Chapter 23:Diskubre

1.6K 11 2
                                    

Matapos ang ilang araw na pananatili sa hospital,sa wakas ay nakalabas din.
Inamin na namin sa kanila na ang Ama ng dinadala kong bata ay si Liam.

"Paano nangyari yon?" tanong ni Craige.
Imbes na sagutin ko ang tanong niya binalewala ko na lang ito.

"So kayo na?"tanong ni Mom

"Hmm..." sagot ko at tumango nalang.

"Congrats!" nakangiting sambit ni Mom.

"Ikaw 'wag mong saktan si Sabrina ah" turo niya kay Liam.

"Oo naman po,hindi ko po siya pababayaan,aalagaan ko siya pati ng maging anak namin." lumapit siya sakin at inilagay ang kanyang kamay sa tiyan ko.

Mga Ilang araw ding nakalipas pansin kong nagbabago ang mga kilos ni Craige,hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o pati na rin ang mga kasamahan sa bahay?!

Inoobserbahan ko muna siya at hindi ko muna sinabi sa kanila ang napapansin ko sa kilos ni Craige.
Araw-araw umaalis siya at palaging umuuwi ng gabi minsan din madaling araw.

Isang araw habang nagninilay-nilay ako sa kwarto niya at nilinis ang mga kalat,
Hindi ko inexpect ang nakita ko.

Tinago ko ang bagay na nakita ko at naging tahimik muna ako sa bagay na nakita ko.
Dali dali ko itong nilagay sa bulsa ko at dali-daling lumabas ng kanyang kwarto.

Craige paano mo nagawa 'to?

Sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang bagay na nakita ko sa kwarto niya.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at minamasdan ito.

Nagulat akong biglang may kumatok sa pinto at dali-dali ko itong tinago sa ilalim ng kama ko.

sa pagbukas ko ng pinto hindi ko inasahan na si Mom lang pala.

Kinabahan ako do'n ah!

"Ikaw pala mom." tangi kong nasabi dahil sa kaba.

"Kain na,kanina pa kita tinatawag."

"Ah cge po Mom susunod nalang ako may ginagawa pa kasi ako eh,"

"cge.." pagkatapos ay umalis siya,sinirado ko ang pinto at dali-daling kinuha ang bagay na tinago ko sa ilalim nang kama ko at tinago ito kung saan matagal makita.

Hindi ako masyadong nagtagal sa kwarto ko at baka mahalata nilang may tinatago ako.
Pagkarating ko sa kusina nakita ko si Craige,Panandalian ko itong tiningnan at ibinalik ang tingin sa pagkain.

Habang ningunguya ang pagkain hindi maalis sa isip ko ang bagay na nakita ko sa kwarto ni Craige.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na naman si Craige at para bang balisa at may hinahanap.
Hindi ko siya tiningnan lumabas ako ng bahay at Naglakad lakad hanggang subdivison nang gayun ay ma hanginan ang sarili ko ma refresh ang utak ko.

Sa hindi inaasahan nakita kong dumaan ang sasakyan ni Craige kaya naman naisip kong sundan ito.
Pumara ako ng taxi.

"Kuya,pakisundan po 'yon!" turo ko sa sasakyan ni Craige.

Tumango ang driver at nagmamaneho na.
patuloy lang ang aming pagsunod kay Craige hanggang sa hindi inaasahan may nagkabanggaan na sasakyan.

Isang humaharorot na motor at isang taxi.

"Ito namang mga 'to oh,grabe,hindi marunong mag-iingat parang pagmamay-ari nila ang kalsada,tsk tsk tsk." rinig kong sambit ng driver.

"Halah kuya nasan na yon?" gulat kong tanong kay Manong Driver nang mapansin kong ang sinusundan naming sasakyan ay nawala sa paningin namin.

"Eh Maam may nakaharang po eh," pagpapaliwanag niya.

"Halah...sayang" panghihinayang ko.

"Cge kuya balik nalang tayo." utos ko sa driver.

"Cge po ma'am.."
Hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Bayad po,"

Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso akong kwarto at naligo,pagkatapos dumiretso akong sala at nag Netflex!

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon