Naghintay pa sila ng ilang sandali ng may makita silang mga kalalakihan na nasa pinaka gitnang bahagi ng sementeryo

Malawak iyon at sementado ang nasa pinaka gitna, may apat na krus na nakatayo doon na yari sa bato, nas alikuran ng apat na malaking krus na iyon may isang istatwa na natatakpan ng tela

Hinintay nila iyong alisin ng mga kalalakihan para makita kung ano ang nakatago doon

Pero nanlaki ang kanilang mga mata ng makita kung ano ang nakatago doon

Isang anghel na naliligo sa mapupulang likido na halos ikasuka nilang anim

Mabaho at malansa ang amoy na humalo sa hangin dahil bigla iyong umihip ng malakas

Kaya napatakip nalang sila sa ilong at halos maduwal dahil sa tindi ng amoy na kanilang nalalanghap

Ang rebulto ng anghel na may tatlong sungay, ang isang sungay ay nasa may noo nito at may hawak na tila karit na kagaya ni kamatayan

Nakahubad iyon at ni walang salpot, isamg babaing anghel ang kanilang nakita

Kaya halos magpupuyos si Sister Janelle dahil sa pambababoy ng mga iyon sa rebulto ng anghel na alagad ng ating Panginoon

Pinapakalma nalang siya nina Bryan at Trina, kuyom na kuyom ang kamay niya at tumutulo na ang mga luha sa mga mata niya

"Diyos ko," ani naman ni Aira,"Bakit ganyan ang ginawa nila sa anghel?,"

"Mga demonyo sila," ani ni Nena na kuyom din ang mga kamao,"Pag ako nakalaban ni Father Joseph babalatan ko siya ng buhay!," may gigil na sambit nito

"Nena, magma Madre ka," saway naman ni Aira kaya napailing nalang si Nena sa kaibigan

"Grabe ang pamba baboy niya sa mga anghel at sa ating Panginoon," umiiyak na sambit ni Nena

"Kahit kami ay galit din," ani ni Kevin,"Kahit minsan lang ako magsimba pero naniniwala parin ako sa ating Panginoon,"

Hindi na sila nakaimik habang pinagmamasdan ang mga lalaking iyon, nakaluhod ang mga iyon habang nakataas ang mga kamay

"Para silang nagdarasal," sambit ni Trina sa dalawang katabi

"Oo," tugon naman ni Janelle,"Nasaan na kaya si Khael?,"

"Darating din sila maya maya lang," sagot ni Sister Janelle,"Hintayin nalang natin ang Pari at sina Leigh," ani nalang nito

Tumango nalang sila bilang tugon sa mga iyon

**********

Samantala sa Kapilya

"Ilabas na ang mga alay!," utos ni Father Joseph sa mga sakristan na naka damit din ng itim

"Opo, Father John," pagsang ayon ng mga iyon sa Pari

Agad naman na bumaba ang sampung sakristan na inutusan ng Pari, mabibilis naman na kumilos ang mga iyon para kunin ang mga alay nila

Nakita naman ng apat ang papalapit na mga sakristan sa kulungan nila at sapilitan na silang inilabas mula doon

Hindi naman kumikibo si Yuri at nakikiramdam lang sa paligid

Ang mag aama ay tahimik din at tanggap nalang ng mga iyon ang mangyayari sa buhay nila

Nasilaw naman sila ng makaakyat sa taas ng Kapilya dahil sa nakakasilaw na liwanag na bumungad sa kanila

Nakasindi ang lahat ng ilaw sa buong Kapilya kaya napakaliwanag ng mga sandaling iyon

"Hmmm," ani ni Father Joseph ng lapitan siya nito,"Napakabango mo, isa ka ngang birhen, tamang tama na ikaw ang nararapat na ialay sa aming sinasamba para sa paglakas naming muli,"

Tinitigan lang niya iyon ng masama, habang panay ang tingin sa kapaligiran nila

"Sayang ka lang, ineng," may ngisi na sambit ng Pari,"Magiging alay ka lang namin sa aming Panginoon," sabaya halakhak

"Hindi kayo magtatagumpay kahit kailan," sambit niya,"Hindi kailan man magwawagi ang isang demonyo laban sa aming Poong Maykapal,"

Pak! Pak! Pak!

Tatlong magkakasunod na sampal ang dumapo sa maputing pisngi niya, kaya dumugo ang kabilang bahagi ng labi niya

"Pwe!," dura niya sabay dura sa mukha ng Pari,"Magsaya kana!,"

Pak! Pak! Pak! Pak!

Apat na magkakasunod na sampal ulet ang pinadapo sa magkabilaang pisngi niya

Namumula na ang magkakabilaang pisngi niya at pumutok na din ang isa pang gilid ng labi niya

Ngayon magkabilaang gilid na ng kanyang labi ang dumudugo, tumutulo tulo pa iyon habang nakangiti sa kanya

"Tara na sa sementeryo," yaya ni Father John,"Nandoon na ang mga kasama natin at nag uumpisa na silang gumawa ng seremonya,"

"Opo, Father," kuro naman ng mga sakristan na nahawak sa kanya

"Bilisan na natin," utos ng Pari,"Kailangan eksaktong alas dose ay maialay na natin siya," sabay turo sa kanya

Tumango nalang ang lahat, kaya mabilis silang lumabas ng Kapilya

Iniwanan nila na nakabukas ang lahat ng ilaw sa loob, dahil alam nila na walang kahit sinuman ang magtatangkang lumabas sa bawat bahay ng mga taga Baryo

Alam ng Pari na kapag nadinig na ng mga taga Baryo ang butingting bilang babala ay wala ni sinuman ang magtatangkang lumabas

Lalo na ang lumaban sa kanilang lahat, alam nitong takot na ang mga iyon at wala kahit ni isa man sa mga iyon ang magkakalakas ng loob na kalabanin sila

Kaya napapangisi ang Pari, alam nito na mabubuhay sila hanggang gusto nila sa Baryong iyon

Walang kakalaban sa kanila dahil takot ang mga taga Baryo sa kanila lalo na sa mga alagad niya

K

aya iyon ang gagawin nilang Baryo ng kanilang mga kalahi, doon sila magpaparami

Kung ayaw sumunod ng mga iyon at maging isa sa kanila ay uubusin nila ang lahat ng taga Baryo

Unti untiin nila ang mga taga Baryo Banal para maging kalahi nila sa lalong madaling panahon

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now