“Eh di mamamatay sa inggit palibhasa pantasya ka ng mga babae at mga bayola nating mga kasama, ako lang talaga ang hindi mo naloko.” ang sabi nito sabay tawa.

        “Ha-ha puro ka kalokohan sige na magpalit ka na pupunta na ko sa trabaho at ikaw naman magpalit ka na at ng makapag time-in ka na rin.” ang sabi ko pa paalis na sana ako ng bigla ako hatakin ni Karina sa mga braso ko.

        “Uy boyfriend blooming ka ngayon, hmm in love ka no?” ang biglang sabi ni Karina na pabulong.

        “Ha? Halata ba?” ang tangi kong naging tugon.

        “Sabi na eh, sino ang maswerteng babae na nakakuha ng puso ng boyfriend ko?” ang tanong ni Karina. Patay pano ko ba sasabihin sa kanya na hindi babae ang nakabihag ng puso ko...

        “Karina kasi... Hindi... Hindi...” ang paputol kong sabi na di ko sigurado kung sasabihin ko ba talaga na hindi babae ang nakabihag sa akin.

        “Hindi babae tama?” ang sabing bigla ni Karina.

        “Ha... Oo eh..” ang sabi ko na lang.

        “Naku ha dapat mas maganda sa akin yan o kaya mas cute o di naman kaya gwapo naku kung hindi papaulanan ko yan ng pana. Ha-ha biro lang mamaya pag-out natin tambay muna tayo sa malapit na tusok-tusok diyan tapos magkwento ka.” ang sabi ni Karina.

        “Karina kasi...” ang sabi ko na biglang tinakpan ni Karina ng hintuturo niya ang bibig ko para hindi ko na ituloy ang sasabihin ko.

        “Hindi ko tatanggapin ang hindi pwede boyfriend. Sa ayaw o sa gusto mo tatambay tayo at kukwentuhan mo ko and don’t worry my treat.” ang sabi nito at binitawan na niya ako, “Pano palit na ko ng uniporme ko mamaya na lang boyfriend.” ang sabi ni Karina at mabilis na pumasok sa locker room.

        Nang maiwan na ako ay lumabas na ako para magsimula na din na magtrabaho, medyo kaunti pa lang ang customer namin noon kaya hindi pa nakakapagod ang trabaho namin pero noong lumapit na ang bandang tanghali ay biglang dagsa ng tao kaya naman halos di na kami magkandaugaga sa gawain idagdag mo yung mga customer na pabago bago ng isip na hindi mo alam kung nantitrip lang naku kung hindi ko lang alam ang salitang, the customer is always right at keep calm baka nabatukan ko na sila.

        Nasa peak hour na kami noong mga oras na yon nang bigla ako nakaramdam ng biglang pagkahilo, nasa assembling area ako noon at inaayos ang mga orders sa akin, hindi ko ito pinansin dahil nakaya ko naman pero mayamaya ay bigla na lang ako napaupo mabuti na lang hindi ko pa nahahawakan yung tray ng orders.

        “Pare ayos ka lang ba?” ang tanong sa akin ni Marso na siyang nakakita sa akin.

        “Oh Yamato ano nangyari sayo ayos ka lang ba? Ano ang nangyari dito Marso?” ang tanong ni Ma’am Cathy na biglang pumasok sa assembling area.

        “Ah bigla na lang pong napaupo itong si Yamato, hindi ko alam kung ano pong nangyari.” ang sagot naman ni Marso na pilit akong inaalalayang tumayo. Pakiramdam ko noon ay umiikot ang buong paligid ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

        “Yamato ano ayos ka lang ba? May nararamdaman ka ba?” ang tanong ni Ma’am Cathy.

        “Ah opo Ma’am ayos lang po ako, medyo nahilo lang po ako siguro nabigla lang po yung katawan ko, alam niyo na po matagal din napahinga.” ang sagot ko naman at pilit na ngumiti.

        “Naku namumutla ka ha. Mabuti pa mag-break ka muna, nagawan na kita ng schedule at nilagay pa naman kita sa araw ng pagdating ng boss natin, hindi ka pwede umabsent nun.” ang sabi ni Ma’am Cathy.

        “Ah wala po ito Ma’am, pangako po papasok ako sa araw na yon.” ang sagot ko.

        “Ay naku sige, mag-break ka muna at magpahinga ka sa locker room niyo, Marso alalayan mo si Yamato papunta sa locker room, tatawagin ko na lang sila Chad at Japet para sila na mag-assemble ng mga orders sa inyo, pero bumalik ka din agad dito pag kahatid mo sa kanya.” ang sabi ni Ma’am Cathy.

        “Sige po Ma’am.” ang sagot ni Marso, “tara na pare.” ang sabi ni Marso sa akin at inalalayan nga niya ako na makarating sa locker room, at hanggang sa pag-upo ay inalalayan niya ako.

        “Salamat pare.” ang sabi ko sa kanya.

        “Wala yon? Ano nahihilo ka pa din ba?” ang tanong sa akin ni Marso.

        “Medyo pare pero mawawala din to napagod lang siguro talaga ako.” ang sabi ko pa.

        “Naku ikaw kasi masiyado kang masipag alam mo naman na kakagaling mo lang sa injury binibigla mo agad sarili mo. Sige na magpahinga ka na muna dito. Heto may baon akong tubig at tinapay sayo na lang to baka mamaya kulang lang yung kinain mo kanina kaya nahilo ka, ha-ha.” ang sabi ni Marso sabay bigay sa akin ng isang bote ng mineral at tinapay na kinuha niya sa locker niya.

        “Sira ka, pero salamat pare.” ang sabi ko.

        “Naku wala yon, magkakaibigan tayo dito at magkakatrabaho natural lang sa atin ang magtulungan. Pano balik na ko sa trabaho.” ang sabi ni Marso at umalis na din ito pagkatapos.

        Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kisame ng locker room, nakakasuka naman pati kisame umiikot. Sinubukan kong pumikit baka sakaling makatulong sa akin na mawala ang pagkahilo ko at ilang sandali ay dinilat ko ang mata ko at medyo bumiti ang pakiramdam ko, pikit lang pala ang katapat.

        Bigla kong naalala si Sunny, ano na kaya ang nangyari sa kanya doon kila Siwon? Ayos lang kaya siya ngayon dun o pinaalis na siya ni Siwon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at sinubukan kong tumayo at binuksan ang locker ko para kunin ang cellphone ko at i-check ito kung may text si Sunny, hmm wala akong narereceive na text mula sa kanya. Bago ko ibalik ang cellphone ko ay tinignan ko muna ang pictures ni Sunny na naka-save sa dito pampalakas lang feeling ko kasi si Sunny ang gamot ko.

        Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay ibinalik ko na ang cellphone ko sa locker ko at bumalik na din ako agad sa trabaho. Lumipas ang mga sumunod na oras na hindi na ako nakaramdam ng pagkahilo marahil dahil nga lang sa biglaang trabaho kaya ako nakaramdam ng pagkahilo, busy man ang araw kong iyon may isang tao ang hindi nawawala sa isip ko, sino pa eh di ang Sunny ko.

Rain.Boys: Sunny Love StoryWhere stories live. Discover now