"Advance lamay sa patay mong puso kapag di ka  niya sinipot." Sabi niya na parang napaka laking tulong noon.

Mas kinabahan tuloy ako, naramdaman ko nalang na nagpapawis ang mga kamay ko.

"Yang bunganga mo itikom mo nga yan." Sabi ko at parang gusto ko siyang saktan dahil sa sinasabi niya.

"Takot kang matuloy no. Hahahahaha! Don't worry, baliw na baliw sayo yon, ganda mo ba naman." Bawi niya kaya napangiti naman ako.

Takot pala to sakin e.

"Alam kong maganda ko." I said and I also flip my hair.

She scoffed before answering me.
"Susme! Tigil tigilan mo ko, Lana. Sakin  mo lang nasasabi yan."

Napatawa naman ako dahil totoo ang sinasabi niya, kapag siya ang kausap ko ay lumalabas ang confidence ko.

"Oo na, oo na. Tulungan mo ko." I said, begging her.

"Wow. Call a friend ganern? Alam mo wala akong maipapayo sayo—"

"Hindi naman payo,  pakalmahin mo ko." Pagputol ko sa mahaba niyang sasabihin.

"So ano to gamot na ako pampakalma ngayon. Di niyo naman ako ininform?" She said again in a sarcastic way. Napailing nalang ako, di talaga siya magbabago.

"Alam mo, Liv. Di ka talaga helpful, you're helpless." Naiirita kong sambit sa kanya.

"Oo na, oo na. At least, may help, che." She said before ending the call.

Napatingin nalang ako sa screen ng phone ko, napaka bastos talaga ng babaeng iyon.

"Patayan daw ba ako." Wala sa sariling ko sambit.

Napailing nalang ulit ako. Nakatulong pa rin naman siya dahil nabaling sa iba ang atensyon ko kahit kaunti.

Lumabas na ko ng unit at buhat buhat ko ngayon si Glaish para ibaba siya  sa grooming parlour. Pagkarating doon ay agad ko rin siyang binigay.

Ganoon nalang ang gulat ko ng biglang itong nagtatatahol at naging matapang. Nag alala naman ako dahil baka makalagat pa ito ng iba. Agaran ko itong nilayo sa may hawak at humingin ng tawad.

"P-pasensya siya na po. Bigla po siyang nagwala." Sabi ko at lumabas na dahil sa hiya.

Unti unti namang kumakalma si Glaish kaya huminto muna ako sa labas ng elevator.

"Ano bang problema, boss?" Nag-aalala kong tanong.

Ng bumukss agad ang pinto ng elevator ay pumasok na agad kami. Nakarating kami sa unit ko at pumasok doon, ibinaba ko siya at bigla nalang itong tumahol ng palabas na ako.

Tinakpan ko ang tenga ko at palapit na tumingin sa kanya, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng pandinig.

Lumuhod ako at tinignan siya na patuloy pa rin sa pagtahol.

"Boss, ano bang problema? Bakit ka nagwawala?" Taka kong tanong sa kanya at ibinaba na ang kamay.

Tuloy tuloy pa rin ang pagtahol niya pero di na gaanong malakas.

"Boss, nasa bahay ka na tumatahol ka  pa rin, ano bang gusto mo? Wag ngayon, please." Nakikiusao kong sabi sa kanya, tinitignan ko ang orasan ko dahil baka magtagal ako.

Unti unting humina ang pagtahol niya kaya nilapitan ko siya at niyakap, mabilis din ang tibok ng puso niya siguro ay dahil sa lakas ng pagtahol niya.

"Boss, please uuwi rin naman kami ni daddy mo e. Wag ka ng magwala, please." Pagpapakalma ko sa kanya, mahina pa  ring umaalulong.

Nawala na ang tahol niya kaya humarap ako't nginitian siya, isang matamis na ngiti upang kumalma siya.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now