Prologue

226 6 0
                                    


"Are you sure about this, anak?"

Nag-angat ng tingin si Dominique sa kaniyang ama na nakatayo sa hamba ng pinto na konektado sa terrace ng kaniyang kwarto.

She's busy playing a stick of cigarette on her right hand habang naka-krus sa bandang baba ng dibdib niya ang kaliwa niyang braso. Ang likod niya ay nakasandal sa railings ng terrace.

Huminga muna ng malalim ang may labing-walong taong gulang na dalaga bago sinagot ang tanong ng kaniyang ama.


"Alam n'yong hindi ako basta-basta nagdedesisyon." Seryoso niyang turan dito na hindi pinagkaabalahang balingan ng tingin ang kausap. "I've think about this many times already."


"I'm just worried about your safety." malumanay namang sagot ng kaniyang ama. Nasa tono nito ang pag-aalala at pag-aalinlingan.

Lihim siyang napangisi dahil d'on.


"I can take care of myself, dad. You know that."

Pumihit siya paharap sa kaniyang likod at itinukod ang parehong siko sa railings na kinasasandalan niya kanina.

She started attending different martial arts training at a very young age. Halos lahat na yata ng physical sports na alam niya ay pinagsanayan niya.

Simula n'ong magka-isip siya, doon na niya ibinunton lahat ng mga frustrations niya sa buhay.

Surely, she can have everything...

Everything that money can buy...

Pero may kulang sa kaniya na hindi kayang tapatan ng kahit na anong halaga.



A Family...



Bunga kasi siya ng isang pagkakamali.

Pakonswelo na lang na hindi siya pinabayaan nito...

Pero dahil kilalang business tycoon ang ama, ay lumaki siyang nakatago sa madla.

Her mom died upon giving birth to her. Kaya hindi niya ito nakilala.

Hindi rin siya tanggap ng pamilya ng kaniyang ama kaya madalas ay para siyang hangin lang na dinaraanan ng asawa at panganay nitong anak, na isang taon ang tanda sa kaniya.

May nakababata pa siyang kapatid, si Arkin. Anim na taon ang agwat ng kanilang edad... Ito lang ang trumato sa kaniya bilang kapatid at kapamilya. They are close... Kaya mahal na mahal niya ito.

Isang matunog na buntong hininga mula sa kaniyang ama ang nag-pabalik sa kaniyang atensyon.


"Alam na ba ni Arkin ang bagay na 'to?"


Umiwas siya ng tingin sa kaniyang ama.

Her father knew the closeness she have with her brother.

Hindi pa niya nasasabi sa kaniyang kapatid ang tungkol sa desisyon niyang umalis sa poder ng kaniyang ama.



"I will talk to him before I live."


Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ng kaniyang ama.


"I'm sorry..."


"Tsk!!" parang naririndi niyang turan at padaskol siyang humarap sa ama. "Stop saying that word, will you??" Puno ng diin na aniya.


"Dom..." malumanay pero nandodoon ang pagsusumamo sa tono nito.


"Dad, please!"

Mariin pa niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.


Sa tuwing maririnig niyang binabanggit nito ang salitang iyon ay mas nararamdaman niya kung ano at sino siya sa pamilya nito.

An outcast...

A mistake...

A trash...

'Yang tatlong salitang 'yan ang palaging tumitimo sa utak niya dahil iyan ang mga salitang sinasabi sa kaniya ng asawa at panganay na anak nito.

It hurt her so bad... Feeling like she's no more than a piece of an unwanted furniture in this world...


"When are you living?" bakas sa tono nito ang bigat na payagan siya sa desisyon niyang lumayo.

Malalim siyang bumuntong-hininga bago sumagot sa ama.



"Tomorrow."


At bago pa siya makakilos, ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng kaniyang ama sa kaniya.


"Take care, princess..." wika nito bago ito dahan-dahang lumayo at iwan siya sa kaniyang kwarto.


N'ang makaalis ang kaniyang ama ay doon na niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya pinipigilan na kaagad din niyang pinunasan tsaka sinindihan ang kanina pa niya hawak na sigarilyo.


Mahal niya ang daddy niya...

Pero ayaw niyang ipakita o iparamdam ito dahil ayaw niyang makagulo sa pamilya nito.

She's doing it for her brother, anyway...

When Opposite... Attracts!Where stories live. Discover now