Chapter 42 (3/7/2015)

Magsimula sa umpisa
                                    

“Okay.” He said nonchalantly. Na para bang wala lang sa kanya ang lahat. Na para bang hindi ako napahiya sa kanya at sa sarili ko. Kahit dalawa lang ang naka witness ng kahihiyan ko, dalawa lang kaming nakakaalam na nagkakalat na pala ako, yet, hindi ko kinakaya. Okay, hindi lang pala kaming dalawa. Na witness din pala ni Kuya Nestor ang ginawa ko pero alam ko naman na hindi ako pagtatawanan ni Kuya Nestor katulad ng pagtawa ng kunsensiya ko sa akin.

Tapos, tapos, ano na lang ang sasabihin ni Alexis? Ano ang iniisip niya ngayong alam na niyang inistalk ko siya? Siguro iniisip niyang napakapathetic kong babae kasi pwede ko namang siyang tawagan, eemail or mag facetime kami pero may pa stalk stalk pa akong nalalaman. Tapos manghihingi pa ako ng nude photos. My God! Kung hindi kabaliwan ang tawag sa ginawa  ko, hindi ko alam kung ano.

Pero paano niya nalamang ako si StalkPamore? Ang daming stalker sa mundo at ang dami niyang followers at stalker. Bakit na single out niya ako?    

“Paano mo nalaman na ako yung…yung…sa twitter.” Hindi ko kayang sabihin ng diretso sa kanya. Sagad na sagad ang kahihiyang nararamdaman ko dahil sa pagiging stalker niya na nanghihingi ng nude photos with autograph. Buti sana kung pinangatawanan ko ang pagiging silent stalker pero talaga namang nanghingi pa ako ng nude photo. Baka iniisip niya na manyak na ako. Ugh! Wag na wag lang niyang imention yun ulit dahil baka pumasok na ako sa isang sako at itapon ang sarili ko sa ilog dahil sa kahihiyan.

“Hindi nakaprivate ang email address mo at nakalink ang twitter mo sa facebook. I am your facebook follower.” I groaned dahil sa katangahan ko. May mas tatanga pa ba sa akin kung ang pag uusapan ay ang social networking  privacy? Pero kasi naman, nung ginawa ko ang facebook  ko dati, hindi naman ako conscious sa privacy setting kasi sino ba naman ang magpafollow sa akin? Sino ba naman ang magkakainterest na tingnan ang facebook ko at ang mga post ko maliban sa mga friends ko? I am just an ordinary girl. Hindi naman ako celebrity na kailangan ng sangkatutak na privacy sa buhay kasi wala namang interesado malaman ang buhay ko.

Pero hindi ko talaga ata mapapatawad ang sarili ko sa katangahan ko sa twitter. Sa sobrang atat ko na maging stalker, ni hindi man lang ako gumamit ng ibang email. Ni hindi ko binigyan pansin ang privacy settings ko. At talagang nakalink pa sa facebook. Wow men! Parang pinangalandakan ko na stalker talaga ako.

Wala na akong masabi sa katangahang taglay ko.  Saludo ako sa katangahang taglay ko. 

“Do you want me to go home?” Bigla akong napatingin sa phone na hanggang ngayon ay hawak pa din ni Kuya. Parang ginawa ko na siyang official na tagahawak ng phone ko. At bakit ba lumilingon pa ako sa phone. Pwede ko naman siya kausapin kahit d ako tumingin sa phone kasi nakaloudspeaker naman siya.

“Hindi!” I said vehemently at kinuha kay Kuya Nestor ang phone. Ano ang mukhang maihaharap ko sa kanya ngayon kung uuwi siya? Mas mabuti pang palipasin muna ang mga araw para kahit papaano makalimutan ko ang kahihiyang pinaggagawa ko. Kahit na gustong gusto ko na siyang makita, titiisin ko kasi kung pupunta siya, wala din naman akong mukhang maihaharap sa kanya.

“Okay. See you on your graduation Mandy.” Was the last words he said and the last words I’ve heard from him.

Months passed at bumalik kami sa dati na walang communication. Hindi na din ako nag rereply sa mga tweets niya. Hindi ko alam kung normal ba ang relasyon namin. Normal ba sa dalawang taong nagmamahalan na tiisin ang isa’t isa? Na hindi mag usap? Ang alam ko kasi  sa isang relasyon, it needs constant communication. Each person wanted to be closer to the one he or she loves. Pero kami hindi nagtatawagan, hindi nagtetext and it’s not normal for me.

Nakakabalita lang ako sa kanya pag nagt-tweet siya pero hindi naman yun madalas. Pero kung icocompare sa dati mas madalas na siyang mag tweet ngayon. Merong mag tweet siya kung saan ang location ng photoshhot nila. Minsan magpopost siya ng pictures kung saang bansa sila.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon