"Ikaw?," tanong kay Sister Janelle

"Sampung taon na po ako bilang isang Madre Superiora," sagot nito na totoo naman na sampung taon na itong Madre pero hindi Superior

Tumango iyon bago sila pinaupo sa tabi ng anim, napansin nila na namumutla ang mga iyon na parang wala ng dugo

Pero hindi man lang sila pinansin ng mga iyon ng batiin nila, diretso lang na nakatingin sa Pari na nag uumpisa ng mag sagawa ng pagdarasal sa harapan nila

*********

"May kakaibang nangyayari dito," ani ni Yuri sabay bangon mula sa kinahihigaan

Nasa kabilang silid ang tatlo, kaya silang lima lang ang nasa isang silid na malaki

"Pansin ko nga din," pagsang ayon ni Sister Janelle,"Tapos iyong apat na Madre at dalawang Pari parang bigla nalang sila namumutla,"

"Oo nga eh," pag sang ayon naman ni Aira,"Tapos kapag makatingin sa atin si Father Joseph,"

"Parang may kakaiba sa matandang Pari na iyon," ani pa ni Trina sabay tayo at palakad lakad sa loob ng silid nila

"Sabi niyo pa," sang ayon naman ni Nena,"Akala mo mangangain ng tao kung makatitig at parang manyakis pa," sabay tawa kaya natatawa nalang silang napapailing sa sinabi nito

Magsasalita pa sana si Yuri ng makadinig sila ng sigawan sa labas ng bahay

"Tulungan niyo po kami!," sigaw ng isang babae,"Maawa na po kayo sa amin ng anak ko!,"

Nagkatinginan sila, tumayo sila at lumapit sa bintana

Akama na sanang bubuksan iyon ni Yuri ng may magsalita

"Wag ninyong bubuksan ang bintana," saway bigla ni Isabel,"Kung ayaw ninyong madamay lalo na kami,"

"Po?!," naguguluhang tanong nilang lima sa kaharap

"Oras na buksan ninyo iyan at makita kayo ng humahabol sa babaing nas labas, ay mamamatay kayo ngayong gabi kasama na kami ng buong pamilya ko,"

"Pasensiya na po," hinging paumanhin ni Nena sabay yuko

"Hindi po ba natin sila tutulungan?," tanong ni Yuri,"Kawawa naman po sila at bakit anong mayroon sa labas?,"

"Walang nakakalam," umiiling iling nitong sagot sa kanya,"Kahit ni isa ay walang nakakaalam, kung mayroon man ay namamatay kaagad," paliwanag nito

Napaupo nalang sila sa kama na hinihigaan nila

"Matulog na kayo," paalam ni Isabel sa kanila, bago tuluyang lumabas ng silid nila

"Kailangan malaman natin kung ano ang gumagala sa Baryo Banal," ani niya,"Bago man lang natin sila iwanan ay maayos sana natin kung ano ang baluktot na paniniwala ng Pari na iyon,"

"Tama," pagsang ayon ng apat sa kanya at nagplano na sila para sa gagawin sa sugunod na gabi

"Hindi tayo pupwede na magtagal dito," ani ni Nena," Lumalakad ang oras at araw,"

"Kausapin ko sina Khael," ani ni Sister Janelle na lumabas ng kanilang silid para makausap ang tatlo na nasa kabilang silid lang

**********

Sa kalaliman ng Gabi

Isang babae ang tumatakbo habang hila ang dalawang anak nito na umiiyak

Sila ang pamilya ng babaing humihingi ng tulong na nadinig nila Yuri, ng gabi ding iyon

"Bilisan ninyo mga anak," kinakabahang sabi nito sa dalawang anak na tagaktak na ang pawis sa mga mukha nila

"Mama," ani ng batang babae,"Mamamatay na po ba tayo kagaya nila Tiyang at Jessa?,"

"Hindi mga anak,"sagot ng ina nila habang patuloy sa pgtakbo, hawak sa magkabilaang kamay ang dalawang anak nito

Walang tumulong o kahit nagbukas man lang sa kanila, alam ng ginang na mapapahamak ang sinumang tutulong sa kanila

Nang mga sandaling iyon ay nasa di kalayuan ang tatlo at palihim na lumabas para mag ronda sa Baryo Banal, may gusto silang alamin

Sa pinanggalingan naman ng mag iina ay may sampung kalalakihan na purong nakaitim n humahabol sa mga ito

Nakalabas ang mahahaba at matutulis na pangil, may mga mahahaba din kuko at higit sa lahat may mga mapupula at nagbabagang mga mata

"Hanapin sila," utos nito, na kaagad naman sumunod ang mg alagad nito sa matanda

Panay pa dij ang takbo ng mag iina ng makasalubong nila sina Kevin

"Anong nangyayari?," takang tanong nito sa mag iina

"Wag po kayong matakot," sambit naman ni Bryan,"Kakampi po kami at tutulungan po namin kayo,"

"May mga halimaw ang gusto kaming patayin," ani ng ginang,"Pinatay na nila ang kapatid ko at ang anak nito,"

"Samahan niyo sila," ani ni Khael,"Ako na ang haharap sa mga paparating,"

"Sige," sabay hila sa mag iina na nagtataka, doon sila pumunta sa silong ng bahay nila Isabel

Doon nagtago ang mag iina at binalikan naman nila Kevin si Khael na kaharap na ang sampung lalaking nakasuot ng itim na damit at mga nakakapa pa ang mga ito

"Bampira?," ani ni Kevin

"Oo," sagot naman ni Khael

Biglang sumugod ang mga iyon sa kanila perp mabilis silang nakaiwas,

"Aaurrgghhh," ungol ng isang bampira ng itarak ni Bryan ang balisong niyang yari sa pilak sa dibdib nito

Napatingin naman ang ilan sa nangyari sa kasamahan nila, nasusunog iyon at unti unting nagiging abo

Tatakas pa sana ang mga iyon ng maharang ni Khael na nasa anyong aswang na, dinukot niya ang puso ng dalawa at kinain

Hindi naman nagpasindak ang mga natitira at sabay sabay na sumugod sa kanilamg tatlo

Pero kagaya ng mga tatlong nauna ay patay silamg lahat sa magkakaibigan

Napatay na nila ng sampung bampira na umatake, pero ang hindi nila alam ay may isa ang nakatakas

Nakita nito ang lahat ng nangyari, maliban sa katauhan ni Khael, hindi nito nakilala ang binata kaya wala itong alam maliban sa dalawa na nakita nito ang mukha

Agad silang umuwi sa bahay nila Isabel, kasama ang mag iina

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon