PROLOGO

35 3 5
                                    

Isang babae na hinahangad ng lahat. Bukod sa mabait at matalino pa. SSG officers at president pa siya ng eskwelahan. Marami siyang pangarap sa buhay. Medalya ang inuuwi niya. Tanging hiling ay mapayaman ang pamilya. Kilala din siya bilang matulungin at magalang sa kanilang barrio. Maraming naghahangad rin na maging katulad niya. Hindi naman kasi ganon kadali na mapunta sa sitwasyon niya. Mas itinaas niya lang ang expectation niya sa sarili para maging ganon.

Nagulo ang buhay niya nang makilala si Lukas Benjamin Alves. Kilala siya biglang pasaway, bully sa school, habulin rin ng gulo. Marami siyang records sa school ngunit nalalampasan nito dahil siya ang kaisa-isang anak ng may-ari ng school.  Hindi nito aakalain na may haharang at pipigil sa kanya. Na- challenge siya at pinaglaruan nito ang president ng school. Marami itong ginagawa para mapalayas siya. Katulad ng pagbully, pagbuhos ng tubig sa ulo, pagtapon ng basura sa locker, kinuha din ang gamit sa locker o pinamimigay, at marami pa. Hindi niya hinayaan na maging mahina siya dahil alam niya sa sarili niya na kung napunta nga sa kanya ang posisyon na kinakamtan ng iba, ito pa kayang pambubully lang. Kinakatakutan siya at sinusunod siya dahil mas matatag pa siya sa bato at walang nararamdaman kahit kaunti.

Nahihirapan minsan siya ngunit lumalaban. Para sa pangarap. Para sa kinabukasan. Tinuruan niya ng leksyon ang isang pasaway na lalaki. Wala itong sinasanto kapag mali ka ay mali ka kaya harapin mo ang parusa at wag maging duwag dahil tinuturuan lang niya ng leksyon ito ng para sa susunod hindi mo na ito uulitin sa pangalawang pagkakataon. Habang patagal nang patagal ay nagkakalabuan na at nalilito. Saan? Sa kanilang nararamdaman?. Hindi nila namalayan na umiibig na sila. Nagkakatitigan sila pareho at sabay Napalunok.

Paano natin malalaman kung tayo nagmamahal? Mababago pa niya ang isang badboy slash no feeling?Matutunghayan natin kung paano magmahal at magsakripisyo? Para kanino? Para saan? Ang pagmamahal ay nakadepende sa isang tao kung nakakasama ba o hindi. Ang Pagmamahal ay parang isang bagay na may sentimental value na kahit kailan hindi mo itatapon lang basta basta at may maaalala ka sa word na pagmamahal. Kung sa tingin mo ay may hahantungan na maaring maging mabuting ang kalagayan ng bagay o pangyayari.

----------------------------------------------

Paalala: Ito ay imahinasyon lang at katang-isip lang.

(Collab with exceptionsGorgeous)

Thank you po sa gumawa ng Book Cover

THANK YOU AND ENJOY READING!

Falling For You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon