29

39.1K 1K 318
                                    

AGNELLA TELESE


"He's okay now. Tagumpay na natanggal ang apektado niyang atay at kailangan na lang din niya muna ng mahabang araw para magpahinga at magpagaling. Pagsabihan n'yo na rin siya na huwag ng uminom ng alak baka matuluyan na siya sa susunod," mahabang saad ni Dr. Alistair sa amin.

Tagumpay niyang naoperahan ang Daddy ko. Saglit kong tiningnan si Dad na wala pa ring malay na nakahiga sa hospital bed, subalit nakahinga pa rin ako ng maluwag at malaki ang pasasalamat ko na ligtas na siya. Kasalukuyan kaming narito sa private room ng hospital. Nilipat na ng hospital ward si Dad para maging komportable siya.

Ngumiti ako. "Thank you, Dr. Alastair."

Ngiting tipid lang din ang sinukli niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong tingnan siya mula ulo hanggang paa. Nakaupo siya sa pang-isahan na sofa at kami naman ni Ales ang magkatabing nakaupo sa mahabang sofa na pwede ring pagtulugan ng dalawang tao.

Umalis muna si Mommy dahil may emergency na nangyari sa shop niya kaya kaming dalawa ni Ales ang magbabantay muna kay Dad ngayong gabi. Babalik din naman si Mommy bukas para siya ang magte-take rin siya ng leave dahil para may kapalitan kami sa pagbabantay kay Dad.

Hindi ko naman namalayan na tinititigan ko na pala nang si Doc. Ang gwapo talaga ni Dr. Alastair. Matangkad din siya at maganda ang katawan. Halos pumutok na ang suot niyang white lab coat dahil sa malaki niyang braso. Gwapo talaga ang mga kaibigan ni Ales.

Tulad na lamang nina Thorn na unang beses kong nakita noong araw na nasa yate kami, pati na rin sina Perseus na nakilala ko lang din sa rest house.

Paano kaya sila nagkakila-kilala?
Mukhang matagal na silang magkaibigan base na rin kung paano sila mag-usap.

"Stop staring at him. I am hotter and handsome than him," bulong ni Ales sa aking tenga.

Ramdam ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang. Mabilis kong inalis ang pagkakatingin kay Doc Alastair na malawak na ang ngiti. Tumingin ako kay Alessandro na magkasalubong na ang kilay. Mukhang nagseselos na naman ang isang 'to.

"I'm sorry, but I couldn't stop myself from staring at him because of his charisma." I shrugged my shoulders,

"Ang hot kaya niya," dagdag ko pa.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Dr. Alastair, pero mas lalong dumilim ang anyo ni Ales. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa beywang ko, kulang na lang ay itago na niya ako sa kanyang damit. Umiwas na lang ako ng tingin at binaling ko ang atensyon kay Doc Alastair. Nakangiti siya at nagpipigil ng tawa.

"Tama nga ang kwento nina Thorn sa akin. She's really unique and there's something I can't explain. Bagay talaga kayo. At least may nagpatino na sa isang Ottavio," salita ni Dr. Alastair. May makahulugang tingin ang pinukol niya kay Ales.

"Stop it, idiot." Pagsusungit nitong katabi ko. Hindi na napigilan ni Conan Alastair na humalakhak na tila nang-aasar pa.

"I said stop staring at him," may diing bulong ulit ni Ales sa akin pero umirap lang ako. Anong magagawa niya kung may mata ako? Kasalanan ko ba kung nakakakita ako?

"Woah, I can't believe this. Akala ko ay gumagawa lang ng kwento ang mga bugok na 'yon pero tama nga talaga sila. Ang isang masungit at walang pakialam na si Alessandro Ottavio? Napapataob lang ng isang Agnella Telese? Weak ka pala, bro!" nakangising biro ni Dr. Alastair.

Ales give him a death glare.

Bakit ba ang hilig nilang asarin si Ales? Noong una ay sina Thorn, ngayon naman ay si Dr. Alastair. Dahil ba alam nilang mabilis mapikon si Ales?

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now