"Sure, kakausapin ko lang si Joshua–"

"Dean, s-siya po ang nanuntok sa akin at sa mga k-kaibigan ko," nauutal na putol sa kanya nitong Joshua.

Lagot! Umamin na.

Ibinaling sa akin ni Alonso ang tingin niya sobrang sama pa, aiishh. Tumaas ang kilay ko. He shook his head in disappointment.

"Are you sure?"

"O-opo dean, m-muntik n-niya nga rin akong saktan," sumbong nito.

"Pft!" napasinghal ako.

"Miss Sevilla, stay here. And Joshua, you can go now. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya. Susunod ako sa clinic."

Tumabi ako dahil ayaw niyang dumaan sapagkat nakaharang ako sa pinto. Tumakbo siya nang mabilis paalis. Alonso rose from his chair and closed the door behind me.

"Maupo ka."

Sinunod ko siya. Umupo siya sa pwesto niya at bumuntong hininga.

"I'm disappointed, Val. Ano na naman ba ang nangyari?" pigil ang inis niyang tanong.

"They provoked me," I replied.

"Puro na lang ganyan ang dahilan mo. Can't you just avoid them? This is not Eryx High! Kahit na kilala mo pa ako kung hindi naman makatarungan 'yang ginagawa mo, hindi ko ito palalampasin!" galit niyang sigaw.  His eyes were like a hawk as he glared at me.

Napapikit ako nang mariin. "I know. And susubukan ko. Kapag may manakit sa'kin, magpapabugbog na lang ako para hindi ka na mag-alala sa kanila ha?" sarkastikong sagot ko.

Rage surged through him. "Ano ba!? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

Katulad niya ay hindi ko na rin napigilan pa ang inis na nararamdaman ko. Kaya nadampot ng kanang kamay ko ang silya at walang hirap na hinagis iyon sa pinto.

"Sige na sige na. I will face the consequences."

His lips thinned. "Gusto ko lang malaman mo na hindi pakikipag-away ang sagot sa lahat ng problema mo. Kailangan mong gamitin ang utak mo bago gumawa ng aksyon Val. Matalino ka, alam mo 'yan. Sana ay 'wag kang matulad sa kaniya," sabi niya at bumuntong-hininga.

"I'm trying," bulong ko.

"This is not the first time na may nagreklamo sa'yo Val. This is already your second offence. Ayos lang sana kung walang nakakita or no one reported kasi baka pwede pa kitang mapalagpas. But I can't this time. Tandaan mo na, kapag lumagpas ka sa lima ay maaari kang ma-suspend and if you violated a lot of rules, you will be expelled." Hindi ako nakapagsalita. "Now, go to the detention room after your class. Stay there for two hours and clean the room if it's necessary."

Ang dali naman.

"‘Yon lang?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit? Gusto mong dagdagan ko?"

"May sinabi ba ko?"

Napapikit siya ng mariin. "Just go Val."

Walang imik akong lumabas. Ngunit napatigil ako sa paglalakad at pumasok ulit sa office niya. Taka niya akong tiningnan.

That Girl Is A GangsterWhere stories live. Discover now