CHAPTER 94 ('・⊝・')

En başından başla
                                    

"alam mo bang sa tanong mong iyan ay parang itinanong mo saakin kung may isda ba ang dagat" sarkastiko nitong sabi at ngumuso ng makita ang pag tataka sa mukha ko.

"OA, halika na nga" biglang namilog ang mata nito at literal itong natigilan ng bigla kong hawakan ang kamay niya upang mahila.

Ng hindi ito nag patangay sa pag hila ko ay kunot nuo ko siyang tiningnan. "Ano na naman ba big bird nag mamadali tayo gusto mo bang buhatin pa kita?" Pigil ang inis kong sabi sakanya upang matauhan ito at biglang ngumisi bago ipinag siklop ang mga daliri namin.

"You never fail me to feel like this babycakes! Hindi mo kasi sinabi kaagad na gusto mo pala akong maka holding hands!" Gigil at malawak ang ngiti nito dahilan upang mapailing iling ako at tuluyan na siyang hinila.

**end of flashback**

"Siberia you okay? Nararamdaman mo na naman ba ang sakit?" Napaismid ako sa tanong niya at tumalim ang mukha ko dahil na din siguro sa ala-alang biglang nag flash sa isipan ko.

"I'm fine.. Hintayin mo ako sa baba, maliligo lang ako simulan mo ng mag isip ng lugar, dapat yung ikakasaya ko ay kahihiligan ko para makaulit kang muli na i date ako." Ngiti kong sabi bago ko siya tinalikuran.

•V•I•N•C•E• •P•O•V•

Lintik na pana ni kupido sinapol ako! Ang lakas talaga ng tama ko Kay siberia ^_____^ pero.. Haysst may iba itong gusto. Totoo naman noong simula ng makita ko siya ay tumibok ng malakas ang puso ko lalo na nung makausap ko siya at makasama. Pag kauwi ko noon sa bahay ay hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. At laking pasalamat ko at kilala ng pinsan ko si siberia dahil nag aaral ito noon sa paaralan ng Venjoe na yun at sakanya ko din nalaman na sa school ko pala siya nag aaral.

Walang ibang nakakaalam bukod sakin, sa pamilya ko at sa kaibigan ko na hindi pa dito nag aaral. Hindi ko gusto na malaman nila na ako ang nag mamay-ari ng paaralan na ito hindi ko gusto na gawan nila ako ng pabor dahil lang sa ako ang may ari ng paaralan na ito. Gusto ko ang pantay na pag trato.

Natigil ako sa pag iisip ng makita ko ang kuya ni Siberia. "Hey bro.." Nilapag nito ang kopitang hawak at nilingon ako gamit ang malamig na tingin kaya sunod sunod akong lumunok dahil pakiramdam ko ay kakainin ako ng buhay ng kuya niya.

Kung ito ay nakakatakot kapag seryoso pano kaya si Siberia? Ganito ba talaga ang pamilya nila nakakatakot?

"What do you need?" Tanong nito, napatikhim ako dahil pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Tatanongin ko lang sana kung ano ang hilig ni siberia na pasyalan at ang mga pagkaing gusto nito." May bahid ng kaba kong usal sa kanya. Nagulat pa ako sa biglaang pag halakhak niya.

"Ha! Ha! Ha! Pasyalan? Hmm.. Sa plaza mo siya dalhin.. Pag kain? Baka mandiri ka kapag nalaman mo ang gusto niyang kainin sa mga oras na ito." Tatawa-tawa nitong usal, samantala ako ay nanatiling nakatingin at nag hihintay sa idudugtong ng sasabihin niya. "Kwek-kwek, fish ball,kikiam, at barbeque." Nangunot ang nuo ko dahil sa tinuran niya.

"Anong klaseng pagkain yan?" Takha kong tanong na ikinabulalas niya ng tawa kaya maslalo akong nag taka.

"Ayan na siya, siya nalang ang tanungin mo bro, payo ko sayo.. Don't say bad words bahala kana sa kapatid ko" tumango nalang ako at nilingon si Siberia, narinig kopa ang bungisngis ng kuya niya dahil yata sa suot nitong luma at kupas na pantalon at damit naka sumbrero pa ito.

Nakangisi akong napailing this girl was never fail me to amaze, akalain mong simple manamit pero may kaya sa buhay? At ang kupas na pantalon at damit nito ay nag mukhang style lang dahil sa mala porselana nitong kutis. At ang malaking Tshirt niya ay mas lalong bumagay sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito manamit kahit na alam nito na ako ang ka date. Ang ibang babae ay hindi alam kong ano ang susuutin pero siya? Wow! As in wow!

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥


This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin