"Hindi pa, pa" Pero kunti na lang ay pasuko na ako. "Ayukong sumuko at mas lalong ayukong mapagod, tay" Kinagat ko ang labi ko saka binasa iyon. "Heʼs my life and i dont have anyplan giving up on him."I cant even imagine my life without him. Nasanay na ako na siya ang kasama ko, kaya wala akong rason para sumuko. At kung mangyari man iyon, hindi dahil ayuko na, kundi dahil gusto ko lang mag pahinga. "At kung sumuko man ako o kaya bumitaw dahil pagod na ako, ginawa ko lang iyon para sa ikaka buti naming dalawa" Ayukong maging selfish. Kung ang pag bitaw ang kailangan para hindi ako maging selfish, gagawin ko iyon para sa kanya.

Masakit ang bumitaw pero mas masakit kong magiging selfish ka sa isang bagay para lang maging masaya ka. Hindi pwedeng laging ang sarili lang natin ang iniisip. Dapat pati ang mga taong nakapaligid satin dahil may nararamdaman din sila at masmahalaga ang nararamdaman nila kesa sa nararamdaman ko.

Kung bumitaw man ako, pinag isipan ko iyon ng mabuti. Hindi naman ako gumagawa ng desesyon na hindi pinag iisipan ng mabuti. Mas pipiliin ko parin ang kapakanan ng iba kesa sa sarili ko. Kaya ko naman kase tanggapin. Kaya ko tanggapin dahil kaya kong labanan.

"Hindi ko alam kung saan ka nag mana ng kabutihan ng puso, pero alam kong anak kita at handa akong ipag sigawan sa buong mundo na proud ako sayo" Lumapit si papa sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit. "Sa kahit anong laban kasama mo ako, Anak" Hinayaan kong kayapin ng sarili ko si papa. Parang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko sa puso dahil sa yakap niya. Bigla itong naging gamot na mahirap hanapin dahil nasa yakap niya lang ito.

Wala kaming ibang ginawa ni tatay kundi ang mag usap at mag tulungan sa gawaing bahay. Puro aral lang din ang inatupag ng kambal at hinayaan na lang namin dahil mas magandang gawin iyon kesa sa tumambay.

Nang sumapit naman ang gabi ay nag paalam na ako dahil nag hihintay na sa akin si Dew. Kumuha kami ng katulong para alagaan si Lalaine kaya hindi na kami nag mamadali minsan pag uuwi. Ayaw din kase ni Dew na ako ang mag alaga kay Lalaine dahil pangit daw tignan iyon at saka wala pa namang katotohanan na sa kanya talaga yung batang dinadala niya. Kung sana ay ako na lang ang nabuntis edi sana okay kami. Kaso may plano kami kaya nga gumamit ng proteksyon para maisagawa ng maayos ang plano naming dalawa sa buhay.

Hayop din naman kase ang loko. Kapag ang ahas naging malandi agad agad na tumutuklaw ito. Bukod sa mga kabit na kailangang bantayan, dapat pati sa ahas bantay na bantay ka. Mas malala kase ang mga ahas kase kung saan saan na lang sumusulpot tapos hindi mo namamalayan na nakapulupot na pala ito sa katawan ng mahal mo.

Pero kagaya ng isang inang manok, hindi ko hinayaang tuluyang matuklaw ang mahal ko. Okay nang ako na lang, basta huwag lang si Dew na matagal kong pinapangarap. Handa akong makipag laban kahit ang sakit sakit na minsan.

"Kumusta araw mo?" Yan ang laging tanong saakin ni Dew sa tuwing nag hapon kaming hindi mag kasama.

"Iʼm okay, Dew" at sa tuwing itatanong niya iyon ay laging Im okay ang sagot ko.

Okay naman talaga e, pero minsan hindi ko na din maiwasang matakot. Dahil habang tumatag ay nag iiba na ang lahat. Ako dapat yung inaalagaan niya, pero alam kong mas kailangan ni Lalaine iyon dahil siya ang buntis. Pakirandam ko tuloy kabit ako kahit hindi naman.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Sa tuwing napapagod ako sa kanya lagi ako kumukuha ng lakas.

"Jas, Mahal kita" Bigla akong napalingon sa kanya.Walang araw na hindi niya sinasabi ang dalawang salita na iyon. Its always melt my heart everytime i heard him saying those words to me, and its like a Melody in ny ears.

I smiled at himi. "Mahal din kita" Kahit subrang ramdam ko na ang pagod naming pareho ay mahal ko parin siya. Siguro dahil pareho naming sandalan ang isat isa at siya ang kumpas sa tuwing naliligaw ako at hindi mahanap ang daan papunta sa tamang landas.

Pag pasok sa bahay ay nadatnan naming kumakain si Lalaine. Hobby na yata niya ang kumain ng kumain kaya mas lalong tumataba e.

"Mabuti naman umuwi na kayo" May pag ka sarkastikong sabi niya. "Dew, samahan mo akong kumain" Hinigpitan ko ang pag kakahawak ng kamay ni Dew. Nakita kong napatingin si Lalaine sa kamay naming mag kahawak ni Dew kaya tumaas ang kanyang kaliwang kilay. "Yaya, Nawalan na ako ng gana kumain" Mabilis siyang tumayo at saka tinalikuran kami. What with that attitude, Lalaine? Feeling jowa hindi naman jowa.

"Puntahan ko lang, Jas" Bumitaw si Dew sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay kong basta na lang niyang binitawan. "Kailangan niya kumain para sa baby" Anito saka tumakbo papunta sa tinahak na daan ni Lalaine.

Naiwan akong mag isa na may mga tanong sa Isip na nag sisimulang mabuo.

"Maʼam, kakain po ba kayo?" Tanong ni Manang Jelay. Umiling ako sa kanya at saka pilit na ngumit. Naintindihan niya naman ang sinabi ko kaya tinalikuran niya kaagad ako.

Sinundan ko si Dew. Hindi ako mapakali sa tuwing mag kasama silang dalawa. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Lalaine. Hindi naman nakasara ang pinto kaya sumilip ako.

Nakaupo si Lalaine sa kama habang si Dew ay nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero biglang kumirot ang puso ko na makitang hawak ni Dew ang kamay ni Lalaine.

"Sino ba ang mas mahalaga saiyo, Dew? Ang batang dinadala ko o si Jastine?" Biglang may lumabas na luha sa mata ni Lalaine na kaagad naman niyang pinunasan. "Para kasing si Jastine lahat e," Malungkot na sabi niya.

"Laine, You know in the first place that Jastine is the only woman that i love" Deretsong sabi ni Dew. "Siya ang buhay ko at hindi yun mag babago at kahit ako ang ama ng dinadala mo, si Jastine parin ang pipiliin ko."Tumayo siya saka binitawan ang kamay ni Lalaine.

Dapat ba akong maging masaya na ako ang mahal niya? Dapat ba akong maging kampante?

Umalis ako at iniwan sila.

Bakit ganon? Kahit ako ang mahal hindi ko maramdaman. Kahit ako ang pinipili, hindi ko makita.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now