[36] Twenty Four

235K 5.6K 3.8K
                                    

Note: This is a 10,000 word vomit. Hindi ko alam kung bakit sobrang haba nito. I might edit this but.. today is not that day ;)
Kidding. Sobrang daldal nina Andreau at Zade. You'll know why. All mistakes are mine!

**

Chapter 36: Twenty Four

Alam mo yung feeling na sobrang okay ng lahat ng bagay sa buhay mo, as in sobrang okay na tipong wala kang mairereklamo? Na masaya ka, kuntento ka sa lahat ng mga nangyayari. You’ve got everything you wanted. You couldn’t ask for more.

Then there comes the day na mabobore ka sa pagiging sobrang okay ng lahat ng bagay. Walang mali, walang reklamo.. walang thrill. Aabot ka sa point na magtataka ka na bakit walang nangyayaring mali, bakit ang monotonous ng buhay na laging sobrang okay. Eventually you’ll realize that perfection is boring.

Ano nga yung sabi nila?

Kapag may sobrang saya, may sobrang lungkot din.

And I learned that thing the hard way.

All because of a phone call.

xxx

Despite the traffic jam umuwi pa rin ako sa San Ignacio ng November 1. Masyado kasing mapilit sina Nana Tinang at Butchoy na umuwi ako sa kanila, at tsaka bibisitahin ko rin ang puntod ni Tata Greg. Nung summer pa ang huli kong uwi sa probinsya eh. Kahit hindi nila sa’kin sinasabi, feeling ko nagtatampo na sa’kin sina Nana dahil mas madalas na ako sa Manila kesa sa kanila. So there, I decided to spend the remaining nine days of my sembreak sa San Ignacio.

Kaso medyo wrong timing yung pag-uwi ko sa probinsya. Kung kelan wala ako sa Manila, tsaka nagdecide si Andreau na magstart na sa pre-production ng Tila. Well.. they could start without me. Sus, ano lang ba ako sa movie niya? Hamak na assistant scriptwriter/magandang consultant lang naman. But Andreau being.. Andreau, ayaw niyang mapag-iwanan ako sa progress ng Tila. Muntikan pa niyang hintayin ang pagbalik ko sa Manila bago simulant ang pre-prod. Wow lang, as if ako ang artista!

Speaking of artista, once ko pa lang nameet ang actress na gaganap na si Tila, si Karmela Hizon. Actually, ako yung nakadiscover sa kanya after kong mapanood yung isang play niya nung break. The minute I saw her act, that’s it. Nakuha niya kaagad ang atensyon ko! Medyo baliw kasi ang role niya dun sa play, and since may pagkaganon si Tila (na isa sa mga bagay na pinag-aawayan namin ni Andreau), I had this gut feeling na baka si Karmela, or Kami, na ang Tila namin ni Andreau.

To cut the long story short, sinamahan ko si Andreau na manood ng matinee show nina Kami two days before Jillian’s Halloween Party. Nung una ayaw pang maniwala ni Big Boss na sakto si Kami para sa role ni Tila. Gusto na nga niyang umalis eh! Kaso nung napanood niya ang performance ni Kami, he was blown away. Tahimik lang siya for 45 minutes, then nagstanding ovation pa after ng play. Medyo passive-aggressive rin si Andreau, ano?

Akala namin ni Andreau hindi papayag si Kami sa offer namin. Sa itsura ni Andreau noon, feeling ko gagawin at ibibigay niya ang lahat para mapa-oo si Kami. Magaling na actress si Kami, bonus din na close friends sina Kami at Eddie, yung actor na nakuha namin for Benny. Tahimik lang na binasa ni Kami yung script sa harap namin ni Andreau and after ten minutes, ang nag-iisang tanong lang niya sa’min ay: Sure kayong sa November na ‘to ha? I’m blocking my sked already!

My God, pakaba pa si ate.

Anyway, isa pa sa kamalasan ko ay ang pagkasira ng cell sites sa San Ignacio. Sakto nung pagdating ko sa bahay nagloko ang signal! Ang hirap tuloy makatanggap at makasend ng texts! Si Andreau pa naman, talo pa ang 8888 o kung anong spam numbers sa pagtetext ng updates regarding their meetings. Nagagalit pa kapag hindi ako nagrereply. Promise, hindi cute si Clingy Andreau! He ended up emailing me the updates para magbasa ko nang maayos. Ang hirap naman sa part ko, kailangan ko pa sumakay ng  tricycle para lang makapag-internet! Nakakaloka talaga rito sa probinsya minsan!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon