Chapter 1

7.5K 254 70
                                    

Chapter 1

Ayradel's Side

A week before...

Kainis na Lui talaga 'yan! Mukhang in-indian na naman ako dito sa date naming dalawa ngayon sa mall!

Today was Sunday, at nasa Jollibee ako sa loob ng isang mall para hintayin ang bestfriend kong si Luisa. Bonding sana namin ngayon dahil last week was a hell week! Bukod sa isang linggo akong nasa library para magreview sa Science Camp Quiz bee, ay busy naman si Besty sa mga school organization tulad ng theater at iba pa.

I wasn't really the going out type, magkaibang-magkaiba kami ng bestfriend ko. She's an active student pagdating sa mga orgs, while I'm academically active. Kung busy ako ay mas busy siya dahil ang dami niyang sinasalihan, at ayun nga, hindi na naman siya nagrereply... siguro may biglaang sched na naman siya kung saan!

Mabuti na lang understanding ako!

Naisipan ko munang maglibot habang hinihintay ang reply ni besty. Sa kalagitnaan ng paglilibot ko sa buong mall ay may napansin akong tatlong lalaking tingin ng tingin at sunod nang sunod sa akin. Nakita ko na sila noong nasa Jollibee pa lang ako. Noong una ay hindi ko pinapansin, kasi baka mamaya assuming lang ako. Pero parang sa kada pupuntahan ko natatanaw ko sila sa hindi kalayuan.

Hanggang sa maisipan kong pumunta sa arcade. Kapag sumunod pa sila doon, talagang creepy na at uuwi na ako o kaya magpapasundo kay Mama!

Tinext ko si besty habang naglalakad ako pa-Tom's World.

To Lui<3: Huy, darating ka pa ba? Kasi uuwi na ako. May creepy na parang sumusunod sunod sa akin dito!

Pero wala pa ring reply. Uwi na kaya ako? Kinabahan ako bigla--

"Aw!" napaatras ako sa gulat noong maramdaman kong may bumunggo sa akin at may tumapon na likido sa pink na jacket ko. Mabuti na lang hindi mainit! Naiwagwag ko ang kamay ko as if naman maaalis nito 'yong mantsa sa damit ko, saka ako napaangat ng tingin sa mga lalaking sanhi nitong aksidenteng ito.

Aha!

Sila 'yong mga lalaking kanina pa sumusunod-sunod sa akin! Nakumpirma ko 'yon dahil sa mga suot nila. What the hell? Sinasadya ba nila 'to?

"I don't think you're blind, Miss." Sabi bigla ng lalaking nasa harapan, 'yong nakatapon sa akin ng kape. Medyo mahaba ang buhok niya at mukhang masungit dahil ang cold ng tingin niya sa akin.

Hindi ako nakasagot dahil naagaw ang atensyon ko ng dalawang kasama niya sa likuran na nagpipigil ng tawa. Rinig na rinig ko pa talaga. 'Yong isa mukhang happy-go-lucky dahil ang lawak ng ngisi, habang 'yong isa naman ay seryoso pa rin habang may nakasabit na headset sa likuran.

"And I don't think you're silent, too." Napatalon ako sa gulat nang magsalita na naman 'yong nasa harapan. Nagpanic tuloy ako at napakurap. Ilang beses nagbukas-sara ang bibig ko sa kaba. Hindi ko na naisip pa kung anong isasagot ko.

"S-Sorry po. H-hindi ko kayo napansin." sambit ko habang nakayuko ng kaonti habang nagso-sorry.

Wait...

bakit ako ang nagsorry? Sila na nga nakabangga at naka-mantsa sa damit ko e? Aish!

I saw him blinked na para bang nagulat siya sa pagso-sorry ko. I bit my lower lip saka muling tumungo bago tuluyang umalis at laglag panga silang iniwan doon. Napapikit ako sa kahihiyan habang patuloy na naglalakad ng mabilisan papasok ng Tom's World.

I Love You Seatmate (ILYS #1)Where stories live. Discover now