"Ayun na nga sis, ili-legal na ako ng pinsan mo! pupunta akong Condo niya." Sabi ko sa masayang boses.

"Bruha! gumising ka nga oy! nasa Dream Land ka palang ata?!" Malakas na sabi ni Eda.

"Ayaw mong maniwala? abangan mo ako mamaya sa Condo niya." Pagmamayabang ko.

"Jusko! Lord! patawarin niyo po ang bruha kung kaibigan! mukang mag-kakasala nanaman!" Pagdadasal ni Eda.

"Oo talaga, kasi ang paalam ko sa kanila ay pupunta ako diyan sa bahay niyo." Sabi ko.

"Jusko! sinasabi ko na nga ba kaya tumawag!" Rinig kung sabi ni Eda sa kabilang liniya.

"Please, maganda kung kaibigan." Pagmamakaawa ko.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko?! pangalan ko na ang sinabi mo sa kanila." Sabi niya at huminga ng malalim.

"Ang ganda, ganda mo talaga Edgara." Sabi ko.

"Wag mo akong bulahin dahil matagal ko ng alam yan!"

"So, pano ba yan? I'm going to meet my future boyfriend." Natatawang sabi ko.

"In your dreams! Sige na gumising ka na!" Sabi ni Eda.

"Gising na gising ako, Eda." Sagot ko.

"Ah, pinapakisamahan ka as a-" Sabi ni Eda, binitin pa talaga.

"Friend, siguro?" Dugtong ko.

"WHAHAHA friend sig-pppffff HAHA wawa naman ang bebe ko hanggang friend lang." Sabi ni Eda.

"Ano ba ginagawa mo?" Pag-iiba ko dahil medyo masakit yun ah.

"Kasama ko pinsan mo." Sagot niya.

"Huh? Sino?" Natatarantang sabi ko.

"Si Ethan." Natatawang sabi ni Eda. Nakita ko na rin ang kotse ni Rao.

"Bruha ka talaga, di boking ako?" Sabi ko at lumabas si Rao sa kotse niya.

"Hi!" Bungad ko sa kaniya at sabay kaway, kahit nasa tenga ko palang ang telepono ko.

He only give me a smile then he open his car door for me.

"Thank you." Sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse niya.

Grabe ah! ang bango! kumalat na sa kotse niya ang pabango niya, panglalaking panglalaki talaga ang amoy. Nakakainlove! Akin ka nalang Engineer, char taken ka na pala.

"Baby, are you still there?" Nagulat ako sa sinabi ni Eda.

"Anong baby?" Tanong ko.

"Baby, I miss you." Pang-aasar pa lalo ni Eda.

"I miss you too." Pangsasabay ko sa trip niya.

"Baby, kailan ba kasi tayo magkikita? Miss na miss na kita." Malanding sabi ni Eda at kasabay nun ang pag-sstart ni Rao sa kotse niya. Diko man lang siya namalayang pumasok dahil sa bruhang kausap ko.

"Miss na miss na rin kita, wag kang mag-alala mag-kikita naman tayo sa monday eh." Sabi ko.

"Rao dahan-dahan!" Suway ko dahil halos lahat ng nasa unahan namin ay ino-overtake-an nya.

"Baby, hindi ka ba mag-fefellowship sa Sison?" Tanong ni Eda.

"Hindi muna baby, nung nakaraan diba sa Sison ako, Sa Udiao naman bukas. Miss na daw nila ako eh." Sagot ko.

"Ah ganun ba? Talagang sa Monday nalang talaga tayo magkikita, bebe?" Nahihimigan ko ang paglungkot sa boses ni Eda, pero alam kung panggap lang yun.

"Oo eh, ako rin maglelead ng Praising bukas." Sabi ko.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now