Blessie

81 1 0
                                    

Sya ang kauna unahang pet namin na puppy simulang ipinanganak ako.

Oo tama aimula ng ipinanganak ako dahil ayaw ni mama ng aso, pusa, ibon, o ano man yan ayaw nya ng may iba pang inaalagaan maliban sa mga halaman nya.

May mga alaga man ako dati ei mga pusang ligaw naman un, kahit daga nga inaalagaan ko binibigyab ko ng pag kain lagi ako nag lalagay ng mangkok sa ilalim ng doubledeck namin at twing umaga lagi ubos, aya kong ipis kasi kinakagat ako nun, pati sa langgam ayaw ko din sa kanila, sa butiki pwd pa, at syempre sa gagamba.

Nang lumipat kami sa Taytay dati kasi kaming taga Marikina, ei ung tinutuluyan namin dun ay dinamin pag mamay ari nakiki upa lang kami, kaya bumiling bahay at lupa sila mama kaya nakalipat kami dito.

Friendly ang mga Tao dito at di gaya sa pinanggalingan ko matatas ang tingin sa sarili nila ang mga tao dun, laging nasa bahay nila at nag papayaman, di naman makalaro mga bata dun dahil ang susungit at pasosyal karamihan.

Pero ng lumipat kami ang mga bata walang oras na di nag lalaro ang ingay ingat pa pati kaya nakak engganyo makipag halubilo sa kanila, di silamukhang madungis, maaaayos sila manamit at laging mga naka ngiti.

Meron kaming kapit bahay na nag aalaga ng aso at babae ang aso nila kayat ng malaman naming buntis ito aba tuwang tuwa kami dahil sabi ng may ari bibigyan nya kami ng isang anak pag labas.

Tamang tama naman ay nag bukas kami ng tindahan tutal maraming bata sa amin at matao ang lugar, di naman sya mukhng probinsya pero payak ang pamumuhau ng mga tao dito, un lang sa may bangdang talipapa mga ilang kanto lang mula sa amin ay may mga naninirahang mga Muslim at twing madaling araw magigising ka sa ingay ng kanta nila.

Nang manganakna ang aso nila binabantayan namin araw araw kasi di pa pwd kunin kailangan pa nya mas stay sa mama nya at nakaktiwa dahil anim silang ipinanganak ang cucute nila.

Nang medyo lumaki na sya at pwd nang iwalay sa nanay nya kinuha na namin sya,at pinnngalanan namin baby Blessie kasi blessings sya samin dahil sa kagalakang naihahatid nya sa amin araw araw at simula nun sa bahay na sya tuwing umaga pero pag sasapit ang gabi dun sya sa mama nya natutulog kasi pag di namin sya inilalabas nag iingay sya sa loob ng bahay.

Twing umaga bago ako papasok binibisita ko sya sa kulungan ng nanay nya at inilalabas sya dun. Habang nag hihintay sa aking sundo nilalaro laro ko sya at yun ang exercise ko kasi minsan nag papahabol sya at para feel ko kunwari nag jojogging lang ako hahahaha.

Pag nandyan na ang sundo ko ay uupo sya sa pintuan namin para hintayin ako lumabas habang kinukuha ko ang gamit ko, pag labas ko naman ay sasabay sya sakin hanggang sa makapasok ako sa trycle, pag umandar na ang trycle susunod sya hangang sa makalagpas ng 3 kanto saka sya titigil at kakahol kahol saka babalik sa amin.

Yun ang daily routine namin twing umaga, at mag uwi ko naman.

Pag tapos ko kumain ng pananghalian dahil half day lang pasok ko di tulad nung nasa Marikina pa kami ay 10 hours ang pasok ko.

Kinukuha ko na sya sa kulngan nya at pinapakain ng pag kain ano pa ba, pag tapos nya kumain habang nag huhugas akong plano namin matutulog naman sya sa tabi ng paa ko, pag natapos na kong mag hugas alam na nya agad ang susunod papasok na sya sa dirty kitchen namin dahil oras na nya para maligo, malikot sya maligo gusto nya tumatakbo takbo sya at hinahabol ng malamig na tubig minsan pa kagat kagat nya ung host at habang nka higa sya sa lupa ay itinatapat nya ung host sa katawan nya, galing nay mag paligo sa sarili,meron din syang sariling shampoo at Sunsilk na pink un.

Pag tapos naman nyang paliguan pumupwesto kami sa may bandang pintuan ng tindahan dahil ung tindahan ay nasa bungad ng loob ng bahay kaya iisa lang ang pintuang pinapasukan dun kami nka pwesto dahil may sinag ng araw dun at dun sya ko sya itinatapat para matuyo at nakakatulog n sya nun madalirin para skin para pag may bumili ay malapit lang di ako tatakbo ng malayo at habang nag babantay ng tindahan nag aaral narin ako.

Pero sa di inaasahang pang yayari isang umaga panay ang suka nya ng puting likido at my bula bula pa, pag nag babawas sya basa at my mga bulateng kasama ganun din pag sumusuka sya may mga bulateng kasama na matubig, masakit sa akin pag nakikitang ganun ang nangyayari sa kanya at nahihirapan ako pag nakikita syang matamlay, umabot ng 3 linggo syang ganun at minsan pag nakikita kong nakatingin sya sakin na parang nag mamakaawa syang tulungang gumaling di ko magawa dahil di ko tlga alam kng anu nangyayari sa kanya ayaw naman ipagamot ni mama pero pinapainom namin sya ng gamot yun lang di ko alam kng anong gamot pinapainom nila basta sila mama't papa at ung may ari ng mama nya ang may alam nun.

Dinag tagal isang umaga bago ako pumasok sa school ng bibisitahin ko sya sa kulungan nya nakita kong malungkot ung nanay nya sa labas ng kulungan at nakayuko dati rati pag papalapit na ko at sinasalubong ako at tumaslon atalon pero ngayon di sya ganun.

Kinabahan ako at pag bukas ko ng pinto un nga nakita kong nilalanggam na si baby Blessie at ung tyan nya lumobo na at matigas ung mata nyang brown nilalanggam na at nka nganga sya, naiyak ako at di ko pinigilan ang sarili kong maluha kasi kahit ilang buwan lang namin sya nakasama may puwang na sya sa puso ko at napalapit na sya at sya ang pinaka unang aso namin talagang inalagaan kong husto pero di pla sapat lahat ng pag aalaga ko.

Sa huli kinuha sya sakin ni Lord at kahit sa maikling panahon napaka rami namang memories ang naiwan nya sa amin.

Dogs/Puppies?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon