"Nax! Protektahan nyu mula sa mga Bampirang yan ang apat na Engkanto na nakikita nyu ngayon, at lalo na itong Tagalupa sa tabi ko."

"Masusunod po Prinsesa Urduja."

'Prinsesa Urduja? Dyata't isang Prinsesa rin pala ang magandang Dilag na ito? Wow! Bakit ba lahat ng mga Diwata eh, ang gaganda.. ang kikinis.. ang babait.. Haayy.. Sana all diba?'

Nagpakawala ng bolang crystal yung Urduja pahagis sa himpapawid at ng sumabog na yun sa kalawakan, ay naging maliliit na tila bituin sa langit, lumiwanag ang kani kanina lang madilim na kapaligiran.

"Ngayon, patas ng laban.. dina kayo makakapagtago sa dilim Vizard, wala na kayong takas ngayon."

Hangang hanga akong napabaling ng tingin sa katabi kong nagmamasid sa mga kaganapang nagaganap saming paligid.

"Wowwoww!... Ang galing galing mo naman, Prinsesa Urduja! astig ang powers mo ha! Idol na kita mula ngayon!"

Napapalatak pa'kong sinundan ng tingin ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Nang may biglang humablot saking braso. Masakit at mahigpit ang pagkakahawak nito, bumabaon sa balat ko ang mahahaba nitong kuku. Palibhasa nagulat at nasaktan, mabilis kong tinulak ang kung sinumang nakahawak sa'king braso ng hindi tinitingnan ito, saka kumaripas ako ng takbo palayo dito. Alam kong Bampira yun, kaya diko na pinagkaabalahan pang tingnan.

"Jp! gamitin mong sandata mo, wag kang tumakbo, lumaban kaaa!.."

Napabaling ang tingin ko sa kaliwa ng marinig ang sigaw ni Vega. Habang nakikipaglaban ito sa mga Bampira, panay naman ang pagsigaw nito sa'kin.

"Waaaa... Tulungan nyo kooo... Lalafangin ako ng mga aswang na 'tooo... waaa..." Namumutlang mabilis akong tumakbo papunta kay Buggles na pinakamalapit sa daraanan ko.

"At nagtago kapa talaga sa likuran ko ha! Abah! Jp, anong silbi nyang espada mong hawak kung hindi mo gagamitin? Ano yan! dekorasyon lang ha?" Pang aasar pa ni Buggles sakin. Kainis talaga ang langaw na'to.

"Hmp... Yabang mong langaw ka!" Sinipa kong binti ni Buggles bago hinawakan ng dalawang kamay ang espada. Sabay sugod sa isang Bampirang papunta sa'kin. Panay ang wasiwas ko sa hawak kong espada habang nakapikit ang dalawang mata.

"Wala kang matatamaan ni isa sa mga kalaban mo, kung ganyang nakapikit naman ang yung mga mata, habang nakikipaglaban ka sa kanila, Tagalupa."

'Anuraw? Yabang nito ah! Eh! sa takot ako sa mga Bampirang ito eh! Pakialam ba nya! Hmp!'

Napadilat akong bigla ng mapagtanto kong hindi pamilyar ang boses na aking narinig.. Bumulaga saking harapan ang isang Diwatang nakasuot ng purple na damit. "Urduja!" Napasinghap pa'ko ng masulyapan ang kanyang kulay puting pakpak, may bilog na malilit ito na kulay dilaw at kumikinang sa bawat paggalaw ng katawan nito. 'Kegandang pakpak.. Nakakaaliw namang tingnan, bagay na bagay sa kanyang kagandahan.'

"Mamaya kana mangarap Jp! Makipaglaban ka kaya muna ng mabawasan naman ang mga kalaban natin."

'Pesteng langaw 'to, napakaingay ng bunganga kahit na nag anyong tao, talak pa rin ng talak! walang pinagbago.'

Naiinis kong sinulyapan si Buggles na abalang nakikipaglaban sa mga Bampira.

"Hoy! Jp! Galaw galaw... Wag puro tunganga kana lang dyan! Abah! Sayang ang talas ng hawak mong espada kung dimu gagamit -  aahh... "

Ngising demonyeta kong sinundan ng tingin si Buggles na tumalsik sa malayo matapos kong sipain ng ubod lakas.

"Wooahh! Bakit tila yata lumakas ako? Kamangha manghang napatalsik kong barakong langaw na yun sa malayo! wahaha..."

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now