Kabanata Bilang 1 - Ang Pagkikita

16 3 0
                                    

Maaga pa, nag-aayos ng sarili at nakasuot ng uniporme si Maria Cassandra Bartolome. Suot niya ang paboritong salamin (Reading Glasses). Lumabas ito sa silid. Nadatnan nito ang magulang nakaupo sa hapag. Siya lang ang iniintay.

"Magandang umaga sa inyo." masigla ang boses nito sa pagbati.


Binati din ito. Palaging ganon ang bungad niya sa kanyang pamilya. Nakasanayan na niya na kapag kagising ngiti agad dahil sabi nga nila "start your day with a smile" ganon ang peg niya. Yan ang karaniwang umaga kung minsan ay pinag-uusapan nila tungkol sa school, marka (grades) at sa pamilya. Natapos na ang agahan ay nagtungo siya sa eskwelahan. Ito ang unang araw ng pasukan kung kaya excited pa siya sa principal na pumasok. Tumigil ito sa gitna ng gate saka nilibot ang paligid. Iba't-ibang ang destinasyon ng kapwang estudyante nito upang hanapin ang kanilang silid-aralan. Katapat ng kinakatayuan nito ang principal office. Huminga ito ng malalim. Paniguradong marami naman itong gagawin at gagampanan biglang president ng school. Nagreport muna ito sa SSG office saka pupunta siya doon at babati sa mga nandoon tapos tutungo na siya sa klase niya habang naglalakad siya patungo sa silid aralan ay maraming bumabati na tinutugunan niya at tumitingin sa kanya na tinitignan niya rin. Lagi ito nakakarinig ng papuri at pagbati galing sa kapwang estudyante at guro. May ilang naglilinis ng tapat kani-kanilang corridor at sa loob ng silid-aralan ay nagbubunot at naglalagay ng floor wax para makintab-in ang sahig. Lahat sila ay tulo-tulong sa paglilinis kahit mapa-salamin, mapa-pirasa ( blackboard), sahig, mesa ng guro at banyo. Hanggang sa makarating siya paparoonan niya ang ganda ng bungad sa kanya. Yung gusto mong wag na dumihan ang sahig ng sapatos mo na mas gugustuhin mo na lang magpaa. Minsan sinaway ito ng ilang estudyante. Isang ordinaryong silid-aralan ang apat na sulok ng silid.





Nakarating na ito sa tamang palapag ng gusali. Tama lang ang dating nito dahil natapos sa takdang oras ang paglilinis at saktong dumating ang unang guro ng asignatura (subject). Nilapag ng guro ang makapal na libro na lumikha ng alikabok. Natahimik ang lahat nang pumasok ang madre. Ang unang madre ang unang pagdarasal tuwing unang araw ng Lunes. Nararapat na tumahimik at makinig ng mabuti kung hindi sila ang pagdadasal sa gitna ng eskwelahan. Nakayuko lang silang lahat. Hanggang sa matapos ang pagdarasal tahimik ang lahat. Disiplinado niya lahat dahil alam ng lahat na walang makakalagpas sa parusa. Kapag nagkamali ang isa, damay lahat pati siya.


