Tahimik lang sila habang nasa biyahe, kahit na lubak lubak ang daanan papunta sa Baryo ay hindi na sila umangal

Nasa kabilang tricycle nakasakay si Aira kasama ang tatlong binata at silang apat ay sa isa naman nakasakay para hindi sila siksikan

"Hanggang dito nalang po," ano ng driver ng sinasakyan nila

Nasa bungad sila ng Baryo ibinaba, kung saan may arkong nakalagay at nakasulat ang pangalan ng Baryong iyon

"Hindi na kami pwede pumasok," sabi pa ng isa kaya hindi na sila umangal, agad silang nagbayad ng kanilang mga pamasahe bago bumaba sa kanilang sinasakyan

"Maglakad na tayo," yaya ni Nena sa mga kaibigan

"Ipagtanong natin ang bahay ng Mama mo," ani ni Aira sa dalaga

Tumango lang si Nena sa suhestiyon ng dalaga, kaya agad silang pumasok sa loob ng Baryo

Unang bumungad sa kanila ang sementeryo, na nasa kaliwang bahagi ng Baryo

May mga tao doon at alam nila na nkikipaglibing ang mga iyon sa isa nilang kababaryo

Tumingin sa kanila ang mga iyon pero agad din umiwas ng tingin ng madinig ang sermon ng Pari

Nandoon din ang anim na nakasakay nila sa bus at katabi ang isang Pari na nagbe bendisyon sa patay na tatabunan ng lupa

Halos puro mga may edad na ang nakita nilang nadoon, wala man silang silang nakitang bata o kahit mga kagaya man lang nila

Napatingin sa isang sulok si Nena at nakita niya ang mukha ng isang babaing hinding hindi niya makakalimutan kahit na lumipas na ang halos sampung taon

"Nandito ang Mama ko," bulong nito sa mga kaibigan,"Pero kailangan hindi nila malaman na mag ina kami,"

"Ha? Bakit?," may pagtatakang tanong naman ni Trina

"Ayun oh," sabay turo sa pintuan ng Kapilya na nasa kanang bahagi nila, kaya napalingon sila doon

Nakita nila ang nakasulat sa bawat pintuan ng kapilya, gamit ang pulang panulat

Isinulat sa kulay puting pintuan ng kapilya ang mga batas ng Baryo na ikinanlaki ng kanilang mga mata

"Kamatayan agad?," bulalas ni Aira,"Di ba dapat litis muna at paghatol?,"

Siniko lang ni Yuri ang dalaga at sinenyasan na wag maingay

"Lapitan mo ang Mama mo," utos ni Yuri sa kaibigan

Tumango naman kaagad si Nena sa kanya bago nilapitan ang babaing nakahiwalay sa mga nakikipaglibing doon

Napatingin naman kay Nena ang babaing lalapitan niya, nanlaki ang mga mata nito ang makilala siya

"Tiyang Isabel?," tanong ni Nena ng makalapit na doon,"Ako po si Nena ang pamangkin ninyo,"

Pinandilatan siya ng mata ng babae, kaya napayuko si Nena, agad itong nagmano sa Mama niya bago tumingin sa mukha nito

"Tara sa bahay," yaya ni Isabel ng matapos ng mailibing ang patay

Tahimik siyang sumunod sa Mama niya na nagmamadaling maglakad papunta sa kalsada

Sumenyas naman siya na sumunod na sila sa Mama niya kaya tumango nalang sila

**********

"Maupo kayo," alok ni Isabel ng makarating sila sa bahay nito

Malaki ang bahay nito at matibay ang pagkakagawa, makakapal ang tablang ginawang dingding

Yari sa yero ang bubungan at makapal o dobleng kahoy ang ginawa bilang pintuan

Dobleng kapal sa tablang ginamit bilang dingding ng bahay nito

"Kamusta kana, Nena?," ani ni Isabel sa anak na niyakap

"Ma," bulong nito na naiyak na, kaya umiwas sila ng tingin sa mag ina na nag iiyakan na

Hinayaan lang nila na magyakapan at mag iyakan ang mag ina dahil sa tagal ng hindi sila nagkikita

Umupo nalang sila habang nasa ganoon pa din ang mag ina, kumain at nilantakan ang pagkain na inihanda ng mama ni Nena

"Anak, naiintindihano naman siguro kung wag muna akong tawaging Mama?," alanganing tanong nito kay Nena

"Ayos lang po Tiyang Isabel," nakangiti at tumango si Nena na punong puno ng pang unawa

"Salamat, anak," sabay yakap

"Nasaan po ang Tiyo?," may pagtatakang tanong ni Nena

"Nasa bayan," sagot ni Isabel,"Namalengke para sa isang linggong pagkain, kasama ang kambal namin,"

Napatango nalang si Nena ganoon din ang mga kaibigan nito

"Ano pong nangyayari dito, Tiyang?," tanong naman ni Yuri

"Mahirap na ang sitwasyon ngayon dito kaysa sa dati," sagot nito,"Halos hindi na kami makakilos ng maayos dahil sa batas na binigay ng matandang Pari na iyon,"

"Wala po bang pumalit sa Pari?," tanong naman ni Aira, umiling lang bilang sagot si Isabel

"Halos lahat ng bagong Pari at Madre ay biglang nawawala kapag naka isang linggo na sila dito, tapos ang matandang Pari nalang ang matitira,"

"Nakakapagtaka nga po iyan," segunda naman ni Khael,"Wala po bang lumaban o umapela sa simbahan sa Bayan o sa ibang Simbahan?,"

"Wala," tugon ni Isabel,"Kaunting pagkakamali namin ay kamatayan na ang kaparusahan,"

"Tiyang nasaan na nga po pala si Tiyong Goryo?," maya maya pa ay tanong ni Nena

Kapatid ng kanyang ina ang tinutukoy nito, pero imbes na sumagot ay bumanghilit iyon ng pag iyak kaya nagtaka sila

"Patay na ang Tiyong Goryo mo," sagot nitong umiiyak, agad naman niyakap ni Nena ang kanyang Mama,"Isang buwan na ang nakakalipas,"

Napaiyak na din si Nena dahil sa sinabi ni Isabel

"Ano po ang ikinamatay ni Tiyong?," tanong ni Nena

"Pinugutan siya ng ulo dahil sa maling paratang," at tumudo pa ang pag iyak ni Isabel, napaiyak na din si Nena

Nappailing naman ang pito sa kanilang mga nadinig, kaya naaawa sila sa mag ina

"May bisita pala tayo," ani ng bagong dating na lalame, hindi na nila namalayan na nakarating na ito kasunod ang kambal na bata

"Fred, pamangkin ko sila," sabay turo sa kanilang walo, tumango at ngumiti naman si Fred sa kanila

Inasikaso na sila ng mga iyon sa kanilang tutuluyan,

Nakipaglaro naman ang kambal sa tatlong binata habang silang mga babae ay naghahanda ng pananghalian nila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now