24

37.7K 974 124
                                    

AGNELLA TELESE

Nagtungo ako sa sala nang matapos akong mag-ayos ng sarili dahil nagbabad pa ako sa bathtub na halos mahigit trenta minutos. Hindi ko rin namalayan ang paglipas ng oras, pagtingin ko na lang sa orasan ay 8 p.m na.

Nakaalis na kaya si Kylier? Nasa eroplano na ba siya at bumabiyahe na pabalik sa Washington? Gusto kong mag-sorry sa kanya. Gustong-gusto kong personal na humingi ng sorry sa kanya pero wala akong magawa.

Nandito ako sa rest house ni Alessandro at ayaw niya akong pahiramin ng cellphone para matawagan ko man lang si Kylier.

I sighed. Bumagsak na lang din ang magkabila kong balikat bago ako naupo sa sofa.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto at natulog. Masyado ring tahimik sa buong rest house ni Ales. Ang boring dahil wala akong magamit na cellphone upang malibang ako. May TV nga, nakakasawa naman ang mga pinapalabas. Ang haba pa ng mga commercial.

Inikot ko ang aking tingin sa buong paligid ko, nabibingi ako sa sobrang tahimik sa rest house at wala rin akong nakikitang Alessandro. Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon?

Tumayo ako at hinanap siya.

Pumasok ako sa kusina pero hindi ko siya nakita roon. Umakyat ulit ako sa taas at isa-isa kong binuksan ang pintuan ng mga kwartong meron dito pero wala pa rin akong nakitang Alessandro.

"Saan kaya siya nagpunta?" taka kong tanong sa sarili ko.

Halos libutin ko na ang buong rest house niya pero hindi ko siya nakita kahit na anino man lang niya. Pinagod ko lang ang sarili ko sa paghahanap sa kanya.

Napailing ako at bumalik sa sala.

Nag-iisip ako kung saan nagpunta ang lalaking 'yon. Don't tell me na iniwan niya ako rito? Bigla akong nakaramdam ng pangamba at takot nang sumagi sa isip ko iyon. Nagmamadali akong lumabas sa rest house niya para hanapin siya ulit.

"Alessandro!" malakas kong tawag sa pangalan niya ngunit wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanya.

Nagsimula na rin akong mataranta dahil natatakot akong maiwan dito. Isa pa naman itong isla at tanging kagubatan at dagat lang ang pumapalibot sa buong rest house niya.

Takot akong mag-isa lalo pa't sa mga ganitong lugar. Walang kahit na anong malapit na bahay rito at tanging rest house lang niya ang nakatirik dito sa isla.

Wala akong mahihingian ng tulong kung sakali man na iniwan talaga ako ni Alessandro. Wala akong pwedeng ma-contact dahil wala man lang akong cellphone.

Bumuga ako ng hangin. Nagsisimula na ring mangilid ang luha ko na anytime ay babagsak na.

Na trauma na ako sa mga ganito. Noong highschool ako ay naligaw ako sa gubat nang mag-camping kami. I encountered wild animals in the wood so I was so scared that I was feeling like I was going to die.

Naligaw ako that time dahil nahiwalay ako sa mga kaklase kong kasama ko sa pagkukuha ng mga kahoy. Sobra ang trauma na nakuha ko dahil doon at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko nang makakita ako ng wild boar at hinabol pa ako ng hayop na 'yon.

Mabuti na lang ay marunong akong umakyat ng puno kaya doon ako magdamag nag-stay hanggang sa umalis na ang wild boar na iyon. Iyak ako nang iyak that time at nanginginig ako sa sobrang takot. Akala ko ay doon na ako habambuhay pero mabuti na lang ay may mga rescuer na dumating para hanapin ako.

Pasalamat ako nung araw na iyon dahil may nakapansin na wala ako sa camping site namin, kaya ayoko iyon maulit.

"Malaman ko lang na iniwan mo talaga ako rito, papatayin kita!" asik ko kay Alessandro kahit na wala siya sa harapan ko. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi ko na pigilan ang sarili kong umiyak.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