Chapter 19:The Truth

1.4K 8 1
                                    

Sabrina P.O.V

What I wanted is peace of mind,pero patuloy parin akong nalilito kung tama bang sabihan si Sassy sa nangyari sa amin ni Craige o hindi.

Patuloy akong kinukulit ng konsensya ko at nahihiya narin ako sa sarili ko.

Tinext ko si Sassy na magkita kami dahil meron kaming dapat pag-usapan at meron siyang dapat malaman.

Tinext ko siya saang lugar at kailan kami magkikita,
Pagkadating sa aming meeting place ako pa ang nauna maya-maya pa ay dumating narin si Siya.

Umupo siya sa pwestong napili ko at magkatapat na kami ngayon.

"I thought may sasabihin ka?" sabi niya sakin, hindi ko alam kung paano simulan ang aking sasabihin.

"Sa totoo niyan..."kalmadong simula ko,kinakabahan ako kung tama ba itong ginagawa ko o mali?

"Sa totoo niyan hindi ko alam kung..hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko o mali,hindi ko alam kung tama bang malaman mo ang bagay na'to o hindi alam mo bang...."

biglang naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako at dahil na rin sa tensyon na aking nadama.

"Sagutin ko muna 'to,Excuse me!"
lumabas muna ako at sinagot ang tawag ni Mommy.

Sassy P.O.V

Habang nagsasalita si Sabrina ay tahimik ko lang siyang pinagmamasdan.
Halatang kinakabahan siya sa kanyang ginagawa pero hindi ako nagpapahalatang napapansin kong kinakabahan siya.

Habang patuloy siyang nagsasalita biglang tumunog ang kanyang cellphone,
sinagot niya ito at nagtagal din nang mga 3 minute bago natapos ang tawag.
bumalik siya at agad niyang binalikan ang kanyang sasabihin.

"Saan na nga ba tayo?" tanong niya sakin na nalimutan kung saan siya kanina huminto sa kanyang sasabihin.

"Ah! tama, kumusta nga pala kayo ni Craige?" tanong niya sa'kin.

"Hmm...ayon okay naman,okay nalang." sagot ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta, teka nga sabi mo may dapat akong malaman ano yun?" balik kong tanong sa kanya.

Sabrina P.O.V

Binalak kong ilihis ang sasabihin ko sa ibang topic at nagbakasakaling malihis ko ito pero hindi ako nagtagumpay dahil agad niya itong napansin.

"Ahh! tama,hmm..tama ang birthday ko malapit na gusto ko lang sanang malaman mo na invited ka." pagsisinungaling ko sa kanya.

"You're lying!" sagot niya sa'kin,halatang napapansin niyang nagsisinungaling ako kaya sige ito na sasabihin ko na.

"Alam mo okay lang kung hindi mo sabihin total wala namang sekretong hindi nabubunyag hindi ba?" -Sassy

"Tama ka wala." sabi ko sa aking isipan.

"Pwede nakong umalis?" pagpapaalam niya.
tatayo na sana siya ng hindi ko mapigilan ang aking bibig ay nasabi ko ang dapat kong sabihin.

"May nangyari sa'min ni Craige." habang sinasabi ito hindi ako makatingin sa mga mata niya.
Pansin kong tahimik lang siya.
kaya tiningnan ko siya sa mga mata.

"Tama ang narinig mo,may nangyari sa amin ni Craige and it is not the first time!
Actually pangalawang beses na naming nagawa iyon at nahihiya ako sa sarili ko dahil sa mga oras na nagawa namin iyon ay yung sarap lang nang sex ang naiisip ko at ni Craige.
Sinabi ko 'to sayo dahil hindi ko na kaya,inuusig ako ng konsensya ko at patuloy akong kinukulit ng utak ko na sabihin sa iyo ang bagay na'to.Excuse me!"
matapos ko iyong sabihin ay hindi ko na binalak pang marinig ang sasabihin niya,umalis ako at hinayaan siya.

Sassy P.O.V

Matapos iyong sabihin ni Sabrina ay umalis siya.
Binalak ko pa sanang magsalita pero nakaalis na siya.

May mga tao pa palang umaamin nang kasalanan?
Akala ko hindi itatanggi niyang may nangyari sa kanila ni Craige,well sa bagay wala na naman kami ni Craige kaya hindi ko na iyon poproblemahin pa.

Naramdaman kong kumirot ang aking puso at naramdaman kong uminit ang gilid nang aking mata at naramdaman ko ang likidong dahan dahan tumutulo sa aking mga mata.

Napakatanga ko dahil inibig ko ang isang taong hindi kontento sa isang babae.
Pinahiran ko ang aking luha at lumakad.
Ayoko ng luluha pa sa isang taong hindi naman dapat iniiyakan.

Alam kong makakaantay ang pag-ibig ang iisipin ko nalang ngayon ay huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin upang hindi ako lalong masaktan at hindi magka-depression.

Lalaki lang siya at hindi niya deserve ang luha na papatak sa aking mata.
Hindi niya deserve ang iyakan at higit sa lahat hindi niya deserve ang second chance.

The Untold StoryWhere stories live. Discover now