Lumabas ako ng kwarto at sakto ang pagdating ni Noah. Ibinaba niya ang pagkain na hawak sa lamesa at pinasadahan ako ng tingin.

"Aalis ka na?"

"Maya maya pa,"

Tumango siya at nagpaalam na magbibihis muna sa kwarto. Naupo ako sa sala at tinitigan ang cellphone na nasa lamesa.

Ilang sandali lang, lumabas din si Noah. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa mga events kung saan pwedeng idisplay ang mga paintings na gagawin ko.

Nakapagsimula na ako ng isang painting at plano ko iyong tapusin mamayang gabi. Ayoko na uminom ng gamot para lang makatulog kaya maghahanap na lang ako ng pagkakaabalahan at maghintay na madalaw ng antok.

"There will be a grand opening in one art gallery here in Manila. But I'm not yet sure of the exact date. Ito yung sinasabi ko na makakausap mo ang pwedeng bumili ng paintings sayo."

Tumango ako.

"This is a big event. Halo-halo ang pupunta. Business personalities, celebrities, politicians, VIPs... name it. Also, there will be a media that will witness the whole event."

"Hindi ba magiging mahirap iyon? I mean, maaaring pwede ka ma-intimidate sa makakasalamuha mo."

"It's completely normal, Selene. Kahit ako ay kinakabahan din kapag ganoon. But don't worry, I'll be by your side while you're presenting."

"May painting ka rin bang ididisplay?"

"Oo mayroon din." 

Tumango ako. "Siguro mabuting magkatabi lang tayo ng painting?"

"Let's see."

Tumango ako at saglit na natahimik. Ginagawa ko na ang posibleng senaryo sa isipan ko.

"May mga foreigners na pupunta. Siguradong may offer kang makukuha na tungkol sa pagpipinta overseas. Sa kagaya mo, malaki ang posibilidad na makuha ka. You're a big catch." he said seriously.

"Wala pa sa akin iyon. Sa ngayon, maayos na ako kahit dito lang." mahinang sabi ko.

Walang kaibahan kung makikipag-usap ako sa ibang bansa. Hindi pa iyon ang magiging priority ko dahil mas pipiliin kong tapusin muna ang pag-aaral dito bago makapagtrabaho sa ibang bansa.

"I understand. For sure, the offer will be open for you for a long time. Halatang hindi ikaw ang tipo ng naghahabol. Ang mga offer ang naghahabol sayo." tawa niya.

Uminit ang pisngi ko. "Hindi naman ganoon,"

Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako para sa meeting. Tahimik ang restaurant at iilan lang ang kumakain nang pumasok ako.

Naglalakad ako patungo sa isang lamesa nang biglang mag-vibrate ang cellphone para sa isang mensahe. Mabilis ko iyong binasa.

Unknown Number:

Someone will accompany you to the private room.

Hindi ko pa naibababa ang cellphone nang lapitan ako ng waiter.

"Good Afternoon, Ma'am. Follow me please."

Hindi na ako nakasagot at sumunod na. May pumasok na ideya sa isip ko pero pinili kong huwag na bigyan pa ng pansin.

Binuksan ng waiter ang pintuan ng private room. Magaan ang loob ko nang bumaba rito pero nang makita ang prenteng nakaupo sa lamesa ay bumigat ang pakiramdam ko.

Looking like an arrogant king sitting in his throne, I met the eyes of Dean Andrada. Ang pagkaka-krus ng kanyang binti ay inayos niya nang makita ako.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon