CHAPTER 33

335 27 3
                                    

JELYN

Nang makarating kami sa bahay hindi kami umalis sa tabi ni Lexa. Nawalan lang daw siya ng malay sabi ni tatang, maya-maya ay magigising na rin siya. nakahiga siya ngayon sa sofa. Hindi na namin nadala sa kwarto dahil pinacheck agad namin pagpasok.

"Kumain daw muna kayo." Biglang sulpot ni Charvi sa sala. "Ako na muna diyan." Dagdag niya. Nagkatinginan muna kami ni Mitch bago sabay na tumayo at iniwan sila sa sala.

"Kumain na kayo." ngiting saad ni Zyron. Tumango lang kami at naupo na.

"Nasaan na 'yung iba?" Tanong ko nagkibitbalikat lang si Denji na nasa harap namin.

"Natutulog na. Gabi na rin kasi." Sagot ni Zyron tumango-tango lang ako, sabagay.

"Sabi pala ni tatang mga hapon bukas aalis na tayo. Dadating daw ang mga tutulong sa atin ng bandang ganoong oras." Ani Denji natigil naman kami sa pagkain na dalawa.

Oo nga pala, bukas na pala ang alis namin. Baka ng hingi lang ng kaunting oras si tatang kanina sa kaibigan niya dahil sa nangyari.

"Talagang makakaalis na tayo rito." Mahinang saad ko pero sakto lang para marinig nila.

"Yeah, sa wakas totoo na'to. After three years natin dito ngayon lang tayo mare-rescue." Si Mitch naalala ko nanaman ang nangyari sa amin noong gabing 'yun. Napailing nalang ako bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ba kayo kakain?" Tanong ko sa dalawa.

"Tapos na kaming kumain madame." Usal ni Zyron na kakatapos lang maghugas. Napangisi nalang ako sa tawag niya sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

"Kumain ka na doon." Sabay kaming napatingin sa pinto ng kusina ng sabay na pumasok si Charvi at Lexa na humawak pa sa ulo nito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko agad dito. Naupo muna ito sa tabi ko bago sumandal sa upuan, Hawak ang ulo.

"Ang sakit ng ulo ko punyeta." Usal niya, bago humawak sa tiyan naman. "Gutom na ko." ngumuso pa ito. Pinitik ko naman ang noo niya.

"Aray ko naman Jelyn! masakit na nga e!" maktol nito pinagkrus ko naman ang braso ko sa dibdib.

Nilapagan naman siya ni Charvi ng isang platong may pagkain na agad niyang nilantakan. Patay gutom!

"Dahan-dahan naman." inis na suway ni Charvi inirapan lang siya ng kapatid ko.

"Sabihin mo nga. Bakit ka Nandoon? tsaka bakit nakapasok ang zombie sa bahay?" Pinaniningkitan ko pa ito ng mata. Hindi ito sumagot at nagmamadaling kumain na parang iniiwasan ang topic na 'yon.

Napahampas naman siya sa dibdib niya at mukhang nabulunan na nga, Gaga ayan kasi. Aabutan ko na sana ng pero naunahan ako ni Charvi.

"Sabing dahan-dahan e!" Si Charvi na napa 'Tsk' pa. Kanina pa parang iritable ang mukha nito.

"Ano ba talagang nangyari kanina Lexa?" Si Mitch na seryoso na ang mukhang nakatingin sa kapatid. Napabuntong hininga muna ito bago sumagot.

"Pagdating ko kasi doon ipinarada ko 'yung sasakyan sa labas. Wala naman zombie sa paligid pagdating ko." Umpisa niya.

"Nagulat nalang ako paglabas ko ng bahay sunod-sunod na nagsipasok 'yung mga zombie sa loob. Hinabol nila ako kaya pumunta akong likod bahay. Tapos 'yun, doon ako nagtago sa baba. Hindi ko alam na kinakapos na ako ng hininga kaya nahimatay ako." Paliwanag nito.

"Paanong nakapasok 'yung mga zombie sa loob?" Nakakunot ang noo na tanong ni Charvi.

"Ano kasi... nakalimutan ko pala isara muna 'yung gate bago ako pumasok sa loob ng bahay..." pekeng tawa niya bago nauwi sa ngiwi. Napasapo nalang kami sa noong lahat dahil sa sinabi niya.

Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED)Where stories live. Discover now