Samantala, kanina pa naiipit ng traffic si Lukas Benjamin Alves. Kanina pa niya sinisigawan ang driver dahil sa mabagal na usad ng traffic. "Go on faster, old man!" Nagawa pa niya mag insulto dito kahit maraming nakatingin sa kanila. Bukas pa naman ang bintana kung kaya maririnig. Napahiya nagbaba ng tingin ang matanda. Matagal na naninilbihan ang matandang to' sa Alves. Patingin tingin siya ng oras sa palapulsuhan sa tuwing uusad ang traffic. Nakarating siya ng matagal nasa dalawang minuto at kalahating oras. Ganun katagal. Nilagyan niya ng pabango ang sarili para hindi maamoy ang pawis at usok galing sa sasakyan. Sa bungad ng gates, nakaabang ang grupo-grupong support fan niya. Sa kada araw ay puno lagi ang locker niya tulad ng chocolate, liham tungkol sa pagbati, papuri at cake. Pumasok siya may kompansya sa sarili (confidence). Sa ganun na paraan ay nakakaagaw siya ng atensyon at mas lalo pa lumakas ang naghiyawan at iritan. May ilang din nahihimatay kahit titingnan o susulyapan lang. Mas hihilingin pa ng mga babae na makita sila dahil once in the blue moon lang sila tignan ng lalaki. Lalo na kapag hinahangaan mo. Dumiretso siya sa classroom kung saan classroom din ni Maria Cassandra Bartolome. Pabaligbag niya binuksan ang pinto. Sa ganun na paraan ay maaagaw niya ng atensyon ang lahat. Hindi naman siya nagkamali dahil nakatingin sa kanya lahat nakatingin.



Sa pinakaunang upuan, napatigil si Cassandra sa pakikinig at napatingin sa nagbukas ng pinto nang walang galang at modo. Nakakunot ang noo niya nang nagtama ang kanilang mata. Tanging sila at tumigil ang takbo ng kanilang mundo. Pagsasabihan sana nito nang biglang ngumisi siya. Doon nito napagtanto niya na walang talagang respeto at paggalang ang lalaking kaharap niya. Hindi na nagbago ang senario na ito para sa mga estudyante na ganto. Palagi na lang napapahamak lahat dahil sa lalaki yan. Sa unang araw ng klase ay umaalingawngaw ang mataas na boses ng guro sa lalaki yun'. "You're late, Mr. Alves". Tiningnan ni Maria ang magiging reaksyon ng lalaki. Sa halip na magbaba ng tingin at humingi ng paumanhin ay iba ang naging sitwasyon. Ngumisi ito at hindi makapaniwala ang dalaga sa sinagot ng binata sa guro.

"Kita mo naman na late ako ay tatanungin mo pa ako. Better luck next time." Napanganga siya sa sinagot nito. Nag-init ang buong mukha ng guro sa pagpapahiya. Naghanap ito ng upuan parang walang nagyari. Tahimik siya nagmamasid sa paligid biglang tumigil ito sa harap niya.


"Ano?." Paghahamon niya. Umiling ito at pabagsak na umupo. Sa ganun na sitwasyon, gano'n lang siya nakaramdam ng galit sa lalaking katabi niya. Inoobserbahan niya ang katabi hanggang matapos ang unang klase. "Ano yung palabas mo?." Matapang siya tumayo sa harap.

"Ano din?." Ginaya niya ang boses ng dalaga tila nag-aasar. Mabilis naasar siya at padabog na umupo.

"Iisipin ko gusto mo ako at nagpapansin ka lang e." Nakangisi pa rin ito. Doon bumaling ang tingin niya. Umaawang ang bibig, hindi makapaniwala sa kakapalan ng mukha ng isang to'.

"Hindi mo ba ako kilala?." Namamanghang tanong niya. Nagkibit balikat lang ito, wala lang sa kanya. "Ako lang naman ang presidente ng school na ito."

*Kung sabihin ko sayo na ako ang anak ng may ari ng school na ito*. nakakalokong nag-iisip ito. Nagkibit-balikat lang ito para nainsulto ang dalaga. Inirapan lang niya ito. Namamanghang at nakangisi ito sa dalaga.

Wala man lang katakot takot sa katawan itong lalaking ito porket sila may ari nitong school na ito dapat dito tinuturuan ng asal eh.

-----------------------------------------------------------

Paalala: Ito ay imahinasyon lang at katang-isip lang.

(Collab with exceptionsGorgeous)

Thank you po sa gumawa ng Book Cover

THANK YOU AND ENJOY READING!

Falling For You (Book 1)Where stories live. Discover now