Bago pa makasagot si Nanay Alfie ay pumasok naman sa sala sina Tatay Carlos, kasunod ang mga binata na galing sa kusina

Nagmano at kamustahan bago sinabi ni Nanay Alfie ang pakay nila Lola Maria

"Wala pong problema, Lola," ani ni Tatay Carlos,"Kahit dito sa amin naglipana ang mga aswang, halos dalawang araw na nag kami ginagambala,"

"Kagabi nakita namin si Apollo," ani ni Lola Maria, napatingin naman ito kay Khael na nakatitig kay Yuri habang nakikipag usap kay Sister Janelle na nasa di kalayuan

"Malaki ang pagkakagusto ni Apollo sa apo mo, Lola," komento ni Nanay Alfie habang nakatingin din sa dalaga

"Maganda si Yuri," dagdag pa ni Tatay Carlos,"Matulungin, mabait at higit sa lahat ay may busilak na kalooban, kaya siya siguro ang napili ng mutya ng kalamansi,"

"Tama ka, Carlos," pag sang ayon naman ni Lola Maria,"Siya nga pala malapit ng mag alas tres ng hapon," sabay tingin sa malaking orasan sa sala

"Bakit po?," may pagtatakang tanong naman ni Khael

"Gagawin ko na ang banal na lana habang nakasalang ay ilalagay natin sa taas ng kaldero para mausukan ng halos kalahating araw," paliwanag nito

"Tara na po sa kusina," yaya naman ni Nanay Alfie,"Hindi po ba yan makakasama kay Khael? Ang amoy ng kalamansi?,"

"Hindi," tugon ni Lola Maria,"May pangontra siya laban doon," ngumiti ng makahulugan si Lola Maria," Kahit may halong bulaklak ng bawang iyon ay hindi siya maaapektuhan,"

Tumango lang si Nanay Alfie, sabay kuha ng mga bagay na sinabi ni Lola Maria at dinala sa kusina,

"Apo," ani ni Lola Maria kay Khael,"Dalhin mo dito sa kusina ang lahat ng mga sandata nito, iyong kay Yuri nasa bag kasama ng itak niya,"

"Opo," sagot ni Khael at sinabihan na niya ang dalawang kaibigan na hakutin ang lahat ng kanilang mga sandata at panlaban sa mga aswang para mausukan sa kusina

Agad naman ginawa iyon ng dalawang binata at agad na sumunod kay Khael na papunta sa kusina, doon na din sila tumambay para makita nila ang ginagawa ni Lola Maria

**********

"Ano, Leigh?," tanong ni Sister Janelle, kasama nito sina Nena at Aira na nasa kubo,

"Anong? Ano?," takang tanong niya

"Ano si Khael para sayo?," tanong ni Aira sa kanya,"Alam mo matagal ko ng gusto si Khael," pagtatapat nito sa kanila

Napatingin naman sila sa dalaga na nakangiti sabay tango

"Matagal ko na silang naging kaibigan," dagdag pa nito,"Unang kita ko pa lang sa kanya ay minahal ko na siya. Minsan pa nga nagtapat ako sa kanya eh," sabay tawa sa mga kaharap

"Talaga?," tanong ni Sister Janelle

"Oo," sagot nito,"Kaso sabi niya pagmamahal kapatid lang daw ang kaya niyang ibigay sa akin, isnabero kaya yan sa unibersidad, halos ayaw kumausap sa mga babae, akala nga namin bakla eh," sabay tawa ulet

Kaya napatawa naman silang tatlo dahil sa sinabi ni Aira

"Miminsan lang ngumiti," nakangiting dagdag pa nito,"Akala mo laging may dalaw. Pero alam mo ba simula ng makilala ka niya ay palagi na iyan nakangiti, minsan nadidinig ko na din yan tumatawa, kaya natutuwa ako dahil nagbago siya ng dahil sayo, Yuri,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now