon?

"You wanna know, really?"- he ask

"Oo, gusto kong malaman."- seryosong sagot ko

"Why?"

"Bakit tinatanong mo pa 'yan?"

"Dahil gusto ko rin malaman kung bakit curious ka sa mga ginagawa ko ngayon sa'yo."

Napatigil ako sandali.

"Dahil ayokong mag-assume na may gusto ka sa akin."- diretsong sambit ko

Natahimik kami parehas ng ilang segundo, hindi ko alam kung ano yung reaction nya sa sinabi ko.

"Paano kung sabihin kong huwag kang mag-assume? Huwag kang mag-assume dahil totoo ang naiisip mo."- he said

A-Ano?!

"Come on, Alee. Halatang-halata ang ginagawa ko ngayon para sa'yo. Nararamdaman mo naman 'yon diba?"

Natahimik ako, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Napalingon naman ako bigla sa likod nang marinig kong may nagpatugtog bigla ng violin.

"Pwede ka bang maisayaw?"

Pagtingin ko kay Rayden nakatayo sya sa gilid ko at nakaabang ang kanang kamay nya sa akin.

Hays! Alee!

Hindi ko alam, nalilito ako!

Nagulat ako nang si Rayden na ang humawak ng kamay ko, hindi na ako nakapag-reklamo at naidala nya ako sa tabi ng table habang hawak ang dalawang kamay ko.

Hindi rin ako makatingin sa kanya ng maayos ngayon dahil nananatiling nakatingin sya sa akin.

Naramdaman ko na marahan nya akong niyayakap sa baewang at inilapit sa kanya dahilan ng pagtama ng mga mata namin bigla. Ang lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam yung dapat kong gawin.

Automatic na naipulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg nya at nag-sway ng marahan ang katawan naming dalawa.

Mula sa mga mata at hanggang sa mga labi ko ang titig ni Rayden.

"Now, don't you still understand what I mean?"- he ask me

Hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa mga mata nya. Mas naramdaman ko pa ang paghigpit ng yakap nya sa waist ko. Mas lalo akong nadikit sa katawan nya. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"I'm fallen in love with you, Alee."- he whispered

Hindi ko na alam kung ano yung dapat kong maramdaman ngayon. Halo-halo, hindi ko na alam!

"B-Bakit? I mean p-paanong .."- hindi ako makapagsalita ng maayos

Ngumiti sya ng bahagya.

"I don't have to explain to you. But I'm only sure of one thing, I want you to feel how much I love you, Alee."

Hindi na ako makapagsalita.

"Alam ko nabigla ka, pero mag-hihintay ako, maghihintay ako hanggang sa mahulog kana rin sa akin."




Pasenya kana
Walang makakapigil sa'king nadarama
Ano mang bagyo
Ano mang unos
Siguradong tutumba

Ilan mang kanta
Ang aking aawitin para mapadama
Ko lamang sayo'ng damdamin
Mulit muling sabihin
Na mahal na mahal na mahal kita.



______________________________

Kinabukasan, pagkagising ko nakatingin lang ako sa kisame habang iniimagine ang mga nangyari sa kagabi sa restaurant.

Kinuha ko yung unan ko at tinakpan sa mukha ko, sabay sigaw ko ng walang boses.

After that umupo ako, whooaaaaa! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.



"I'm fallen in love with you , Alee."

"I'm fallen in love with you , Alee."

"I'm fallen in love with you , Alee."


Umiling-iling ako at tumayo.

"Okay kalma Alee, tandaan mo boss mo parin si Rayden at bodyguard ka nya. Basta pakitaan mo nalang ng normal na kilos."- sambit ko sa sarili ko.

Hays! Bahala na!

After that nag-shower na ako at nag-ayos ng sarili, papalabas na ako ng kwarto nang biglang may kumatok.

Pagbukas ko ..

"Goodmorning, Love."

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong isinara ang pinto.

Litchi naman!

BAKIT KA GANYAN, RAYDEN?!!




[Featured Song: Walang Makakapigil by Arra San Agustin]






To be continued ...

When I'm with YouWhere stories live. Discover now