More Than Just Pretend - Part One

258 6 1
                                    

More Than Just Pretend



PART 1


"Oh, ano? Payag na kayo?" Pinag-isipan ko ang tanong ng kaklase ko. Ayaw ng utak ko pero gusto naman ng puso ko. "Isang buwan lang naman kayong magpapanggap, pagkatapos ibibigay na namin ang premyo nyo." Dagdag pa nya. Sa totoo lang nahuhumaling ako sa alok nila.



"For fun na din naman, Vanessa." Pilit ng isa ko pang kaklase.


Tiningnan ko siya, nagtatanong ang tingin kung papayag ba siya pero nagkibit balikat lang sya lang.

"Kapag pumayag si Ethan , payag na rin ako." Utas ko. Halos mabingi ako ng biglang nagsigawan ang lahat ng kaklase ko!



"Oh ano bro, payag ka ba?" Nakangising tanong ng bestfriend niya. Tumango lang siya ng isang beses at binalik sa tenga ang earphones nito.



Halos mapunit ang mukha ng bestfriend niyang si Nick ng pumayag siya.


"Wala ng bawian!" Nakangising utas ng kanyang matalik na kaibigan. "Mamaya na ang simula, okay?" Tumango lang ako pero hindi siya kumibo.



Habang naghihintay sa guro namin ay may inabot na papel at ballpen si Nick, nagtatakang tiningnan ko sya.


"'Yan ang kasunduan, pirmahan mo na." Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang papel sa kanya. Binasa ko muna ito.


Nakasulat doon ang mga kailangan naming gawin. Dapat magkasama kami parati, dapat sweet kami sa isa't isa. Kailangan ring sabay kami kumain, umuwi at pumunta ng school at kung anu-ano pa na mga ginagawa ng magkasintahan.


Bumuntong-hininga ako, kung hindi lang dahil sa libro na binili nila na gustung-gusto ko eh, hindi ako papayag. Iyon na kasi ang huling kopya ng libro at gustung-gusto kong magkaroon noon kaya pumayag ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya sa pagpayag, ipinag-kibit balikat ko na lang iyon.


Nag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Inayos ko ang gamit ko.


"Tara na, Mica." Aya ko sa bestfriend ko, sabay kaming umusuwi at pumasok sa school araw-araw dahil nasa pareho lang kaming subdivision.


Ngumiti sya at umiling at may nginuso sa likod ko. Napakunot-noo ako at tiningnan kung sino iyon at nakita ko siya, nakataas ang kilay. Doon ko napagtanto na ngayon na pala ang simula ng pagpapanggap namin.


Sa totoo lang, hindi ko makita ang punto ng mga kaklase ko kung bakit nila gustung-gusto na magkaroon kami ng relasyon maliban sa pagiging magkaibigan. Hindi ko talaga maintindihan ang logic.


"Ingatan mo ang bestfriend ko ha, Ethan Luke Varres! Kung hindi, nakuuuu! Makakatikim ka sa akin!" Pagbabanta ng bestfriend ko at pinanlakihan si Ethan ng mga mata. Tiningnan nya lang si Mica, pinagsiklop ang kamay namin at tumalikod. Nagulat ako sa simpleng kilos niyang iyon. At dahil hawak nya ang kamay ko ay napasunod nya ako sa kanya, kinidatan lang ako ng bestfriend kong bruha!

More Than Just Pretend (A Two-shot Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora