Chapter 28:Kaba

984 7 3
                                    

As we are starting our negosiation with our new client,napaisip ako.
Kung paano ko babaguhin ang sarili ko,napaisip ako kung matatanggap pa ba ako ng pamilya ko matapos nang ginawa kong mali sa kanila?

Matatanggap pa ba ako ng pamilya ko kung marami na akong hindi na sunod sa mga gusto nila?

"Hoy!" Mahinang tinapik ni Leo ang mukha ko.

"Kanina ka pa tulala jan ah,May problema ba?"

Ngumiti lang ako sa kanya at umiling-iling.

Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Tanong na paulit-ulit sa aking isipan.

Kami ay pabalik ngayon sa Resort,Sa aming hide out.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Binalewala ko na lang ito,
Gumawa ako ng paraan para maging busy at hindi maramdaman ang kaba.

Pagdating namin sa resort,parehong pakiramdam parin ang naramdaman ko.

Hindi maipaliwanag na kaba at tumatayo pa ang aking mga balahibo.

kumuha ako ng canned beer sa Ref at uminom.

Hindi maalis sa isip ko kung bakit ngayon ay nagkaka ganito ako.
Bakit ako kinakabahan ng sobrang hindi maipaliwanag.

May mangyayari kayang masama?
May mangyayari kayang hindi ko gusto?
Ano ang ang ibig sabihin nito?

Dinial ko ang number ni mom at akma ko na itong tawagan nang may mga tanong na bumabalakid sa aking isipan.

Sasagutin ba nila ang tawag ko?
Galit kaya sila sa'kin?

Umiiling-iling ako sabay sabing;
" 'Wag nalang.total mga magulang ko mas gusto nilang wala ako,kaya ano pang rason para tawagan sila?Ano pang rason para ma misss sila? Di ba wala? mag mula nung umalis ako sa bahay,doon na naputol ang ugnayan nang pamilya ko sa akin,doon ko pinutol ang ugnayan namin,masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon,masaya na ako dito,masaya na ako."

matapos kung kausapin ang sarili ko pumunta ako ng sarili kong kwarto,isa-isa kasi kami ng kwarto dito sa resort at sa function hall meeting place namin.

Kumuha ako ng papel at ballpen at doon ko sinulat lahat ng poot at pighati ko sa aking pamilya.

Sa paggising ko puro missed call ni Sabrina ang nakita ko,
Puro rin text.

Binasa ko ang mga text at hindi ko inexpect ang aking nabasa.

Why?

The Untold StoryWhere stories live. Discover now