"Ano ba iyang ginagawa mo! muntik ka ng mamatay!" Naiinis na singhal sakanya ni Charvi. Kumunot lang ang noo niya.

"At least buhay pa rin ako ngayon," aniya na kinabuntong hininga ni Charvi.

"Still, magiingat ka na sa susunod." Pagpapangaral ni Denji na ikinatango ni Zyron. Ngumuso lang ang kapatid ko.

"Hindi ka talaga nagiingat babae ka." naiiling na saad ni Mitch. Napakamot naman sa ulo si Lexa bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Kumain ka na diyan at matulog na, aalis na tayo bukas." Saad ko natigil naman ito at napatingin sa akin.

"Totoo na'ba 'to? wait kurutin niyo nga ako baka nananaginip pa rin ako." aniya kinurot ko naman ang braso niya.

"Aray! bakit ang sakit naman noon? namumuro  ka na sa akin ah!" nakangusong saad niya ngumisi lang ako. Buti nalang hindi nalapa ang babaeng 'to kanina.


Pagkatapos naming kumain ay nahiga na kami para matulog pero bigla nalang nagsalita si Lexa sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Alam niyo ang weird ng napanaginipan ko kanina." Saad niya napalingon naman kami sakanya. Pinapagitnaan kasi namin siya ni Mitch.

"Bakit?" si Mitch.

"Kasi sa May nakita akong Nakatumbang bus sa panaginip ko. Dinudumog ng Zombie." Saad nito nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Tapos?" Tanong ko, umiling lang ito.

"Hanggang doon lang 'yung panaginip ko e." Saad niya.

"Ano kaya 'yun?" tanong niya. Napakunot lang ang noo ko.

"Wag niyo na isipin 'yan. Matulog na kayo." Ani Mitch bago tumalikod sa amin. Nagkibitbalikat lang si Lexa at ipinikit ang Mata.








LEXA

"Hoy ano teh? di ka ba nakagat doon?" Usal ni Rhykzel na tumabi pa sa kin dito sa labas. Chismosa din ang isang 'to.

Ngayon ang araw ng alis namin. Lahat ay busy magimpake samantalang ako ay chill lang muna dito sa labas. Tapos na kaya 'yung akin!

"Hindi girl, baka sila pa kagatin ko." saad ko natawa naman ang gaga. Siniko ko naman siya ng makita ko si Van na nagbubuhat ng gamit.

"Tulungan mo naman bebe mo." nakangising saad ko. Bigla naman kuminang ang mata niya ng makita ang binata.

"Hala wait, lalandi muna ako." bungisngis nito hinila ko naman ang buhok niya.

"Kapokpokan mo talaga. Go lang!" natatawang saad ko tumakbo naman ito papunta kay Van.

Tumayo naman ako at napagdisisyonan na kumuha ng pagkain sa kusina.

Pagpasok ko sa loob ay saktong pagbaba rin ni Charvi. Nagkatitigan kami pero ako ang unang nagiwas at pumasok sa loob ng kusina. Wala palang tao rito.

"Lexa."

Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Sinundan pala ako nito kaloka.

"Can we talk?" seryosong saad nito. Napainom naman ako ng tubig. Ang seryoso naman ng tukmol na 'to.

"Naguusap na tayo." sagot ko. Napabuntong hininga naman siya bago tinignan ako sa mata.

"Iniiwasa mo ba ako?" nakakunot ang noo na tanong niya. Napataas ang kilay ko don.

"Para? bakit naman kita iiwasan? parang sira ka. Ayusin mo nga 'yang mukha mo hindi bagay sayo tanga." natatawang saad ko bago dinuro ang noo niya.

Napasinghap ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Tangina ano 'to?!

"Because of Nadia?" Hindi siguradong sagot niya. Agad nagbago ang mukha ko.

"Ano naman? na nagkakamabutihan na kayo?" irap ko sakanya bago kinuha ang kamay ko.

"Oo naiinis ako sayo dahil doon." Pagaamin ko. Kita ko naman ang bahagyang paglaki ng mata niya.

"Alam mo hindi ko nga alam kung Best friend pa ba talaga tayo e, kasi dati naman nagsasabi ka tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay mo. Ngayon hindi mo manlang sinabi sa akin na may something kayo ni Nadia? nakakainis ka, nagtatampo na ako sayo tapos-"

"Fuck! napaka manhid mo talagang babae ka!" putol nito sa mga sasabihin ko pa. Aba? bakit ako?!

"Inaano kita diyan? tsaka hindi pa ako tapos magsalita ha! wag kang sasapaw nagpapaliwanag na nga ako na-"

"Hindi siya ang gusto ko, kasi ikaw 'yun!" Parang nahihirapang saad nito.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya.

Ako?





TO BE CONTINUED.

A/ OMG HAHAHA DON'T FORGET TO VOTE PO TENKS♡

Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED)Where stories live. Discover now