Ngayon ko lang naklaro kung sino ang nasa loob ng kwarto. Tita Nikki and Tito Dominic is on the right side near the door while my parents is on the other side. Si Dra. Michelle ay nasa malapit ko na katabi si Kathlyn na seryuso akong pinagmamasdan.

"Answer me, where is he? Nasaan si Kailean?" walang sumagot sa'kin kaya sinubokan kong tumayo pero pinigilan ako ni Kathlyn sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang balikat.

"Hindi pa namin siya nakikita, Yza. Kuya Cohen and Kuya Mon is now searching his whereabouts, tiningnan na rin nila ang mga CCTV na nakapaligid sa subdivision na ito." nakaramdam ako bigla ng takot nang marinig kung gaano kaseryuso ang boses niya.

Sumabat si Dra. Michelle. "Rest for now, Vaeda and eat your dinner, it's been 2 hours since you close your eyes. Maybe you're now hungry." inosenteng sabi niya.

"Tama si Dra. Michelle, anak. Mas mabuting kumain ka na muna at magpahinga para sa bata." sabat ni Daddy.


Napayuko ako at napatingin sa kamay kong hawak-hawak pa ang papel na nayamukos na. I opened it again para siguradohin na totoo nga. It's his penmanship kaya siguradong-sigurado ako. I looked at Tito Dominic and gave it to him.

"That's the note he left in the gate, Tito. Sulat-kamay niya 'yan, sigurado ako." he smiled at me kaya tinangohan ko siya. "I'm hungry, gusto ko nang kumain." pag- iiba ko.

"Wait, I still have something to ask you para wala nang mangyayaring check-up sa Thursday. Baka mapagod ka pa," pigil ni Dra. Michelle kaya hinayaan ko na siya dahil may point naman ang sinabi niya. She suddenly clapped her hands when I nodded. "Okay! Misters and Misis, lumabas na muna kayo please? Kakausapin ko pa ang pasyente ko, including you Miss Kathlyn." lumabas na nga silang lahat maliban sa doctor.


Tinanong niya nga ako ng kung anu-ano about sa pagbubuntis ko kay baby. Dahil madaldal siya, natagalan ang pagtapos ng pagkakamusta niya sa'kin. Natawa pa nga kaming dalawa nang mapansin na mahigit isang oras kaming nag-usap. She tried to convince me to do an ultrasound but I refused, wala siyang nagawa at natatawa nalang akong sinamahan na bumaba.

Pagkababa naming dalawa ay nadatnan ko sila Tito at Daddy na nag- uusap. Si Kathlyn, Tita, at Mommy ay mukhang nasa kusina. Nagpaalam na si Dra. sa aming lahat at sa susunod na buwan pa ang susunod kong check-up sa kaniya.

"Take care, Doc!" pahabol kong sabbi nang tuluyan na siyang nakasakay sa kotse.

Pumasok na ako ulit at dumiretso sa dining table para doon kumain. I breathed heavily and looked Tita Nikki who's now staring at me. Nilapitan niya ako at umupo saka hinaplos ang mukha ko. Nanlalambot niya akong tiningnan at nakita kong may nangilid na luha sa mga mata niya.

"Villamon confirmed it," marahan na nanlaki ang mata ko. "My son is finally back, he was seen walking with your dog outside in the subdivision earlier."

"P-pero bakit hindi siya umuwi kaagad sa akin, Tita? Bakit--" 'di niya ako pinatapos.

"Shhhh... don't cry, based on what they observed, mukhang kakauwi lang ni Dashren galing sa ibang bansa but let him tell you kung saan siya galing. Huwag kang umiyak, nakakasama 'yan kay baby." pigil niya sa'kin. She hugged me so tight so I forced myself to stop crying.

Dumalo si Kathlyn sa amin hindi dahil para yakapin rin ako kundi kunin ang calamares na nakalapag sa lamesa. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kumain ka na bago ko pa maubos 'tong niluto ng Mommy mo sa'yo," tamad na sambit niya.

Pinakawalan na ako ni Tita at pinunasan ang  luhang lumandas sa pisngi ko. She chuckled and checked the baby on my tummy. Natawa na rin ako dahil mahinang sumipa ang bata sa loob ng tiyan ko.

You Are Mine (Mine Series #1) Where stories live. Discover now