Kabanata 1

6 3 0
                                    

Nakasilong na ako ngayon sa malaking puno, nasa harap nung puno ang isang maliit na kubo na mukhang nakakatakot. pero hindi ako dapat matakot ngayon kase kahit anong gawin ko ako nalang mag-isa, wala namang tutulong saakin kahit pa magsisigaw ako.

"Ano kaya pakiramdam ng mag mahal no?" Tanong ko sa sarili ko habang nakasandal sa puno at nakatanaw sa kalangitan na puno ng mga bituin. 

Nagtataka lang kasi ako 'e. wala akong experience kung paano ba yung mga bagay na iyon, palagi naman akong nanonood ng mga tv series sa kapitbahay at ang sabi roon sa napanood ko ay.. 

Kapag nagmahal ka raw parang feeling mo may tense kapag magkaharap kayo nung lalaking iyon, tapos the way na tignan nyo yung isa't isa para talaga kayong love birds.. pero hindi ko manlang maranasan yung ganoon kasi wala naman akong jowa ever since.

"Sino kaya ang unang pag-ibig ko?" Napasinghap ako ng malalim at dahan dahang ipinikit ang mga mata ko.

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid, nakatulog na pala ako rito sa walang ka tao tao na Lugar, paano kaya ako napadpad rito sa malagubat na lugar na 'to? bakit ba kasi dito ako dinala nang mga paa ko eh! basta kasi ang alam ko lang eh nagdirediretso ako rito sa direksyon na ito ng walang dahilan.

"Ija? gising ka na pala" bumaling ang tingin ko sa matandang ale na nasa harapan ko ngayon, matanda na sya at mga nasa 60 plus ata? pero para namang malakas lakas pa sya kasi ngumingiti sya saakin, mukhang mabait si lola nyo.

"Ah Hello po, pasensya na po kayo." Ngumiti ako at yumuko, hindi naman nagsalita si lola at napatitig lang sa mukha ko.. kung hindi pa ako tumingin sa kanya hindi ko sya mahuhuli. nakangiti lang sya na parang masaya dahil nakita nya ako ngayon.

Natigilan sya dahil umiwas ako. "Wala ka bang kasama? delikado rito sa gubat na ito, mabuti nalang at hindi nagising ang mga Leon at tigre rito." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya? napalunok ako sabay tingin sa left side at right side, mukhang wala namang mga dangerous animal.

"Nagbibiro lamang ako" ang lalim naman ng words ni Lola kaya nagtaka ako, ganoon ba talaga kapag nakatira sa kagubatan?

Sinenyasan nya akong sumunod sa kanya kaya naman ginawa ko iyon, nagpunta kami sa maliit na kubo nya.. kahit maliit malinis naman kaya sobrang na-amaze ako.

"Kung wala kang matitirahan.. dito ka nalang muna sa tahanan ko, wala naman akong ibang anak kaya ikaw nalang ang ituturing kong isa sa kanila.." Sambit ni lola sabay ngiti saakin, ngumiti lang din ako at napaisip.

"Uh wala po ba kayong anak? nasa malayo ho ba sila?" Tanong ko. mukha kasing mag isa lang sya at loneler kaya nakakasad, mabuti nalang din at nakilala ko sya, para hindi na sya masyadong malungkot. "Wala ija masyadong pa akong bata para magka anak" mahina akong tumawa na ikinakunot ng noo nya, nakatingin sya saakin ng taas kilay at nagtataka, nawala naman yung ngiti ko dahil tinago ko iyon hihi.

"Hindi ka ba naniniwalang wala pa akong anak?" Tumaas muli ang kanyang kilay. haha syempre malay mo matandang dalaga pa si Lola.

"Lola naman.. syempre naniniwala po akong wala pa kayong anak, malay mo ayaw nyo lang po talagang  mag-asawa dahil takot kayo manganak." Marahan akong ngumiti sa kanya, napatango tango lang sya at binuksan na ang kanyang pinto na gawa lang din sa pawid, pinapasok nya ako sa maliit nyang kubo infairness kasi ang linis talaga ni lola.

Napag-alaman kong mag isa nga lang talaga si Lola dahil wala syang pamilya, sabi nya din na hindi sya matanda kasi bata pa sya pero ako 'tong ayaw mapalayas kaya sumasang-ayon lang ako kahit mukha na talaga syang matanda. hihik

Yun palang naman ang alam ko tungkol kay Lola Anya dahil hindi pa kami gaano ka close, tumira ako sa kanya ng mga ilang lingo, napaka bait nya saakin, sabay kaming kumakain at nangangahoy sa gubat tapos palagi syang masaya kapag kumakanta ako ng A,B,C,D, hahahaha ang cute nya nga kasi parang ngayon nya lang narinig yung nursery rhymes na 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The WishWhere stories live. Discover now