Thirty- Two

971 19 1
                                    

Chapter 32.

Look.



"Fresh air in the Philippines aye?" masama kong tiningnan si Kuya Cohen nang marinig ang sarkastikong tanong niya. Anong fresh? Medyo mabaho nga ang amoy dito tapos fresh pa talaga ang ginamit niya para mag- describe?!



"Ugh, where's our car to ride on? Bakit ang tagal ha?" puno ng pagtataray na tanong, mabilis naman akong tinakpan ni Vaiden ng jacket niya dahil mainit.



We are already here in the Philippines at pagod na pagod ako sa byahe. Wearing my brown coat with a white sleeveless top under and a black jeans on the lower. I also wore a shades to cover my eyes from the heat of the sun. Prente lang na nakatayo sa tabi ko si Kuya Cohen, abala sa cellphone niya. Tinampal ko naman ang coat na nakaharang sa harap ko. Peke kong nginitian si Vaiden at inirapan, buti nalang at naka- shades ako ngayon.




"You rolled your eyes, very obvious." tamad na komento niya kaya ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko pero nakabawi rin. Ano pa bah ang bago sa kaniya? He always notice small things na pati pagputok ng pimple mo ay makikita niya.



Biglang may tumigil na itim porche sa harap naming tatlo at nang makitang sinenyasan ako ni Kuya Cohen, agad akong kumilos at piniling sa backseat umupo. My smile was so wide but it fades away when I already see who's in the driver's seat. Gulat na gulat man ay hindi ko iyon pinahalata.




"Welcome back but we are not happy to see you back," bati niya. Umawang saglit ang bibig ko at akma na sanang sasagot nang sunod na pumasok si Vaiden.




"Ate Danity!" sigaw niya, umusog ako sa gilid para bigyan ng daan si Kuya Cohen. Pinili kasing sa shotgun seat umupo ni Vaiden. "We didn't expect you will be the one na kukuha sa amin!" dadag ng kapatid ko.




"Expect the unexpected, lover boy. It's great to see you again!" nakita ko ang pagngiti ng mata ni Kathlyn sa rearview mirror. I noticed that she is wearing a white loose polo and a sexy short pencil skirt. Para siyang nagtatrabaho sa isang office dahil sa suot niya.




Napansin ko ang pasulyap- sulyap ni Kuya Cohen sa'kin kaya tinitigan ko siya. "Problem?" mataray na ani ko at bigla naman siyang napangisi.




The engine of the car started at muntik pa akong mapahiyaw nang pinabilis ni Kathlyn ang pagmamaneho. Masama ko siyang tiningnan sa rearview mirror pero inirapan niya lang ako at ramdam kong ngumisi pa siya! Ngayon ko lang napansin na ang mahaba niyang buhok noon ay hanggang balikat nalang ngayon, may bangs pa talaga siya na mas lalong nagpapadagdag sa ganda niya.
   



'Di hamak na mas maganda siya sa'kin at sino ako para magpatalo? Maganda rin naman ako tsh! Ang ginagamit niyang lipstick ay bold red na bagay naman sa may pagkaharina na balat niya ngayon.


Napakaputi niya na ah!


Akala ko ay didiretso kami sa mansion pero sa disappointment ko, sa isang mamahaling restaurant kami tumigil para kumain. Hindi naman napigilan ni Vaiden na maging excited dahil gutom nga siya. Padabog akong bumaba at sinuot na naman ulit ang shades ko.



"Hindi naman masyadong mainit, ang arte." pagpaparinig ni Kathlyn na halata namang para sa'kin.


I don't give a fudge, bahala siya sa buhay niya.


Malamig na hangin ang bumungad sa aming apat nang makapasok. "This is my restaurant actually," bulong sa akin ni Kuya Cohen, tinaasan ko siya ng kilay.



"Hanapin mo pakialam ko." tipid na tugon ko at saka sumunod kay Vaiden na para nang tanga na nagtatalon- talon na sumusunod kay Kathlyn. Nakasuot siya ng heels pero mas matangkad talaga ang kapatid ko. Na- conscious ako bigla sa laki ng dibdib niya kahit nakasuot siya ng loose polo. Bakit bah hindi ako pinagpala?! Kainis naman oh!



You Are Mine (Mine Series #1) Where stories live. Discover now