Chapter 13: Sampal ng Kantutan

3.7K 11 0
                                    

Sassy P.O.V

Nandito ako ngayon sa loob ng banyo.
Wala akong ginagawa,trip ko lang pumasok dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya.
Sa paghawak ko ng aking mukha ramdam ko ang aking luha.

"Bakit mo'to nagawa sa'kin Craige? Bakit? Bakit?" tanong na paulit-ulit sa aking isipan,habang patuloy lang sa pagpatak ang aking luha.

"Sassy?..." rinig ko ang boses ni Craige mula sa labas habang kumakatok sa pinto ng banyo,habang ako ay nakatayo at sumandal lang dito.

Rinig ko ring napapalakas na rin ang katok niya sa pinto na para bang sisirain na niya ang pinto ng banyo.

Pinahiran ko ang aking luha,binuksan ang pinto at humarap sa kanya.
Hindi niya inasahan ang mga panyayaring ginawa ko sa kanya dahil sa galit na aking nararamdaman.

Sinampal ko siya ng dalawang beses sa mukha at kita ko ang kanyang pagkagulat.
Pagkatapos ay dinaanan ko lang siya.

"Ano bang problema mo? bakit ka nagkakaganyan?" Malakas na boses niyang tanong sa akin.

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at kailangan ko nang ilabas ang galit ko sa lalaking 'to.

"Ano ang problema ko? ha? Ikaw ang problema ko! " sigaw kong sabi sa kanya at tinuro-turo siya.

"Hindi kita maintindihan! panong ako? panong-"

"Hindi mo talaga ako maiintindihan! Dahil walang sinungaling ang hindi aamin sa kamalian."

Sino ba naman kasing sinungaling na aamin sa kamalian abir?

Craige P.O.V

Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi ni Sassy,
Hindi ko alam kung ano ang rason niya kung bakit galit na galit siya sa akin.

"Ikaw pa ba 'to Craige? Hindi na ikaw ang kilala kong Craige,napaka baboy mo!"
Sa buong buhay ko ngayon lang ako sinabihan ni Sassy ng ganitong mga salita.

Hindi ko alam kung ano ang kasalanang nagawa ko sa kanya,hindi ko alam kung bakit galit na galit siya.

Sassy P.O.V

Hindi niya parin inaamin ang kanyang kamalian,
Hindi niya pa rin inaamin ang pang aahas na nagawa niya sa akin.

Gusto ko ng maging malinaw ang lahat,pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nakita ko.

Ano ang tamang decision?
Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya without actually telling him?

Buhay naman oh!
Bakit mo'ko pinahihirapan?
Bigyan mo'ko ng kasagutan!

Bakit ako nakararanas ng ganito?
Bakit nangyari sa akin 'to?
Saan ang mga kasagutan sa mga tanong ko?
Taena naman o!

The Untold StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora