Kabanata 11

20K 634 75
                                    

Kabanata 11

Push

Maaga akong nagising para maligo. Hindi ko na ininda pa ang sakit sa pagitan ng hita. Tulog siya nang lumabas ako ng kwarto kaya hindi ako sigurado kung gising na siya ngayon.

Natagalan ako dahil sa iniisip. Walang magbabago sa mga kilos ko, iyon ang dapat. Pilit kong hindi pagsisihan ang mga nangyari pero pilit kong kinakalimutan. Ang gagawin ko ngayon ay ang pagpapaalis sa kanya rito.

After what happened last night, mas naging determinado na akong mapaalis siya rito. Patagal ng patagal mas lalong nagiging mali. If pushing him away will get me to where I need to be, I'll do it.

Hindi ako magpapadala sa pansamantalang nararamdaman ngayon. This feeling is just temporary. Pansamantala at maglalaho.

Pipiliin ko ngayon ang permanente, walang iba kundi ang kaligtasan ko. Tahimik ang buhay ko noong hindi pa siya dumadating. Pero nang pumunta siya rito ay nagkakagulo na sa paligid ko.

I don't care if those are coincidence or not. Kung may mangyayari man ulit sa akin dito, I want him to be out of it. Sisiguraduhin kong hindi na siya ulit madadamay. And for me to do that, I need to push him away, in his own land.

Hindi magiging kawalan ang pag-alis niya dito. At sigurado akong babalik din siya sa Manila matapos ang trabaho dito. Aalis din siya sa gubat kalaunan, kahit hindi ko pa paalisin. Para mabawasan ang kamalian na nangyayari, mas mabuting pinapaaga na lang.

Ang mga dapat gawin sa araw na ito ay naplano ko na. Lumabas ako ng banyo matapos makapagbihis. Hindi na ako nagulat nang makita siyang nakaupo sa upuan na nasa kusina.

Mabilis ko siyang sinulyapan at nakitang wala siyang pang-itaas na damit. Ang kanyang mata ay nasa akin na paglabas pa lang.  Medyo magulo ang kanyang buhok at mapupungay pa ang mata, mukhang nadisturbo sa mahimbing na pagkakatulog.

"What do you want for breakfast?" he asked calmly.

Nilagpasan ko siya at naglakad na patungo sa kwarto. Kailangan kong ayusin at linisin ang kama.

"Ako na ang magluluto." sagot ko bago pa makapasok ng kwarto.

Sumunod siya sa akin. Parang umatras ang plano kong maglilinis ng kwarto, ngayon na nandito siya. Iniiwasan kong maalala ang mga nangyari kagabi dahil sigurado akong mahihiya na akong kausapin siya tungkol sa pagpapaalis sa kanya.

Saglit akong nalito sa dapat gagawin. Hindi ko iyon pinahalata at saka kalmadong pinunasan ang buhok. Nilagpasan ko siya nang nagtungo ako palabas ng kwarto.

Sinimulan kong magluto ng umagahan. Pagkatapos nito saka ko siya kakausapin. Hindi ko na siya muling sinulyapan hanggang sa mapansin kong may damit na siya pang-itaas.

Inilapag ko ang mga naluto para makakain na. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko. Sobrang determinado ako sa plano na hindi na ako naapektuhan pa sa titig niya.

Walang nagsalita nang magsimula nang kumain hanggang sa natapos. Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan. Nagpresinta siyang maghuhugas ng plato pero hindi ko hinayaan. Mamaya ko na huhugasan iyon para makapag-usap na kami.

Tumikhim ako at nagtungo sa sala. He followed me immediately like he knew about we're going to do. Naupo siya sa tabi ko.

"Mag-usap tayo,"

He simply nodded. "Okay. But before that, how are you feeling? Are you sore?" he asked gently.

Umiling ako, pilit hindi isipin ang tanong niya.

"Ayos lang ako."

Kung papatagalin ko ang sasabihin, baka makalimutan ko na. Sinikop ko ang buhok at tinignan siya. Nadatnan ko siyang nakatingin na sa akin.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon