07

338 12 2
                                    

Chocolate Chixs 🍫

10:08 AM
Kit:
Asan si Reese?

Meij:
Iniwan ko sa salas 'yung apat. Kasama sina Florence tsaka 'yung dalawang pabigat.

Hersh:
'Di pa ba tapos mag-luto si Inay? Gutom na 'ko.

Suphia:
Potang lalandiin ni Kio. Buti nalang mukhang manhid 'tong si Reese.

Meij:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Meij:
Nagka-boyfriend ba 'yan si Reese sa ibang bansa?

Hersh:
Wala ata?

Kit:
May nag do-door bell, buksan mo 'yung gate. @Meij

Meij:
Luh epal naman, natulong ako mag-gawa ng lumpia kay Tiya, puro ka utos!

Kit:
Natulong ba 'yan e nag seselpon ka lang!

Suphia:
Ako na nga, mag-aaway na naman ayong dalawa.

Meij:
Luh, shuta ayan na naman 'yung kapatid ni Truce.

Hersh:
Flo, tago HAHAHAHAHA

Ree:
Bakit andaming tao? 'Di ba bawal lumabas kasi may COVID pa?

Ree:
Aren't they aware that I came across the country? I need to quarantine myself pa.

Suphia:
Speaking of maraming tao, baka pupunta raw dito 'yung mga tiyahin nating maliligalig.

Meij:
Tiyahing mga sipsip kamo. Narinig lang na dumating si Reese sabay bisita sa bahay, kala mo'y 'di tayo pinag-chismisan.

Hersh:
Taragis na 'yan naalala ko nung nakaraang taon, madalas akong gabi na umuwi kasi nag oovernight kami sa bahay ng kaklase for thesis sa school tapos pucha, nung pinabili ako ni Inay ng yelo narinig ko pinag-uusapan ako.

Hersh:
'Di na raw sila magugulat kung sa isang araw buntis ako.

Hersh:
Parang mga tanga, nauuna pang mag desisyon sa buhay ko e 'di pa nga ako nakikipag-seggs.

Ree:
HAHAHAHAHA

Ree:
Akala ko pag-balik ko dito wala na 'yang mga chismosa na 'yan tapos meron pa pala.

Ree:
Bigyan nalang natin ng mga lotion, iyon ang madaming pinadala ni Mommy.

Meij:
Oh, pasado ba si Kio sayo, Reese?

Ree:
Huh? Anong pasado?

Meij:
Crush ka ata e, tipo mo ba?

Ree:
'Di naman ata. Friendly lang.

Kit:
Sige maniwala kang friendly 'yan e halos interviewhin ka na HAHAHAHA

Hersh:
Bastedin mo HAHAHAHAHA

Suphia:
Sad boy na naman 'yon.

Kit:
Okay, put all your phones down now. Kakain na.

Stardust (An Epistolary)Where stories live. Discover now