15. Disappointed.

5 1 0
                                    

"Are you ready, Allison? I'm on my way," kausap niya si Shannah sa cellphone kinabukasan.

"Yep," she answered.

"Good. Will be there in ten."

"Alright. Take care."

Pagdating ni Shanna ay umalis na sila agad matapos magpaalam kina Kyla at Amelia. Mahaba-haba raw kasi ang byahe nila.

Next, they picked up Leio.

"Para hindi boring," Shanna offered. "At may ka-alternate sa pagdadrive," she winked.

Pero ang ginawa nito ay lumipat silang dalawa sa backseat at hinayaang magdrive mag-isa ang lalaki.

Complain ng complain si Leio. Nagsisisi raw itong pumayag ito na sa kanila sumabay.

"Should have been Zion!" Ngitngit nito.

"Ano ka ba, kapag si Zion hindi iyon magrereklamo noh!" Giit naman ni Shanna.

"How did you know, aber?"

"Because he's a gentleman!"

"And I am not?!"

"You're gay!"

"What?!" Biglang pumreno si Leio at kandasubsob sila ni Shanna sa backseat.

"Ano ba?!" Singhal ni Shanna.

"I'm not gay!" Galit na sabi ni Leio.

Nagpapalitan na ng insulto ang dalawa kaya pumagitna na si Allison.

"Hep!" Sigaw niya. Sabay namang tumigil ang dalawa at binalingan siya.

"What?!" Sabay at parehong iritableng tanong ng dalawa.

"You---" napalunok siya dahil parehong galit ang mga ito. "Are you in love with each other?"

"What?!" Mas napalakas na sabay na tanong ulit ng mga ito sa kanya.

Tapos sabay ding napabunghalit ng tawa.

Tawa. Tawa. Tawa.

Ally thought the two wouldn't stop laughing kaya umayos siya ng upo at umaktong matutulog na.

Mga baliw ata itong mga kasama niya. One moment they were fighting like kids then the next they were laughing like they're not gonna stop forever.

"Of course not!" Mayamaya'y deklara ni Shanna na nag-cross arms sabay sandal at nanahimik.

"Not in this lifetime," saad naman ni Leio na pinaandar na ulit ang kotse at hindi na rin nagsalita.

'Oh eh di tumahimik,' Ally thought.

After that ay small talks na lang ang namagitan sa kanila hanggang sa makarating sila sa destinasyon.

It was a gorgeous beach house. According to Leio, kina Zion lahat ng abot ng kanilang mga mata.

"Zion's father is a shipping magnate," sabi ni Shanna. "If you think Ethan is just the prince charming, well Zion is also one. 'Yon nga lang, may mga kapatid si Zion whereas Ethan is a sole heir."

Tumikhim si Leio para ipahiwatig na prince charming din ito pero hindi na ito pinansin ni Shanna.

"How about you, Leio?" She volunteered to ask habang papasok sila sa enggrandeng tanggapan ng bahay.

"Real Estate," proud na sagot nito. "My family developed the subdivision where you live ---aray!" Galit nitong binalingan si Shanna na binatukan ito sa kadahilanang nahulaan na niya.

"Sa inyo binili ni Ethan ang bahay," she hoped she had said that casually. Ngumiti pa siya para ipakitang hindi siya apektado.

"Alam mo?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Yeah." Dismissive niyang tugon bago nag-aya na maglibot na sila habang hinihintay sina Ethan at Zion na wala pa.

Ayaw niyang pag-usapan nila iyon kasi gusto muna niyang makausap si Ethan tungkol doon. She wanted to know his reason. Why did he have to hide it?

'You know the answer, Allison.' Her mind told her.

"Don't you like to rest first, Ally?"

"Sayang ang oras, Shanna."

"Okay then. Let's go!" Hinila na siya nito at iniwanan na naman kay Leio ang mga bag nila.

Panay ang reklamo ni Leio pero sa huli, gagawin din naman nito ang inuutos ni Shanna.

-----
Magdidilim na pero wala pa rin si Ethan. Akala pa naman ni Ally ay makakasama niya buong weekend ang binata.

Had she expected too much? Disappointed tuloy siya na 'di pa ito dumarating. Si Zion dumating na kanina kasama si Annaliz na girlfriend nito.

She met his lovely girl and she was nice to her. Not as sweet as Shanna, pero gaya ng mga kaibigan niya, kahit rich kid ito ay wala itong kiyeme sa kanya.

"Magswimming na tayo sa beach, Ally!" Aya ni Shanna.

"Ikaw na lang. Hindi naman ako marunong lumangoy eh," tanggi niya habang nakatingin kina Leio, Zion at Annaliz na nasa dagat na.

"Hindi ka mag-eenjoy kapag pinanood mo lang kami. Teka, are you waiting for Ethan?" Nanunuksong tanong nito.

"Ain't he coming to join us?" She decided to be honest that yes, she's been waiting for Ethan. Disappointed na kasi siya at nahihirapan na siyang itago iyon.

"Darating 'yon! Or maybe he already chickened out," Shanna giggled at the thought. "Oh siya, kapag nagbago ang isip mo, sunod ka na lang, ha?"

Tumango siya at sinundan ito ng tingin.

Naupo siya sa buhanginan. Doon sa part na hindi pa nababasa ng mga alon. It was a nice escape from their busy lives. Sariwa ang hangin at sila sila lang ang 'andoon maliban sa mga staff ng beach house.

Maganda sana. Enjoy sana. Masaya sana. If only Ethan was there. 'Asaan na nga ba ito? Ilang beses pa siya nitong tinawagan to confirm kung pupunta siya. Oh tapos 'andito nga siya ito naman ang wala.

Paasa.

"Hayyyy," she let out a frustrated sigh tapos ibinagsak ang katawan pahiga sa buhanginan so that she was looking at the sky. Mariin siyang pumikit pagkatapos.

"Wala pa ako sa dagat pero muntik na akong malunod sa lalim ng buntunghininga mo," Ethan's voice filled her ears.

"Ethan?!" Nang magmulat siya ng paningin, she found him standing beside her habang nakatunghay sa kanya. "You're here?" Babangon sana siya pero pinigilan siya nang biglang umupong si Ethan by trapping her with between his arms. "Ethan," pabulong at napalunok niyang bigkas.

"Kanina mo pa raw ako hinihintay?" Ibinaba nito ang mukha sa mukha niya. Nag-uunahan na ang malakas na tibok ng puso niya sa ginagawa nito but at one point, she didn't say anything to make him move away.

"H-hindi mo sinabi na male-late ka" she struggled to relax kasi pakiramdam niya mahihimatay na siya. Bakit nito inilalapit ang mukha nito sa kanya? Alam ba nito ang epekto sa kanya ng paglapit nito?

"I'm sorry. Got to fix some things first," he moved his hand towards her face tapos pinagpag ang buhanging dumikit sa mukha niya.

"Ahm, hindi mo naman kailangang magsorry."

"Allison," he said her name, stared at her eyes for few seconds and when she was drowning in his gaze, bumitaw ito and instead tinulungan siyang bumangon.

He sat beside her. Ally realized na wala na ang mga kaibigan nila sa paligid.

"'Asaan na sila?" Nagtataka niyang tanong.

He shrugged.

"Ally, can I ask you a question?" He asked her suddenly.

"Oo naman," sagot niya.

Billionaire's Untainted LoveWhere stories live. Discover now